Chapter 2: The Make-Over

200 9 10
                                    

[Chapter 2]

(Dylan’s POV)

Ba..bakit siya umiiyak?

Hindi niya ba nagustuhan ang pagbabalik ko ng salamin niya?

Hindi ko nalang ba dapat ibinalik iyon?

“Bakit ka.. lumuluha?”

“Ha!? Ito ba.. iyon ay dahil masaya ako..”

 “Masaya? Ngunit lumuluha ka?”

“Tawag dito Tears.. of Joy..”

“Tears.. of Joy?”

Tears of joy? Ano iyon?

“Oo.. Ito yung pagluha mo dahil sa sobrang katuwaan..”

Sobrang katuwaan? Maaari pala iyong mangyari..

“Nga pala.. Parang hindi ka taga-dito? Iba kasi yung damit mo. Nawawala ka ba? Gusto mo ihatid kita?”

Sa sinabi niyang iyon.. Naalala ko ang Adera.. Ang iniwan kong kaharian para sa aking kaligtasan..

Ano na kayang nangyari..

Kay Ina..

Kay Ama..

Sa Adera..

“Uh.. Hello? Okay ka lang? Saan ang bahay mo? Tara! Sasamahan na kita, bilang pasasalamat.”

Nakangiti niyang sabi sakin. Hindi ko akalaing.. ganito pala siya kaganda..

“Nang..galing ako sa Adera..”

“HA!? Adera!? Ano!?”

“Isa akong Prinsipe..”

“HA!? PRINSIPE!? Hello!? Okay ka lang?! Nasa Pilipinas ka. Walang lugar dito na Adera? Hindi ko lang alam sa ibang bansa?”

“Pilipinas? Bansa?”

“Oo.. Nasa Pilipinas ka. Bansang Pilipinas.”

Pilipinas?

“Hindi ba.. ito ang mundo ng mga tao?”

“HA!? Mundo natin toh. Tao ka din!”

“Tao? Hindi ako isang tao, Mula ako sa Adera..”

“Ha!?”

(Alina’s POV)

Napatingin ako sa kanya..

Naalala ko yung suot niya..

Kakaiba..

Para siyang si Aladin sa Disney Princess? Yung Partner ni Jasmine?

May kapa nga lang siya na Brown kaya medyo hindi halata.

“Nga pala.. Parang hindi ka taga-dito? Iba kasi yung damit mo. Nawawala ka ba? Gusto mo ihatid kita?”

Hindi siya kumibo! Bakit kaya?

Dahil ba, nakalimutan niya kung saan siya nakatira?

May Amnesia ata siya!

NAKO!

 “Uh.. Hello? Okay ka lang? Saan ang bahay mo? Tara! Sasamahan na kita, bilang pasasalamat.”

Wala paring kibo.. hanggang sa..

 “Nang..galing ako sa Adera..”

HA!?

“HA!? Adera!? Ano!?”

 “Isa akong Prinsipe..”

ANOOOOOOOOOOOOOOOOO!??? PRINSIPE!? ADERA!? ANOOOO!?

“HA!? PRINSIPE!? Hello!? Okay ka lang?! Nasa Pilipinas ka. Walang lugar dito na Adera? Hindi ko lang alam sa ibang bansa?”

Moon PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon