Nagising ako dahil naramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Napabalikwas ako patayo nang makita sina kuya Da at Kuya Jon na nakatayo sa pinto ng kuwarto at tahimik lang na nakatitig sa akin. Agad din naman akong natumba sa kama dahil bigla akong nahilo.
Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari kagabi dahil baka may kinalaman 'yon kung bakit ako nahihilo ngayon. Nang may kaunti akong maalala sa nangyari kagabi, agad akong napatakip sa katawan ko.
Naiiyak na ako habang nakatingala sa kanila. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang lumalabas na kahit ano mula sa bibig ko. Wala akong sapat na lakas para gawin 'yon. Gusto ko na lang makaalis pero ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko at panghihina ng katawan ko. Bukod doon ay nakaharang pa rin sila sa pinto.
"Huwag kayong lalapit sa 'kin.." nanghihinang sambit ko noong sabay silang humakbang palapit sa 'kin.
"Huwag na huwag kang magsusumbong. Wala kang pagsasabihan kahit kanino." Malumanay na sabi ni Kuya Daryl. Hindi nila ako pinagbantaan ng kahit na ano pero tumango na lang din ako dahil sa takot na baka may gawin sila na ikapapahamak ko at ng pamilya ko.
Umiiyak akong umuwi at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap ng pamilya ko habang may masakit na nangyari na hindi ko alam kung paano ko itatago. Gusto kong magsumbong pero mas nangingibabaw ang takot ko na baka ako rin ang sisihin dahil ako ang kusang pumunta roon o kaya naman ay hindi nila ako paniwalaan dahil ang akala ng lahat, naming lahat ay mabubuti silang tao.
Walang tao sa bahay nang makauwi ako kaya nagkulong na lang ako sa kuwarto ko at doon ako humagulgol. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ko napagdesisyunang maligo. Umiiyak pa rin ako habang binabanlawan ang katawan ko dahil 'di na mawala sa isipan ko ang nangyari. Natagalan ako roon dahil pakiramdam ko, kahit anong hilod ang gawin ko, ang dumi dumi ko.
Agad akong nahiga matapos akong magbihis. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko, habang yakap-yakap ko ang sarili ko. Naiiyak ako sa sakit ng nangyari sa akin pero, mas naiiyak ako sa katotohanang hindi ako makahihingi ng tulong, hindi ako makapag-sumbong. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, wala akong makapitan habang unti-unti nang gumuguho ang mundo ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak at nagising na lang ako nang maramdamang may humahaplos sa mukha ko. Nagulat ako nang makita si mama na nakaupo sa tabi ko, malumanay ang mukha niya at naka-ngiti siya sa akin. Agad akong bumangon at niyakap siya tsaka ako humagulgol ng iyak.
Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko at tanging hikbi ko lang ang naririnig sa loob ng kuwarto ko. Hindi rin naman tinatanong ni mama kung bakit ako umiiyak. Iniisip niya siguro na kaya ako umiiyak ay dahil sa pagsigaw at pagpapalayas niya sa akin kagabi. Hinahaplos niya lang ang buhok ko habang hinihintay na tumahan ako.
Nang mapagod ang mga mata ko sa pag-iyak ay humiwalay na rin ako sa pagkakayakap sa kaniya. Pinunasan ko ang basang mukha ko tsaka ako ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin naman siya sa akin pabalik kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Huwag kang magagalit kay Mama, ha? Nasabi ko lang 'yon dahil pagod ako pero mahal ka ni Mama. Huwag ka nang aalis ulit, ha? Delikado sa labas." malambing na pagpapaliwanag ni Mama habang hawak niya ang magkabilang pisngi ko.
Naiyak na lang ulit ako matapos kong marinig sa kaniya na delikado sa labas. Naiintindihan kong nasabi niya lang ang mga 'yon dahil sa pagod pero hindi niya sinasadya. I started blaming myself for happened kasi ako pinili ko pa rin na umalis kahit alam kong maaaring may mangyaring masama sa akin. Hindi ko rin naman inakala na mapalabas o loob pala ng bahay ay delikado. Akala ko kasi ligtas pa rin ako sa bahay na 'yon kasi pamilya namin sila, eh. Nagkamali ako.
Niyakap ako ni Mama at marahang hinahaplos ang likod ko para patahanin ulit ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakasandal sa dibdib niya. Nagising ako dahil pakiramdam ko, nangangalay ang katawan ko. Nagulat pa ako nang makitang nakasandal si mama sa pader habang yakap-yakap ako. Dahan-dahan akong bumangon para magluto ng kakainin namin dahil gabi na pala at mukhang pagod na pagod si mama.
Ginising ko na lang siya nang maihanda ko ang mga pagkain. Ngumiti siya sa akin pagka-mulat ng mga mata niya tsaka ako hinalikan sa noo. Inakay niya ako papuntang kusina na kung saan ay hinihintay na kami ng bunso naming kapatid at ni Papa.
"Magaling nang mag-luto ang Cressida ko, ah!" papuri sa akin ni Papa nang makaupo kami ni Mama. Tuwang-tuwa naman ako dahil pakiramdam ko, ang galing ko na talaga kahit puro prito lang naman ang mga 'yon.
"Natural lang na magmana ang maganda, matalino, at masipag na anak sa nanay niya." pabirong pagyayabang naman ni Mama.
"Eh ano na lang namana niya sa akin kung sayo niya lahat nakuha lahat?" pagpo-protesta naman ni Papa.
"Ano pa ba? Eh di kalokohan! Ang bilis na nga ng utak niya kapag nakikipag-asaran sa mga pinsan niya, eh!" sagot ni Mama at pinipigilan ang tawa.
Natawa si Papa pero hindi na siya sumagot at umiling na lang dahil nagsimula na kaming kumain. Ngumiti na lang ako sa kanila at pa-simpleng pinunasan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko. Naiiyak ako matapos kong marinig ang salitang pinsan. Iniisip ko kung paano pa ako makikihalubilo sa kanila sa mga susunod na araw dahil paniguradong tatanungin nila Mama kung anong problema kapag napansin nila na umiiwas ako.
May tatlong pinsan pa akong mga babae pero isa lang sa kanila ang malapit sa akin. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba sa kaniya ang ginawa sa akin ng mga kuya namin pero nagdadalawang-isip ako dahil baka masabi niya kina Mama. Bukod doon, binilin din ako nila Kuya Da huwag kong sasabihin kahit kanino.
Hindi ako lumabas ng bahay ng ilang araw dahil natatakot pa ako. Lumabas na lang ako noong sumapit ang linggo dahil magsisimba kami. Matapos ang misa ay kina Angela na lang sumama, pinsan ko. Sumama ako sa bahay nila at doon nakipaglaro. Napagdesisyunan ko na ring huwag na lang sabihin sa kaniya ang nangyari at kalimutan na lang 'yon.
YOU ARE READING
UNPROTECTED INNOCENCE
БоевикAminah is a victim of various crimes. She tried to complain and ask for help from her mother but she did not believe her. In all that she has been through and is going through in the present, she was gradually losing her trust in everyone and also g...