Sorry naman talaga bebe's kung ngayon lang talaga ako makakapag update after three long months. Eh pano ba naman, bukod sa busy sa school, nagka time pa na magka lovelife si author. Hayaan na. Minsan lang naman humarot eh. Tsaka, promise. Tinry kong mag update. Kaso lang, ang hrap palang mag isip ng malungkot na scenes pag yung puso mo na mismo yung masaya. In enjoy ko muna yung pagiging masaya eh. At dahil KathNiel day ngayon, eto yung regalo ko para sa inyo. (:
Tsaka may favor nga pala ako bebe's. Alala nyo yung kinukwento ko sa inyong si Nick? Yung si Engineer. Finally, nasimulan ko na yung storyng yun na matagal nyo na ding hinihingi at kinukulit sa akin sa txt. Broken Ones po yung title. pa support ha? Alam kong susuportahan nyo ko dun. Tsaka, mabilis yung updates ko dun kasi nga tanda ko pa yung mga pangyayari.
Read Vote and Comment bebe's!
I missed you.
-----------------------------------------
INTS 34
Patrick's POV
May mga bagay at pagmamahal nga daw talaga na kahit gustuhin mo, hindi naman talaga kayang pilitin. Kasi nga, hindi din naman talaga pwede. Pero yung sa amin ni Ella, kahit hindi pwede, pipilitin ko pa din. Bakit? Sigurado na ko dito eh. Eto yung gusto ko. Hindi ko kailangan ng yaman at ng kung ano paman kapalit lang na mawala tong meron sa amin ni Ella. Oo na. Walang matino sa buhay ko. Si Ella lang.
Nasa isang conference meeting kami ngayon ni Zharm para nga sa nalalapit naming engagement. Ewan ko ba dito kay Zharm, pero parang hinahayaan niya lang yung tatay nya na diktahan yung buhay nya.
"Zharm naman. Ikaw nlang talaga makakapag pigil nito." bulong ko sa kanya
"Pat, alam kong alam mo na hindi ko kaya yang sinasabi mo. Pat, kung hindi ako susunod kay Daddy, wala ng matitira sa akin. Papatapon nya na ko kung saan at hindi na ituturing na pamilya." sagot nya
"Bakit Zharm? Sa tingin mo magagawa ng Daddy mo yun sayo?"