“Papayag ka ba maging Prinsesa ko ? Ng Aking buhay ? ng aking mundo ? Habang buhay ? –Dylan
PROLOGUE
Nyanyanya. Hi sa lahat. Unang una sa lahat, salamat sa pagbasa ng storya ko. Nawa’y masiyahan kayo. First story ko po ito and honestly, I’m a newbie. Ang storyang pong ito ay may mga tagpong hindi makakatotohanan kaya inaanyayahan ko po ang lahat na paganahin ang Imahinasyon. :) Maraming Salamat po. :)
Ito ay isang storya tungkol sa isang babae (si Alina) na nakatagpo ng isang di pang karaniwang tao (si Dylan). Si Alina ay isang ulilang babae simulang nang hindi na nakabalik ang kanyang ama nang ito ay umalis at di nagsabi kung saan pupunta. Si Alina ay isang simpleng babae lamang na ngayon ay nagtatrabaho upang mabuhay at makapagtapos. Si Dylan naman ay isang Prinsipe na nagmula sa Adera. Siya ay napunta sa mundo ng mga tao nang siya ay pumasok sa isang salamin nagdudugtong sa dalawang mundo.
Ano kaya ang mangyayari sa dalawa ?
Makakabalik pa kaya si Dylan sa kaniyang mundo ?
Makikita pa ba ni Alina ang kaniyang mga magulang ?
Yan ang marapat niyong abangan :)
Enjoy :)
[Chapter 1]
(Alina's POV)
“Hello?”sabi ko sa sarili ko, napatingin ako sa paligid..
“Bakit ang dilim? Nasaan ako? Ano ito?”
Tingin sa kanan.
Tingin sa Kaliwa.
“Helllooooooo~? May tao ba dito? Heeellllooooo~? Para itong.. isang..KAHARIAN!”
Tingin sa paligid.
Teka ! May nakikita ako !
“Sino ka?” sabi ko sa taong nakita ko..
Isang babae, maputi, mahaba at kulot ang buhok na nakabihis ng parang isang reyna. Ah! Siguro.. Siya ang Reyna!
“Nasaan ako? Bakit ako nandito?”
“Alina..” wika niya sa napakalambing na boses..
“Sino ka!? Bakit mo alam ang pangalan ko? Nasaan ako? Anong nangyari dito?”
“Alina..” wika niya na pa muli sa ganoong paraan ngunit mas mahina ito..
BOOOOOOOOOOOOOM.
Ano iyon!?
Isang pagsabog!
“Hanapin niyo sila! Hindi pa sila nakakalayo! Madali kayo!” sabi ng isang boses.
Sino iyon?!
“Alina.. umalis ka na.. Umalis ka na dito.. Alina..” wika ng babae na waring nagmamakaawa.
“Teka! Wag kang umalis! Teka! Madami pa akong gusto malaman!” sagot ko sa kanya..
Hindi.. Wag kang umalis!
“Ayun! Habulin siya!” sabi ng isang boses.
WAG! Anong gagawin ko!? Kailangan ko siya iligtas!
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!!”
Nagising ako.
*Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.*
“Pa..panaginip lang..”
Ito na ang pangatlong beses na napaniginipan ko iyon.. anong ibig sabihin nun. Binabangungot na yata ako. Papa.. Mama.. wag niyo po ako multuhin.. Magpapakabait na ako.. >/\<