CHAPTER 2

181 7 0
                                    

Malapit ng mag alas otso nang matapos sa pagdidilig si Sera. Muntik pa niyang mabatokan ang sarili dahil hindi niya namalayan ang oras. Nawili ata siya mga halaman. Kung hindi lang siya tinawag ng mayordoma ay baka abotin siya ng alas diyes doon sa hardin. Napakagat siya ng labi.

Kasalukuyang nasa kusina si Sera at abala sa pagtulong sa paghahanda ng agahan para kay Señorito Cedrick. Andami nilang hinandang pagkain ngunit ang señorito lamang ang kakain.Wala ang mga magulang ng binata dahil kasalukuyang nasa Italy ang mga ito at may inaayos daw na negosyo.

"nak, pakilagay nga nitong pancake sa lamesa. Titimplahan ko lang ng kape si Señorito" utos ng matanda sa kanya at inabot sa kanya ang platong may laman ng pancake. Tumango si Sera at   kinuha ang plato. Napatingin pa siya dito habang papunta sa dining table. Napalunok siya sa kanyang hawak. Mukhang masarap. Hindi pa siya nakakatikim ng pancake na may chocolate syrup sa agahan.Napailing siya. Bigla siyang naglaway.

Nang nasa dining table na si Sera ay agad niyang nilapag ang isang platong pancake doon. Bahagya niya ding inayos ang iba pang nakalagay doon para sa agahan ng señorito.

Habang abala sa pag-aayos ang dalaga ay sakto namang bumaba si Cedrick. Bigla siyang nahinto at tumuwid ng tayo. Hindi niya sinasadyang pagmasdan ito habang papalapit sa kanyang kinaroroonan. Mukhang bagong ligo ang binata dahil sa basang buhok nito. Nakasuot ito ng plain white tshirt at cargo shorts. Hapit na hapit sa katawan nito ang pang itaas nitong damit. Napalunok siya. Simple lang ang suot pero ang gwapo.

"Good morning" bati nito sa kanya na ikinagulat niya. Napatikhim siya.

Hindi niya namalayan na nasa tabi na niya pala ito kaya bahagya siyang umusod palayo dito. Nahiya siya bigla.

"M-magandang umaga ho. Handa na po ang agahan. Kain na kayo" wika niya sabay pwesto ng kamay niya sa pagkain mula sa lamesa. Sinabayan niya pa ito ng pagyuko bilang paggalang niya kay Cedrick. Medyo kinakabahan din siya dahil sa lamig  ng tingin nito na para bang hinahalukay ang buo niyang pagkatao. Malamig ngunit parang iba.

Mula sa kinatatayuan niya ay amoy niya ang panlalaking amoy ng lalaki.

Napayuko siya. Ayaw niyang maramdaman ang ganong paninitig ng señorito. Nawawalan lang lakas ang kanyang mga tuhod.

" Kumain ka na ba Sera?"

Napaangat siya ng ulo dahil sa tanong nito. Nakaupo na ang binata at nagbabasa na ito ng diyaryo.

"H-hindi pa po"

"Come join me." wika nito at binitawan ang hawak nitong diyaryo. Tumitig ito sa kanya sabay turo sa katabi nitong upuan.

"Ah mamaya na po. Salamat"  kiming tugon niya.

Medyo nakaramdam siya ng gutom  pero mamaya na siguro siya kakain kapag nakaakyat na ang si señorito Cedrick.

"Why?" abot kilay na tanong ng binata. Napaiwas siya ng tingin.

Alangan namang umoo siya di ba. Nakakahiya! Atsaka hindi siya komportable kapag malapit ito sa kanya.

"Señorito heto na ang kape niyo" singit ni Aling Linda na siyang ikinahinga ng maluwag ni Sera. Agad namang tinanggap iyon ng binata at bahagyang humigop.

Buti na lang dumating ang matanda kundi wala siyang maisasagot kay Señorito Cedrick.

"Oh Sera bakit andito ka pa anak. Balik na tayo sa kusina." saad ni Aling Linda sa kanya at naunang bumalik sa kanya sa kusina.

Tumango siya at akmang susunod nang bigla na lamang siyang tawagin ng lalaki.

"Sera."

Napahinto siya. Hindi siya sumagot.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon