Prologue

6 1 0
                                    

'Ang ganda ng pamamalakad ni Mayor Elon kumpara sa mga dating kandidato'

'sinabi mo pa at dilang yun mabait pa buti nalang at siya ang binoto ko'

'Alam niyo ba umuwi nadaw ang anak ni Mayor galing America'

'talaga?'

'Oo napaka gwapong bata, kaarawan daw non sa huwebes mag hahanda daw si mayor at invited lahat'

Rinig na rinig ko ang chismisan ng mga kapitbahay ko ngunit diko sila pinansin at nag diretso nang lakad papunta sa Burger shop na pinapasukan ko.

Araw-araw ganyan ang usapan nila tungkol kay Mayor Elon. 3 months palang ako dito sa Bulacan pero masasabi kong madami nang naitutulong ang bagong Mayor, pero di ko rin masasabi maaaring nagpapalakas lang talaga sa taong bayan.

Galing akong Laguna, lumipat ako ngayon dito sa Bulacan kasama ang tatay ko at ang bago niyang kinakasama. Diko gaano kasundo ang bago niyang kinakasama pero kailangan ko parin respetuhin siya.

"Oy! Esther nandiyan kana pala may good news ako sayo" masayang sabi ng aking kaibigan na si Angel.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"May raket kami na ibibigay sayo diba kailangan mo ng pera?" biglang singit ng isa ko pang kaibigan na si Ruth.

"Ano yun?" mabilis na tanong ko kailangan ko na kasi ng pera next week na kasi ang pasok sa paaralan. First year college na ako sa pasukan mag-aaral sa paaralan na hawak ni mayor, lahat ng studyante doon na nakatira dito sa bulacan ay may scholarship na makukuha.

"Sa Huwebes, kakanta ka sa kaarawan ng anak ni mayor" bigla agad akong napailing sa sinabi ni Angel.

"Hala bawal na tumanggi napalista ka na namin sa organizer" nanlaki pa mata ko sa sinabi ni Ruth.

"Hindi ko kaya yun maraming tao atsaka baka may ibang sikat na singer don?" kabadong sabi ko.

"Nako kung yan ang iniisip mo wag ka mag alala dahil puro taga dito lang ang kinukuha para daw maipakita ng mga tao dito ang talent nila at mag ka pera" tuloy-tuloy na sabi ni Angel na sinabayan naman ng tango ni Ruth.

Bumuntong hininga nalang ako at tumango pumalakpak naman silang dalawa.

"Anyway, mamaya kumanta ka at kami ang mag bi-video need na kasi mapasa hanggang mamayang 11:59 nang gabi" sabi ni Ruth "sige maiwan ko muna kayo baka masunog yung sinaing mapagalitan ako ni mama" natatawang sabi niya habang kumakaway papasok ng bahay nila natawa narin kami ni angel.

Pareho kami ni Angel na nagta trabaho sa burger shop. Ilang kanto lang ang bahay ni Angel sa Burger shop ganon din ako, ngunit sa kabilang kanto naman ako habang si Ruth ay sa tapat lang mismo ng burger shop nakatira.

"Tara na at mag bukas nang tindahan at baka tayo ay mapaginitan pa ng demonyitang anak ni Mariel" umirap pa si Angel habang sinasabi iyon natawa naman ako at tumulong na sa kanya masungit kasi ang babaeng anak ni Aling Mariel na may ari ng tindahan.

Buong mag damag ay nag tinda lang kami ni Angel habang si Ruth naman ay nakikipag kwentuhan samin pag wala na siyang ginagawa sa kanila at babalik sa kanila pag tinatawag ng ina.

"Halika na videohan ka na namin. Dito tayo sa gilid ng barangay para maganda background mo" Excited na sabi ni Ruth napakamot nalang ako sa ulo ngunit sumunod din ako sa kanila naka pantalon akong itim ngayon at T-shirt na puti dahil kakatapos lang ng trabaho at dumiretso agad kami dito.

"Diyan na 1, 2, 3, Go na!" sabi ni Angel habang na nonood sa pagbi video ni Ruth nag simula naman akong kumanta. Intro hanggang Chorus lang daw ang kailangan.

And when I hold you in my arms I promise you
You're gonna feel a love that's beautiful and new
This time I'll love you even better than I ever did before
And you'll be in my heart forevermore

We were just too young to know
We fell in love and let it go
So easy to say the words goodbye
So hard to let the feeling die
I know how much I need you now
The time is turning back somehow
As soon as our hearts and souls unite
I know for sure we'll get the feeling right

And now we're starting over again
It's not the easiest thing to do
I'm feeling inside again
'Cause every time I look at you
I know we're starting over again
This time we'll love all the pain away
Welcome home, my lover and friend
We are starting over, over again

Matapos kong kumanta pumalakpak rin kahit yung ibang nakikinood tuwang tuwa naman si Angel at Ruth.

"Ganda talaga ng boses mo" masayang sabi ni Ruth na tinanguan ni Angel.

"Loko mga nambola pa" Natatawang sabi ko.

Tumalikod sa kanila dahil sa hiya ng mapatingin ako sa bandang likod ng barangay may lalaking nakatayo doon naka Polo itong pula, naka pants na black at Leather Casual shoes, Naka lagay ang kamay niya sa dalawang bulsa habang naka tingin saakin. Masasabi kong may itsura siya kahit na walang emosyon ang mukha niya habang naka tingin sakin, habang ako ay napaiwas ng tingin at napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa kaba. What is happening to me?

Waiting for thisWhere stories live. Discover now