CHAPTER 1

200 6 0
                                    

Nagising na lamang si Sera dahil sa mahinang yugyog sa kanyang balikat. Mahina siyang napaungol at pagkatapos ay dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Unang bumungad sa kanya ay ang mukha ni Aling Linda.

"O siya bangon na diyan anak.Maghahanda pa tayo ng agahan ng mga Montero" mahinang wika nito

Tumango ang dalaga at bumangon. Inayos muna niya ang kama pagkatapos ay nagtali ng buhok.

"Mauna na akong bumaba anak. Sumunod ka na lang ha pakibilisan ang kilos malapit ng mag-alasais"

"Opo"

Nang iwan siya ng matanda ay saka siya pumasok ng banyo upang maghilamos.Pagkapasok niya ng banyo ay nalula siya.Hanggang ngayon ay namamangha pa rin talaga siya.Sobrang yaman nga talaga ng mga Montero.Kahit ang banyo para sa mga katulad nilang katulong napakabongga pa rin.Tapos yung silid na tinutuluyan nila malaki ang espasyo at halatang nagsusumigaw sa yaman.

Napailing siya at agad na nagsipilyo. Pagkatapos niyang magsipilyo ay ang sarili naman niya ang kanyang inayos. Napatingin pa siya sa salamin at bahagyang bumuntong-hininga.Nakikita niya ang  pag-itim ng ilalim ng mga mata niya.Halatang kulang sa tulog.

Kulang naman talaga siya sa tulog.Mga bandang ala una ata yun bago siya dinalaw ng antok  at hindi siya sanay sa ganon. Sino ba naman ang aantokin kung pati yung isip niya lumilipad dahil sa kusina incident na 'yon.

Ang unang pagkikita nila ng anak ng mga Montero.

Flashback

"Who are you?" iba ang klase ang pagtatanong nito. Napakadelikado pakinggan.

Hindi siya sumagot at nanatiling nakapikit.

"C'mon lady, open your eyes and answer me"

Kinakabahan man ay sinalubong niya ang tingin nito na sana ay hindi niya ginawa.

Nagulat siya ng makita ang kabuuan ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan.Wala itong pang-itaas na damit tanging ang pang-ibabang faded jeans lamang ang suot nito.Nakapabandera sa harap niya ang maganda at matipuno nitong katawan.Aaminin man niya o hindi ay sadyang  napakagwapo nito.Tindig palang ng lalaki napakapresko na ngunit halata sa hitsura nito ang pagkamasungit at seryoso.She was dazed on how good looking he is.

Napalunok siya.First time niyang makakita ng ganito kagandang katawan ng lalaki sa personal.'Yong sa iba sa mga palabas lang.Pasimple niyang kinurot ang kanyang palad upang gisingin ang sarili.Bigla ata siyang nahiya dahil sa paninitig niya dito.Nakita niya pang umangot ang gilid ng labi nito kaya napalunok siya at  nag-iwas ng tingin.

Nakaramdam siya ng kaba dahil ibang klase ito kung makatingin sa kanya. At ang nakakagulat don ay hinawakan pa nito ang pisnge niya! Dahil na din sa gulat ay napaatras siya at nabitawan niya ang baso na kanyang hawak na sanhi ng pagkabasag nito.Nakita pa niya ang pagkunot ng noo ng lalaki at pagkatapos ay ito mismo ang naglinis sa nabasag na baso.

Nakatungo lamang siya dahil sa takot na baka ay singhalan siya dahil sa kanyang katangahan hanggang sa magsalita ito.

Hinayaan pa talaga niya ito na ito mismo ang maglinis! Ang gaga niya.

"Again who are you?"tanong nito matapos nitong itapon ang basag na baso malapit sa may basurahan.Malalim ang boses nito at naghatid iyon ng takot sa kanyang buong sistema.

"A-ako po 'yong bagong tagapagsilbi sa mansyon niyo po" nauutal niyang tugon at hindi mapigilang laruin ang kanyang mga daliri.

Inangat niya ang kanyang tingin at nakita niya ang pagkunot ng noo nito.

" I didn't see you around kanina, why?"nakapangalumbaba itong nakatingin sa kanya at hindi siya naging komportable  don.

"P-pasensya na po señorito. Sumakit po kasi 'yong ulo ko.P-pangako po babawi po ako bukas.Gagawin ko po lahat ng trabaho" kagat labi niyang tugon

Tumango ito. Tinignan ang kabuuan niya.Nailang siya bigla!

"I'm wondering, how old are you?"

Nagtaka man ay sinagot niya ito.

"17 p-po"

Tumango ulit ito at pinakititigan siya.

" Hmm too young and beautiful."

----

Alas sais y medya na ng umaga at heto ngayon si Sera sa harden ng mga Montero.Inutusan siya ni Aling Linda na diligan ang mga halaman dito.

Hindi naman gaano kalawak ang harden at nagpapasalamat siya doon.Di siya mahihirapang taposin agad ang pagdidilig.

Unang tapak talaga niya dito kahapon ay namangha na siya pati na rin hanggang ngayon.Amoy na amoy niya ang nakahalinang bango ng mga bulaklak.

Ang dami at mukhang mamahalin ang mga ito.

Hindi pamilyar sa kanya ang mga bulaklak dito pero ang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang mga kulay puting rosas sa bandang kaliwa niya. Ang dami nito at napakagandang tignan.Kita niya pang may nagliliparang mga paru-paro dito.

Napangiti siya.

Ang sabi ni Aling Linda ito raw ang paboritong halaman ni Doña Cecile kaya dapat daw na alagaan ang mga ito araw-araw. Hindi din daw dapat ito ginagalaw o di kaya'y pinipitasan ng walang pahintulot ng Doña. Galawin mo na daw lahat wag lang ang mga rosas na ito.

Umiling siya at pagkatapos ay kinuha ang hose at sinumulang diligan ang mga bulaklak.

Winalis na din niya ang mga natuyong dahon at binunot ang mga mahahabang damo.

Seryoso siya sa pagbubunot habang may tumutulong pawis sa kanyang noo nang maramdaman na naman niya ang isang mainit na titig galing sa may di kalayuang ikalawang palapag ng mansyon.'Yung klase ng titig na naramdaman niya kagabi.Inangat niya ang kanyang tingin at napalunok ng makita kung sino ito. Kita niyang seryoso siya nitong pinanood habang nakapamulsa ang isang nitong kamay sa suot nitong maong shorts at ang isa naman ay may hawak na sigarilyo.

Señorito Cedrick.

Di niya akalain na magkaharap lang pala ang kwarto ng binata at ang harden kung saan siya naglilinis ngayon. Kinabahan siya na iwan at nailang siya bigla. Ayaw niyang mag-assume na sa kanya ito nakatitig pero hindi niya mapigilan at ayaw niya sa ganong feeling. Bago pa siya sa pakiramdam na ito at natatakot siya sa binibigay nitong titig. Hindi siya sanay sa totoo lang.

Lumunok muna siya bago nag-iwas ng tingin. Napili na lamang niya na taposin ang kanyang trabaho kahit nandon pa rin ang pakiramdam na may nanonood sa kanya. Hindi niya maiwasan ang sulyapan ulit ito ngunit
wala na doon ang binata sa pwesto nito.

Nakahinga siya ng maluwag.

Iwan ba niya ngunit hindi talaga siya komportable sa presensya ni Señorito Cedrick. Feeling kasi niya kakainin siya nito ng buhay! Kung makatitig parang may mabigat na kasalan siyang nagawa.

Parang delikado ata ako!



MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon