Nakahiga ako ngayon habang nakatingin sa kisame at kausap si Tam.
" Teka, ibig sabihin nagseselos sya? Omg. Ikaw na te! " nakakarindi ang boses nya. Akala mo kinokuryente sa kilig. Naikwento ko lahat ng nangyari kanina. Hindi na naman kasi ako makatulog, pakiramdam ko nga hindi ko na kakayanin kapag wala pa kong napagsabihan ng mga nangyayari sakin.
" Huminahon ka nga. Ahh, ano- may sasabihin pa din kasi ako. " nagdadalawang isip pa ko, nakakailang kasi. Pinaglalaruan ko na ngayon 'tong hawak kong stress ball.
Parang makapigil hininga naman itong kausap ko, mukhang excited na exited sa kung ano man ang sasabihin ko.
" Girl, dali na! Ano na? Ano na? " naiimagine ko tuloy na nagtatatalon pa sya ngayon.
" K-kanina kasi, hinalikan nya ako ulit. " initsa ko ung stress ball, at itinakip ko sa mga mata ko ang kamay ko. Arghhh
" Ulit? As in ulit? Pang-ilan na yun? 5, 6 or 7 or wait, more than 10? Gosh! " pigil na pigil na naman ang pagtili nya.
" Sira, hindi naman ganun kadami. Pa-pangalawa pa lang 'to. " naiilang na talaga ako. Hindi dahil sinabi ko sa best friend ko kundi sa mga kaganapan samin ni Dave.
" TWICE!? So, ano kamusta? eeeiiii " para na syang batang naghuhuramentado.
Bago pa ako sumagot ay nagtanong sya muli. " Wait lang ulit ha, you're referring to Dave naman di ba, Not Mike? " pagsisigurado nya.
" Yes. "
" Gosh, gosh and gosh. I'm speechless na. Oh Em just Oh Em. " ang arte ng tono nito. Kung kaharap ko sya malamang kanina ko pa nabato ng unan.
" Ano ba, umayos ka kasi. " hinagod ko ang noo ko papuntang buhok at hinigpitan ang hawak, napakagat labi pa ako. Naaalala ko na naman yung unang beses na hinalikan nya ako at lalong lalo na itong huli na hindi ko alam kung huli na nga ba talaga. Ahh, bakit ganto ang epekto nya sakin? Mas matindi pa noon. Nagsasalita si Tam kaso ay hindi ko maintindihan dahil nagfofocus pa din ako sa rumerehistrong itsura ni Dave sa paningin ko.
" Uyy, tulala na yan. " tumawa sya. " Maayos naman ako ha, ikaw ata itong hindi eh. " tumawa na naman sya na parang mauubusan na ata ng hininga. Narinig kong may tumatawag sa kanya kaya medyo pinipigil pigil nya ang pagtawa.
" Friendship, I-i have to go. I'll call na lang ulit. Bye for now! " bago pa man ang makapagsalita ulit para magtanong kung sino iyon ay naibaba na nya ang telepono. Babaeng yun talaga oh.
BINABASA MO ANG
My Boss is My Ex
RomanceYou decided You left You hurt.. him Masisisi mo ba siya kung sa muli ninyong pagkikita ay nabago na siya ng galit na dinulot mo? "Sorry not sorry. I'm not the same Dave you knew 5 years ago." She needs to suffer the consequences of her decision...