CHAPTER 10

168 2 0
                                    

"This will be your room." sambit ng binata sa kanya mula sa kanyang likuran.

Mga ilang minuto din ang kanilang biyahe bago tuluyang nakarating sa condominium ng binata at nasa ikawalong palapag ito.

Ngayon nasa loob na sila ng condo nito. Kasaluluyang silang nasa harap ng isang kwarto kung saan siya mananatili. Nakasarado pa din ito at hindi niya kita ang nasa loob. Kung kaya't inilibot na lamang muna niya ang tingin sa sala.

Pagkapasok pa lang talaga nila kanina dito ay talagang namangha siya. Malaki ang condo. Malawak ang living room. May tatlong leather couch at sofa sa bawat bahagi nito. Sa gitna ay isang babasaging round table. May roon ding malaking led tv ang nakasabit sa may dingding. Tawag pansin din ang iilang painting na nakasabit sa bawat sulok ng condo. Malaki din ang kusina at may dalawang malaking kwarto. Elegante at halatang mahal ang condo ng señorito.

"Sera.." tawag sa kanya ng lalaki nang tuluyan na silang makapasok sa tutuloyan niyang kwarto.

Ang akala niya talaga ay sa iisang kwarto sila mananatili ngunit hindi.  Nakahinga naman siya ng maluwag dahil don. Ayaw niya din naman itong makasama lalo na sa pagtulog. Pero inuulit niya wala siyang magagawa. Pero buti na lang talaga hindi nangyari ang tumatakbo sa isip niya. May konting respeto din pala ang señorito sa kanya.

"Po?" Nilingon niya ang binata. Kasalukuyan niyang inilapag ang dalang bag sa malaking kama at naupo don. Ang señorito naman ay nasa harap niya.

"Aalis muna ako." paalam nito at nakapamulsang nakatungo sa kanya.

Natahimik siya saglit at nakayukong tumango. Hinaplos niya ang kama at napakagat nang maramdamang malambot iyon.

"I will be home late so don't wait for me."

Tumango ulit siya. Ano nga ba ang sasabihin niya? Walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya. Hindi pa din nagsink in sa kanya lahat ng nangyayari ngayon. Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip niya. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Talaga bang nasa condo na siya ng binata? Anong mangyayari sa kanya?

Rinig niyang bumuntong-hininga ang binata. Naalarma naman siya nang tumabi ito sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Amoy na amoy niya ang panglalaki nitong amoy. Napalunok siya.Heto na naman 'yong pakiramdam na nakukuryente siya at sinabayan pa ng bilis ng tibok ng kanyang puso sa tuwing naglalapat ang kanilang balat ng señorito.

"Kainin mo 'yong binili nating pagkain kanina. Wag mo na akong hintaying makauwi." tila may paglalambing na saad nito sabay pisil ng kanyang kamay.

Tinignan niya ito. Kita niyang seryosong mukha ang rumihestro sa señorito.

Nauutal man ay pilit niya pa ding tinanong ang binata. "S-saan po ang punta niyo?." 

"Company babe. I need to be there and handle some things." paliwanag nito.

"Pero gabi na malapit ng mag-alas siyete. Wala ka pa ding kain." saad niya sa binata at nag-iwas ng tingin.

Napakagat siya ng labi. Bakit parang may tunog na pag-aalala ang mga salitang lumalabas sa bibig niya?

Dinig niyang tumawa ito.

"Don't worry I will be fine." maikling untag ng binata sabay lapit ng mukha nito sa kanya na siyang ikinalaki ng mga mata niya.

"Señorito..." halos pabulong niyang saad. Gumuhit sa mga mata ng señorito ang madilim na ekspresyon ngunit agad din itong nawala. Dahil malapit lang ang mukha ng binata ay tumatama ang mabangong hininga nito sa kanya. Hindi ito nagsalita sa halip ay nanatili pa din itong nakatitig sa kanya.

Halos mga ilang minuto sila sa ganong posisyon. Ngunit siya na agad ang unang nagbawi ng tingin. Maya maya pa ay biglang tumayo ang binata.

"Alis na ako. Don't forget to lock the door babe." saad nito at bahagyang yumuko at hinalikan siya sa noo. Saglit lang 'yon ngunit pakiramdam niya pinamulahan siya ng mukha.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon