Prologue

40.1K 788 206
                                    

 Mula sa mataas na bahagi ng burol na kinatatayuan ko ngayon tanaw ko kung gaano kalawak ang lupang sinasakupan at pag-aari ng mga Sandoval. Hindi maabot ng paningin ko ang hangganan ng lupain nila sa sobrang lawak nito. 

 Ang ulap ng nagkukulay dagat, ang luntiang tanawin, ang mataas na sikat ng araw ay nagbibigay sa akin ng kapayaan. Malayong malayo sa buhay na aking kinagisnan, ang buhay na aking tinakasan at ang buhay na pilit kong kinakalimutan.

Sa haciendang ito natagpuan ko ang kapayapaang matagal ko ng pinagdarasal. Dito ako magsisimula ng bago kong buhay kasama ang kaisa-isang taong tunay na nagmalasakit sa akin ang kapatid ng lolo ko si lolo Ignacio.

Dito tahimik, payapa at disiplinado ang mga tao. Payak man ang pamumuhay pero makita mo sa kanila ang kasiyahan at ang pagiging kontento.

Tanaw ko mula dito sa burol ang nagtatayugang mga puno ng niyog na sumasakop sa pinakamalaking bahagi ng lupa ng hacienda. Sa kabilang bahagi nito makikita ang iba't ibang uri ng mga prutas na ang dahon at sanga ay sumasabay sa malakas na ihip ng hangin. Kabilang sa pag-aari ng mga Sandoval ang malawak na dairy farm at ang malaking planta. Sa pinaka-gitna makikita ang malaki at malawak na kulay puting mansion na nagsisilbing bahay ng mga ito.

Si lolo Ignacio ang isa sa mga katiwala ng mga Sandoval sa niyugan. Mula ng mapadpad ang lolo dito sa Davao ang sabi niya ang mga Sandoval na ang kumupkop sa kanya hanggang sa nagkaedad na siya. Naging taga-pag-alaga siya ng kabayo si Senyor Gideon noong una hanggang sa pinagkatiwala sa kanya ang niyugan. 

Kilala ang mga Sandoval dito sa lugar nila. Hindi lang dahil sa mayaman sila kundi dahil sa maayos nilang pakikitungo sa mga tauhan nila sa hacienda. 

May foundation sila na sumusuporta sa pag-aaral ng mga anak ng mga trabahador sa hacienda. Bukod doon malaki din ang pasahod at hindi madamot sa benipisyo para sa manggawa nila.

Sabi ni Lolo may dalawang anak na lalaki si Senyor Gideon at Senyora Elizabeth, si Senyorito Gustavo at Senyorito Gaston. Pero mula ng dumating ako dito hindi ko pa nakikita ang nakababatang Sandoval. Ang balita ng mga kasamahan namin nasa ibang bansa daw ito para pamahalaan ang kanilang negosyo doon habang si Senyorito Gustavo naman ang dito sa hacienda nila.

Maraming nagsasabi na may pagka masungit daw si Senyorito Gustavo pero nung una ko itong nakitang dumalaw sa bakahan hindi ko naman ito nakitang nagsusungit, sadya lang na may pagkaseryoso ang mukha niya. Ang sabi din sa akin ni Lolo, mabait si Senyorito Gustavo hindi lang daw ito pala-salita.

Agad akong nagtago sa malaking puno ng kahoy ng marinig ko ang tunog ng paparating na kabayo. Alas tres pa lang naman ng hapon at kapag ganitong oras wala namang napapagawi dito kaya nagtataka ako kung sino ang  nagawi dito sa burol ng ganitong oras.

Mula ng dumating ako dito sa hacienda, itong burol na ang pinaka-paborito kong puntahan pagkatapos kong maligo sa waterfalls sa baba lang nitong burol.

I was seventeen when I moved here or shall I say when lolo Ignacio rescued me. Mag-dadalawang taon na ako at masasabi kong kahit sa maiksing panahon, napamahal na sa akin ang hacienda ng mga Sandoval. Dito sa hacienda naramdaman ko na nagkaroon ako na panibagong buhay...panibagong pag-asa.

I grew up with a rough childhood and a pretty miserable life. Buong buhay, ko araw-araw kong pinapanalangin na makatakas ako sa impyernong kinasasadlakan ko noon. Pasalamat ako at niligtas at kinupkop ako ni Lolo Ignacio. Naging mahirap at masakit ang kabataan ko sa mga nakalipas na taon pero nung dinala ako ni lolo dito sa hacienda pakiramdam ko nahanap ko na ang kapayapaang matagal kong pinangarap.

I was blessed with a new life. I found new  friends. I met people who truly loved and cared for me. Here in hacienda Sandoval I found peace.  I found the life that I prayed for---a life that I deserved.

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon