Kinakabahan ako eh. First update ko to. Psh. Eto na muna for now ah? sana magustuhan niyo guys :)
---------------------------------------------------------
Chapter 8
Nung sinabi kong kailangan ko siya. That’s true. Nung niyakap niya ako sa park, I felt like I wanted to do it just that way. Yun bang, ganun lang, sa yakap lang solve na. but then, when every time na tinatry kong maging si Ella, I mean yung dating Ella na inosete, nagrarally yung konsensya ko at sinasabing tumigil na ako dahil may dalawang kaibigan na akong sinaktan niya. And on their behalf, I have to do something for them na hinding hinding hindi makakalimutan ni Patrick.
Habang magkayakap pa din kami, naiisip ko yung mga ganung bagay. Pero hanggang kailan ko gagawin to? When I’m with him, it feels like I’m on my way to FOREVER. Kaya lang, hindi pa nga ako nagsisimula sa forever ko, it seems like my forever starts to end :-(
I tried to let go of the hug. Kaya lang ang higpit ng yakap niya.
“Ella. Ganto muna tayo..” sabi niya habang mas hinihigpitan pa yung pagkakayakap niya sakin, nararamdaman ko ang pagtibok ng puso ni Patrick. Bawat pintig nito.
“Pat?” nilayo ko yung sarili ko sa kanya, I was holding both of his hands and was squeezing it
“ Pwede bang ganto na lang tayo?” sabi niyang ganun, then he leveled his hand that was still holding mine up to his heart, “ Bakit sinasabi ng bawat pintig ng puso ko na gusto kita?”
Gusto niya ako. Gusto niya daw ako. Gusto ako ng taong dahilan kung bakit umuwi ako ng Pilipinas. Gusto ako ng taong nagpaiyak sa mga mahal ko. Habang sinasabi yun ni Patrick, I wanted to tell him that I want to like him too, but fuck. I just can’t. and it’s killing me.
Instead of answering him, I pulled him closer and kissed him. Nasa park pa din kami and hindi lingid sa isip ko na maraming taong nakakakita samin. I don’t care. Kung kailangan kong ipagsigawan sa kanilang tanga ako at malandi, I would do it, for the sake of my friends happiness.
Imbes na magulat, Patrick kissed me back. pero ramdam ko sa mga halik niya ang pagsabay din ng pintig ng puso niya. Ano ba Patrick. Cassanova ka diba? Ba’t nagiging ganto ka? Feeling ko, imbes na ako ang nakikipaglaro sayo, yung sarili ko naman ngayon ang nakikipaglaro sa sarili ko.
Kung hindi pa biglang bumagsak ang napakalakas na ulan, hindi pa siguro kami natapos sa paghahalikan. But instead of running away para magpasilong, Pat then hugged me, kissing every part of my face, feeling every drop of the rain. Nababaliw na ako sa pinag gagagawa ng lalaking to.
“Pat. Punta tayong condo. Basing basa nako.” Sabi ko sa kanya, then he gave me that teasing smile, yung smile na nakakapagpa alalang dapat ko munang ibaon si Ella na inosente para sa mga kaibigan ko.
Bigla niya na lang akong binuhat, bridal style, at dinala sa kotse niya. Ilang sandali pa, nasa tapat na kami ng condo unit ko. Pat was back hugging me. Psh. Alam na. habang papasok kami, nakayakap pa din siya sa likod, and was giving me small kisses sa leeg.
“Ella.. I want you so bad.” Sabi niyang ganun and was kissing me torridly, nasa sofa kami ngayon, habang hinahalikan niya ako, hindi ko na alam ang gagawin ko, but still, I responded on his kisses, ilang sandali pa, dahan dahan na yung ginagawa niya. Slowly but passionately. If this was true, the kisses would be so sweet. And I would never want to end it. But it was not. I initiated it for the kiss to end.
“ Shower na muna ko.” Sabi ko sa kanya and stood up, walked straight to the shower room ng condo ko. Pat was left there. I pity him. And myself. That guy. Argh.
When I’m done composing myself, I went back to Pat carrying a towel para pampunas sa kanya na hanggang ngayon ay basang basa. But he was sleeping there. Napagod siguro. Tinabihan ko siya at dahan dahang pinunasan yung basang katawan niya. Then I held his hand.
“Gusto din kita. Kahit yung old Ella, kaya lang Pat hindi pwede eh..” pabulong kong sabi sa kanya and to my surprise, after I said those words, Pat pulled me closer to him. Niyakap niya ako. Magkayakap kami. Him, still sleeping, not opening his eyes.
Options are really endless. But with this guy, falling in love with him is not an option.
-----------------------------------
Okay lang ba? :) Sana oo. Haha. Anak ng. Kinakabahan talaga ako eh. :(