Prologue.

17 2 2
                                    

Ian. Pangalan na ibinigay sa'kin ng aking mga magulang. Bata pa lang ako e aware na ako sa kinahinatnan ng aking mga magulang. Oo. Broken family kami. Ang dahilan kung bakit naghiwalay sila Mama at Papa? Hindi ko alam.

Bata pa lang ako e Lolo at Lola ko na ang nagpalaki sa akin. Dati e mayaman kami. Sobrang yaman na lahat ng mga bagay e kaya nang bilhin ng Mama ko. Na lahat ng gusto ng Ate ko e maibibigay niya. Bata pa lang ako, distant na ako sa parents ko. Epekto siguro na dumedede pa lang ako e Lolo at Lola ko na ang nag-alaga sa'kin.

Noong bata pa ako, sanay na akong mag-isa. Sanay na akong kumain kung ano yung nakikita sa lamesa. Hindi ako lumaki na iniiyakan ang bahay na hindi kayang ibigay sa akin. Ika nga nila, hindi daw ako "SPOILED" katulad ng ate ko. Dalawa lang kaming magkapatid at ymten years ang gap namin.

Seventeen years old na ako ngayon. At kasalukuyang nag-stop (na naman) sa pag-aaral. Sa totoo lang, hindi naman ako naghahanap ng magandang school e. Ang hinahanap ko, KALINGA.

Paano ko nga ba uumpisahan ang istorya na ito? Okay. I. Am. Gay. And i'm proud of it. Hindi man ito tanggap ng Papa ko. Okay lang sa akin. Ilang beses na din akong nasaktan. Emotionally and physically. Sanay na ako sa ganung sistema. Masasaktan. Iiyak. Tulog. Same process everytime na masasaktan ako.

Pero may tanong ako. When will i find true happiness ? And where will i find it?

(A/N medyo sabaw pa po. Comment po kayo if medyo interesting or what. Hehe. Wala pa po siyang typo-error. And please be good to me. It's my first time to write a novel. And a first time to tell a story that's all about me. So. Laters, Babies :*)

Selfless Love (Truth to Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon