Chapter 28: Frenemy

9.8K 474 67
                                    

TGISM: CHAPTER 28

MARCEL GARCIA POV

"Anong problema? Para kang broken hearted ha," pagbibiro ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang may luhang kumawala sa kanan niyang mata. Tumikhim ako at nagseryoso ng makita ang sakit sa mga mata niya. "Anong problema?"

Kumuha pa siya ng isang bote saka nilagok ito at agad naubos bago itinapon sa may carpet. "Karma." Kumuha siya ulit ng beer at uminom. Nakangisi siya pero patuloy pa rin sa pagtulo ang luha niya.

Sabi nila mas masakit daw ang nararamdaman ng isang tao 'pag umiiyak sila ng walang tunog.

Isa ako sa mga taong magpapatunay na totoo iyan.

"Sinong karma? May kaibigan kang si Karma?" pagbibiro ko.

Ngunit hindi siya tumawa. Mukhang hindi siya natawa sa biro ko. Panis biro ko ro'n ha. Tinapik ko na lang ang braso niya. "Ang sakit pala 'no." Tinuyo niya ang luha at suminghot para ibalik ang sipon niya sa loob.

"Aling masakit? 'Yong ilong mo?"

Napatigil siya at tiningnan ako ng masama. Napanguso ako ng malakas niya akong binatukan. "Nagdadrama ako rito tapos... Tangina! Bakit ba ikaw tinawagan ko?!" natawa ako dahil sa malakas na sigaw niya sa 'kin.

"Ganyan talaga 'pag kaibigan bro." Umakbay ako sa kaniya at mayabang siyang tiningnan.

"Hindi tayo magkaibigan." Malakas niyang tinampal ang kamay ko sa may balikat niya bago niya inalis ang pagkaakbay ko sa kaniya.

"Friend tayo," nakangusong sabi ko.

"Enemy," giit niya.

"Okay fine," sukong sabi ko dahilan ng pagngisi niya. "Frenemy." Nawala bigla ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Ang corny mo," nakangiwing sabi niya.

"You're my Frenemy." Akmang yayakapin ko siya nang inirapan niya ako at itinapon sa 'kin ang boteng wala ng laman. Buti na lang nasalo ko kun'di basag itong maganda kong itsura.

"Ang pikon mo talaga." Inilagay ko sa mesa ang bote. "Tayka sino ba kasi ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kaniya.

"Sino pa ba?" mahina niyang sabi. "Thea," malambing na pagtawag niya sa pangalan ng kapatid ko.

"Bakit anong ginawa niya? Pinatay ka niya?" tanong ko.

"Gago, nandito ba ako sa harap mo kung patay na ako." Napahilot siya sa sentido niya na mukhang stress na sa 'kin. "Pero oo, pinatay niya ako. Pinatay niya ang puso ko." Tinapon ko sa kaniya ang isang unan, napatigil naman siya at sinamaan ako ng tingin.

"Ang drama mo," inis kong sabi sa kaniya. Pinulot naman niya ang boteng wala ng laman at tinapon sa 'kin buti nalang at nasalo ko.

"Tayka ang daya mo naman unan sa 'kin 'yong sa 'yo bote? Papatayin mo naman ako n'yan e," nakangusong reklamo ko.

"Oo papatayin kita with love," sabi niya sabay tawa kaya napatawa na rin ako dahil sa tawa niya.

"Okay lang atleast with love." Napatigil siya sa pagtawa at binato ulit sa 'kin ang isang bote. Sinalo ko ito at nilagay sa mesa.

"Nababakla kana ba Marcel?" tawang tanong niya.

"Kaya kong magpabakla bakla kung ikaw rin naman ang dahilan, oh diba?" sabi ko sa kaniya kaya mas lalong lumakas ang tawa niya "Fafa Nious wampipti."

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now