BFTP 21

88.4K 1.2K 13
                                    

Nagising ako dahil tumutunog ang phone ko, hindi ko muna minumulat ang mga mata ko kasi ineexpect kong titigil na yung tunatawag pero sa kasamaang palad, patulay lang ang pagtunog nun. Alam mo yung feeling na ang hirap imulat ng mga mata mo, yung talagang bagsak na bagsak sa sobrang pagod at antok. Tumigil na sa kakatunog yung phone ko. Sinubukan ko ulit matulog pero sabi ko na nga ba, mahihirapan na ako bumalik. Dahan dahan ko nang binuksan ang kanang mata ko, tumagilid ako at kinuha ang phone ko muntikan ko na ngang mabitawan dahil tumunog ulit. Sa pagkakataong ito ay sinagot ko na iyon agad kahit medyo blurred pa ang paningin ko at hindi ko na nabasa kung sino ang caller.

Isang high blood na boses ang narinig ko, kilalang kilala ko yun. " WHERE. ARE. YOU? " hindi agad ako nakapagsalita, tinignan ko muna itong screen para makumpirma kung sino itong kausap ko.

Medyo uminit ang ulo ko nang makita ang pangalan ng lalaking nagpahirap sa akin kahapon. Ano na naman ba kailangan niya? Kahit wala kami sa opisina pati pagtulog ko dito sa bahay iniistorbo nya. Ano bang trip nya ha? Wala na ba talaga syang awa, kahit kumpletong tulog lang sana pagbigyan nya na ako!

" I'm still sleeping, Sir and then you called me so now I'm literally awake. " sarkastiko ko syang sinagot. Eh sa totoo naman.

" Lalo ka bang nang-iinis, Ms. Llanes? Don't push me to my limits or else you won't like what I'm gonna do. Pumunta ka na dito, ngayon din! " galit na galit ang boses nya. Huh, ano napikon sya noh? Buti ng--- teka? pinapapunta nya na ako? A-anong oras na ba? Agad kong hinablot ung clock sa side table.

Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang mageeight thirty na.

Nagmamadali akong lumapit kay Maxine para kunin yung isa pang inutos sa akin nung isang araw na ipagawa sa kanya. Kanina nga ay nilapitan na ako ni Amanda nang hindi ko sya pansinin sa ilang beses nyang pagtawag sa akin, di ko naman kasi namalayan. Sinabi nyang meron nga ulit na iniwan sa kanya kaso ang sabi ko na lang ay mamaya ko na kukuhanin dahil nagmamadali talaga ako. Lakad takbo na nga ang ginawa ko makarating lang dito sa last floor.

" Ms. Kay ito na ho. " bungad ni Maxine sa akin sabay abot nya ng usb. Alam nya na agad na iyon ang pakay ko.

Nagsalita syang muli. " Kanina ka pa po hinahanap, pati nga po ako natataranta na para kasing magwawala si Mr. Villarueva. Busy po kasi lahat ngayon lalo na sya. Ayy, oo nga po pala dala mo po ba ung isang usb? " parang ninenerbyos sya.

" Oo. Pasensya na late kasi ako nang gising. Sige na, pupunta na ako dun. " at iniwan ko na nga sya.

" Sir, bungad ko pagbukas na pagkabukas ng pinto. " naabutan ko syang nakatalikod, nakaharap sa labas at may hawak na.. wine? Ang aga aga pa para magwine ha?

Lumingon agad sya at sa inaasahan ay binigyan nya ako nang matatalim na tingin. Naglakad sya papunta sa akin.

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon