Chapter 5

16K 496 165
                                    

"Camilla, akala ko naman naligaw na kayo ni senyorito! Ba't ang tagal niyo? Ano bang ginawa niyo?"

Sunod-sunod na tanong sa akin ni Amor pagkalapit ko sa kanila pero mahina lang ang boses niya, sapat lang na kaming dalawa ang makakarinig. Lumagpas ang tingin niya sa akin, hinahanap ng mga mata ang kasama ko. Iniwan ko kasi si Senyorito Gaston na ngayon ay nagtatali pa sa kabayo niyang si Rodrigo doon sa unahan. 

Sa tagal naming tumigil ni senyorito Gaston doon sa hindi ko alam saang parte ng hacienda hindi na ako magtataka kung magtatanong sila. Kainis kasi ang senyorito, mapag-angkin na nga paladesisyon pa. Ang dami pang bawal na akala mo naman ay kung sinong makapagbawal. Maypa-marka-marka pang nalalaman. Yan tuloy huli kaming dumating. Nakakahiya sa mga kaibigan ko. Baka isipin nilang nagpapahayahay lang ako.

Nauna ngang dumating sina Amor, Meling, Jepoy at Longlong dito sa tagpuan namin. Nag-iihaw na ng isda ang mga lalaki habang si Amor at Meling naman ay nag-aayos ng mga pagkain na hinatid daw ng tauhan ng mga Sandoval.

"Grabe kadaghan sa pagkaon te uy, murag naay fiesta. Lahi ra jud ug dato magpicnic noh?"dinig kong sabi ni Meling. Nagniningning pa ang mga mata habang nakatingin sa mga pagkaing nakahain sa harapan niya. 

Napansin ko ngang madaming pagkain ang nakahain na sa mesa. Mga pagkain minsan lang namin natitikman. May spaghetti, fried chicken, lumpia, pancit-bihon at  klase-klaseng prutas.  Meron ding mga nakatusok ng hotdog, karne ng baboy at manok, pusit at higit sa lahat maypa-lechon belly. Dinaig pa ang handa namin nung birthday ni Lolo Ignacio. 

Galante naman pala ang senyorito kahit hindi halata sa mukha. Akala ko puro kalokohan lang ang alam nito. 

Pero teka, akala ko ba wala siyang maiaambag kasi wala pa siyang sahod mula kay Senyorito Gustavo? Sa lagay na to, wala pa siyang pera? O Baka naman ni-nenok niya lang ang mga 'to mula sa bahay nila? Judgemental ka, Camilla? Kumain ka nalang kaya. 

"Iba talaga 'pag mayaman, ate noh? Parang balewala lang sa kanila ang ganito. Nagtanong pa ang mga kasambahay na nagbigay nito kanina, dahil baka daw kukulangin. Kulang pa ba ang mga 'to e sobra-sobra pa nga. Hay naku iba talaga 'pag mayaman, mapapa-sana all ka na lang talaga. " mahabang litanya ni Meling. 

Sabay kaming natawa ni Amor sa kanya. Mas nakababata sa amin si Meling at kung madaldal si Amor mas madaldal pa ito. Kung ano-ano pa ang mga komento niya pero hinayaan lang siya namin ni Amor.

Inayos ko ang mga pagkaing hinanda ng mga kaibigan ko. Nagdala si Amor ng nilagang saging at kamote na isasaw namin sa bagoong na pinigaan ng kalamansi at sili. Meron ding hilaw na mangga na binalatan na ni Meling, dala daw iyon ni Jepoy kasama ng tatlong litrong softdrinks. Si Longlong ay kaning mais ang dinala, pero din naman sinaing na bigas na mukhang galing sa mga Sandoval dahil nakalagay sa Aluminum na lalagyan. Ang niluto kong suman ay dinaanan din nila sa bahay. Nagbilin pa daw si Lolo Ignacio sa kanilang wag kaming magpagabi.

Dito kami ngayon sa isang bahagi ng ilog na may maliit na kubo, open cottage,  na pwedeng silungan ng sinumang nagpi-picnic dito.  May mesa ito sa gitna na gawa sa kawayan at pahabang upuan sa magkabilang side. Nakaharap kami sa ilog. Sa gilid, di kalayuan, may ginawang ihawan noon, sina Jepoy at Longlong na ginagamit namin kapag nagpi-picnic kami dito. Meron din maliit na mesang gawa sa kawayan doon at may isang bench na gawa sa kahoy.

"Ate Camilla may tanong ako sayo." tawag ni Meling sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Tapos ko ng ayusin ang pagkain na dala namin at kumakain na ako ngayon ng suman.

 "Ang ganda mo te, may boyfriend ka na?" Kumunot ang noo ko sa kanya saka umiling. Anong klaseng tanong yan? Wala pa sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon. Madami pa akong gustong maraing sa buhay. Ayokong mawala sa focus. 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon