TGISM: EPILOGUE
Nakaupo ako sa white chair na ito habang nakatingin sa stage.
Graduate narin kami. Nakatayo si Nious sa gitna ng stage habang may hawak na mic. Paulit ulit siyang tumikhim na para bang may nababara sa lalamunan niya. Pero halatang kinakabahan siya.
"Alam kong hindi ako naging magandang leader," panimula niya. "Siguro dahil lang naranasan ko lahat ng 'to. Ang saktan, parusahan, laitin, eh bully. Kaya gumanti ako at gumawa ng paaralan na puno ng mga halimaw. Ngunit sa totoo lang masasabi ko na ako pala talaga ang totoong halimaw. Kinulong ko kayong lahat rito sa loob ng university na ito na puno ng panganib. Pero hindi ko pinagsisihan iyon. Lalo na at ito ang naging dahilan kaya nakilala ko ang babaeng makakasama ko," tumingin naman siya sa 'kin at ngumiti.
Rinig ko naman ang hiyawan ng lahat kaya napakagat labi nalang ako. Baka kasi sugurin ko siya at halikan haha.
"Ang babaeng nagpabago sa hari ng mga halimaw. Salamat rin sa mga kaibigan ko na kahit hindi ko sinasabi sa kanila na kaibigan ko sila pinaramdam ko naman. Kay Trevior naman salamat at sorry dahil napagkamanlan ka namin. Marami akong natutunan na 'wag na 'wag manghuhusga ng tao. May natututunan rin ako tungkol sa pag ibig... Na mas piliin nalang ang present kaysa sa past wow! Corny. Kasi ang past nakaraan na yan hindi ko naman kakalimutan ang past ko lalo na at wala ako rito kung hindi ko napagdaanan ang nakaraan... Ang dami kunang satsat," sabi niya at tumawa.
Huminga muna siya ng malalim saka siya ngumiti. At tinaas ang kaliwang kamay niya.
"GRADUATE NARIN TAYO!" sigaw niya.
Umubong naman ang sigawan ng mga estudyante halatang masaya sila.
"BE PROUD! GRADUATE NA TAYO SA MALA HALIMAW NA ESKWELAHANG ITO!" nakangiting sigaw niya.
Bumaba na siya sa stage at umupo sa tabi ko. Hinalikan niya ang nuo ko saka siya ngumiti.
"Graduate narin tayo," nakangiting sabi niya.
"Yeah Graduate narin tayo."
. . .
Isang buwan na simula ng maka graduate kami. Nailibing na si Alex hindi na masungit si Alejandro palangiti na ito. Masaya rin ako sa mga kaibigan ko.
Nahanap narin nila ang babaeng makakasama nila habang buhay. Natupad narin nila ang mga pangarap nila. Ang iba naman sana mahanap na nila ang babaeng itinadhana para sa kanila.
Ito kami ngayon papunta sa bahay. Birthday niya kasi ng makarating na kami ay agad na kaming lumabas kinarga ni Nious si Tyron. Grabe ang hirap pang kunin ang loob ng batang ito pero kalaunay natanggap niya rin na wala na ang mga magulang niya.
"Happy Birthday Kuya!" Bati ko sa kaniya ng makapasok ako.
Hinalikan niya ang nuo ko. Inagaw naman ako ni Nious at tinago sa likod niya kaya napatawa ako parang naulit 'yung dati.
Tumawa rin si Kuya at ginulo ang buhok ko.
Naalala ko narin ang dati hindi naman daw talaga ako nagka amnesia sadyang sobrang bata ko pa no'n kaya hindi ko maalala hehe. Akala ko pa naman may amnesia ako kaya hindi ko maalala ang lahat.
"Walang kayong regalo?" tanong ni Kuya ng mapansin niyang wala kaming dalang regalo. "Hindi kayo makakapasok 'pag wala kayong regalo."
"May regalo kami," nakangiting sabi ni Nious. "Hindi pa nga lang dumating Frenemy," tinapik niya ang balikat ni Kuya.
Nakarinig naman kami ng ugong ng sasakyan kaya napalingon kami roon. Lumabas roon si Ate Gia with matching pang pogi sign pa kaya napatawa ako.
Lumabas siya at binuksan ang passenger seat at kinuha roon si Simon. Seriously? Pinaupo niya si Simon sa passenger seat?
YOU ARE READING
That Girl In Section Monster || COMPLETED ||
RomanceTGISM || ✓ (THAT GIRL IN SECTION MONSTER is unedited.) "You're my moon Thea, if your tired... You're free to find another star." -Nious Quias "Kada ngiti ko... Naka smile ako." -Nious Quias. Cover Design by Eys Eim WP