Gaston Pierre Sandoval, ang matanda, hambog at makulit senyorito ay hindi talaga ako tinantanan buong araw. Konting-konti na lang talaga mabubuhagan ko na ito. Kanina niya pa ako pinepeste, mula sa bahay hanggang dito sa niyogan.
Kahit sa pamumulot namin ng mga tuyong dahon ng niyog nakaagapay pa rin ito sa akin. Pakanta-kanta habang nakasakay sa kabayo niya. Pati tuloy mga kasamahan kong skolars ay napapatingin na din sa amin. Hiyang-hiya na ako pero ang mahal na senyorito mukhang tuwang-tuwa pa ito pero hindi lang pinapahalata.
"Leave that, Camilla." saway niya sa akin ng makita niyang hihilahin ko na yung malaking dahon ng niyog. Masungit akong lumingon sa kanya. Bakit ba pinapakialaman niya ang trabaho ko? As if naman hindi ako sanay sa ganito. Isa pa ayokong mahalata ng mga kasamahan kong may special treatment siya sa akin pero ayaw talaga papipigil ni senyorito.
"Kaya ko na po, ito senyorito. Sanay na po ako dito." magalang kong sabi kahit deep inside gusto ko na siyang patulan.
"You'll leave that or isasakay kita dito sa kabayo?" nanghahamong tanong niya sa akin. "you choose..."
Hindi ako sumagot pero hawak ko pa rin ang dulo ng dahon. Hanggat maari ayokong makipag-away sa kanya dahil oras ngayon ng trabaho. Isa pa baka makarating sa ibang tauhan ng hacienda na nakipag-away ako kay senyorito, ayokong ipahiya is Lolo.
"Boy, come here..."tawag niya kay Jepoy para ipakuha ang dahon na hawak ko. Nakita ko pang natigilan saglit si Jepoy dahil sa masungit na pagtawag ni senyorito sa kanya pero agad din naman sumunod.
"Ano po yun senyorito?"magalang na tanong ni Jepoy, tumingin pa ito at ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.
"... take that leaves from her and bring there." tinuro niya ang kung saan namin tinitipon ang mga dahon ng niyog. Magpo-protesta pa sana ako pero pinili ko nalang manahimik dahil ayokong makagawa kami ng eksena.
"Okay po senyorito." nakangiting sagot ni Jepoy pero napawi ang ngiti niya ng makitang masungit na nakatingin si senyorito Gaston sa amin.
"Akin na Cam, sabi ko naman kasi sayo yong maliliit lang na dahon ang kunin mo." mahinang sabi ni Jepoy pero alam kong narinig ni senyorito dahil kulang na lang ay magbuhol ang kilay niya.
"Tutulung--"
"Give that to him Camilla and take a rest." putol ng senyorito sa akin.
Tinapunan ko siya ng masungit na tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Finish all the works, boy, and tell the other scholars to rest after."
Tumango at tahimik na sumunod si Jepoy sa inutos ni senyorito. Hindi na rin ito nakangiti sa akin at umiiwas na ng tingin. Tutulungan ko pa sana si Jepoy pero nakita ko ang pag-angat ng kilay ng senyorito at masungit na tumingin sa akin.
Naglakad ako sa unahan para umiwas sa kanya. Hinayaan ko na lang si Jepoy na hilahin ang mga dahon ng niyog mag-isa. Wala din naman akong maitutulong dahil ayaw ng senyorito.
Nakasakay lang ito sa kabayo habang nakaagapay sa akin. Sa akin lang dahil ang ibang skolars ay ilag na lumayo sa amin. Strikto at masungit ang mukha nito na akala mo naman seryoso at walang tinatagong kalokohan.
"Anong dadalhin natin sa ilog mamaya, Cam? Excited na akong maligo." para itong batang ngayon pa makakaligo sa ilog. "I miss going there. Ang tagal ko ng hindi nakabalik doon."
Anong matagal? Last week ka nga lang nagkunwaring nalunod doon. Baka nakalimutan mo?
"Do you want me to bring fish or meat para makapag bbq tayo doon mamaya, Cam? I'm really so excited."
BINABASA MO ANG
Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)
RomanceSOON TO BE PUBLISHED WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY GASTON PIERRE SANDOVAL (COMPLETED) No woman could tame a Sandoval like Gaston Pierre, but she did so without even realizing it. The playboy son of a powerful...