PROLOGUE

30 2 1
                                    

Back when I was a kid, I used to believe that my family was my protection. I thought they were my protectors. I used to believe that I have God in every second of my life. I thought, He would protect me all the time because that's what my parents told me back then.



Every sunday, sama-sama kaming nagsisimba ng pamilya ko. Ang mga kuya ko o 'yong mga nakatatandang pinsan kong lalaki na mga sakristan. Lahat ng miyembro ng pamilya namin ay may kaniya-kaniyang tungkulin sa simbahan. Lahat kami naniniwala sa Diyos. Lahat kami naniniwala na hindi Niya kami pababayaan kailanman.



"Kayong mga bata, kapag alam niyong masama ang isang bagay at may masasaktan kayo o masasaktan kayo, iwasan niyo at huwag niyo nang ituloy. Ang anumang bagay na alam niyong ikapapahamak niyo at ng ibang tao ay dapat niyong iwasan. Bakit? Para hindi kayo lumaking makasalanan at  maging masamang tao. Hangga't maaari, protect your innocence!" Sermon ng Pari habang nasa kalagitnaan ng misa.



Kahit kailan ay hindi namin naranasang magpasaway sa simbahan ng mga kapatid ko. Lagi lang kaming tahimik at nakikinig ng maayos sa mga sinasabi ng Pari. Kahit minsan ay inaantok na, pinipigilan naming maidlip dahil tiyak na mapapagalitan kami ng ina namin.



Sa araw na 'yon, tumatak sa isipan ko ang sinabi ng Pari, "protect your innocence." Paano 'yon? Sa murang edad, napapaisip na ako kung paano ko mapapanatiling inosente ang pag-iisip ko. Hindi ba dapat ay mamulat kami sa reyalidad? Hindi ba dapat kami hayaang mag-explore? Iyon ang alam kong nararapat dahil bilang isang bata, mataas ang aming kuryusidad sa mga bagay na bago sa aming paningin.



Ang daming tanong sa isipan ko pero hindi ko 'yon maitanong sa mga magulang ko o kahit sa mga ate ko dahil sa tingin ko, hindi nila ako maiintindihan. Hindi nila maiintindihan kung ano ang pinupunto ko o baka hindi ko maintindihan ang paliwanag nila dahil bata pa ako. Alam ko sa sarili kong maiintindihan ko naman kahit papaano kung maipaliliwanag sa akin nang maayos dahil matalino akong bata pero, hindi pa rin ako humingi ng kasagutan sa mga tanong ko mula sa kanila.



Bilang isang bata, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang mag-enjoy sa mga bagong araw na binibigay ng Diyos sa akin. Gusto kong sulitin ang pagiging bata ko, gusto kong sulitin ang pagiging inosente ko sa mga bagay-bagay. Gusto ko 'yong pakiramdam na wala akong alam sa isang bagay pero pinaghihirapan kong pag-aralan at alamin kung ano 'yon.



Kapag bata ka, dapat nag-aaral ka lang ng mabuti at nag-eenjoy sa buhay. Hindi mo kailangang pasanin sa mga balikat mo ang mundo dahil hindi mo pa kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi ka dapat nape-pressure na gawin ang mga bagay na hindi mo alam, hindi mo kaya, at hindi mo gusto. Dapat, nangangarap ka lang muna para sa kinabukasan mo.



Ang simple lang ng pananaw ko sa buhay noon. Akala ko kapag bata ka, 'yong makabubuti lang para sayo ang iisipin nila. Akala ko noon, kapag bata ka pa, saya at pagmamahal lang ang ipaparamdam sayo. Akala ko sugat at galos dahil sa paglalaro at palo ng magulang lang ang sakit na mararamdaman ko sa pagkabata ko.



Sa pagkakaalam ko, mga bata ang dapat dinidisiplinahan kapag sumusuway sa mga magulang. Sa kabila ng lahat ng naranasan ko, mga nakatatanda ang nangangailangan ng disiplina sa sarili. Hindi ba dapat ang mga bata ay inaalagaan, inaaruga, minamahal, pinapasaya, at iniingatan? Bakit sa murang edad ang dami nang nahihirapan? Ang daming pinahihirapan.



Akala ko noon, kapamilya ko ang poprotekta sa akin. Akala ko sila ang proteksyon ko. Akala ko may Diyos na poprotektahan ako sa lahat ng oras at sa lahat ng kapahamakan. Pero nagkamali ako, lahat ng 'yon ay akala ko lang pala. Kung sino pa 'yong mga inaasahan kong gagabay at aalalay sa 'kin, sila pa pala ang sisira sa akin. Kung sino pa 'yong mga pinagkatiwalaan ko ng lubos, sila pa pala ang magbibigay sa 'kin ng takot sa lahat at sila pa ang naging dahilan kung bakit hindi ko na magawang magtiwala pa sa iba. Kung sino pa ang laging nasa simbahan, sila pa pala ang mag-aalis ng paniniwala ko sa Panginoon.



They said, blood is thicker than water but, because of all the sufferings I've been through, I figured out that water can be thicker than blood. Kadugo ko ang sumira sa buhay ko at 'yong mga hindi ko kaanu-ano at hindi ko kakilala ang tumulong sa akin na ayusin muli ang buhay ko na hindi naman ako ang sumira. Kadugo ko ang nagbibigay sa akin ng mga sugat at hindi ko kadugo ang gumagamot ng mga 'yon. Hindi ko kadugo ang mga naging karamay at sandalan ko tuwing nahihirapan na ako at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin ang mga nangyayari.



Hindi ko na mawari kung dapat pa ba akong magpasalamat sa mga magulang ko dahil sa pagbibigay nila sa akin ng tsansang mabuhay o kukwestyunin ko kung bakit pa ako nabuhay. Sa bawat araw na lumilipas, wala na akong ibang ginawa kung hindi ang isipin kung bakit pa ako isinilang. Parang pakiramdam ko, nabubuhay na lang ako para maghirap at magdusa sa mundo. Pakiramdam ko, gumigising na lang ako para magpabugbog sa mga sakit na dulot ng mga tao.



Hindi ko na alam kung maaayos pa ba ang buhay ko. Hindi ko na alam kung may Diyos pa ba talaga sa tabi ko. Kung mayroon, bakit niya ako hinahayaang magkaganito? Bakit niya ako hinahayaang saktan ng mga tao? Bakit niya ako hinahayaang maghirap at magdusa? Anong naging kasalanan ko? Anong nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito? Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba ang buhay na mayroon ako o buhay pa bang matatawag 'to? Buhay nga ako pero parang patay naman ang kaluluwa at sistema ko. Para akong bangkay na may kaluluwa.



Ito na ako ngayon, sirang-sira at pilit humahanap ng rason para lumaban at bumangon.

I am Aminah Cressida Nadezhda, and I failed to protect my innocence.

:))

Author's Note:

Aminah is a arabic girl's name that means, "feel safe".

Cressida was a Trojan woman who leaves her lover.

Nadezhda, slavic name that means, "hope."

UNPROTECTED INNOCENCEWhere stories live. Discover now