Ginawa ko na muna yung iniutos sakin ni Mama. Iniligay ko yung mga iniwan kong mga kalat, iniayos ko rin yung kwarto ko, naghugas ng plato, naglampaso na rin ako at winalis yung mga tuyot na dahon sa bakuran namin.
Habang naglalampaso ako may nahagilap ang mata ko sa ilalim ng aparador isa itong pendant necklace napatigil ako dun at inisip kung kanino ko nga ba galing ito. Habang iniisip ko kung sino ba ang nagbigay nun sakin ay biglang may tumawag sakin.
"Ineng nandyan ba si Aleng Goreng ?" Tanong sakin ng Ale.
"Ahh opo, sandali lang po tatawagin ko lang po si mama." Ani ko sa kanya. "Ma! May naghahanap sayo!" Tawag ko kay mama. "Sino naman?" Kunot ang kilay ni mama habang naglalagay ng mapula niyang lipstick. "Aba malay ko!". Sagot ko sa kanya."O sya, aalis ako, didiretso na rin agad ako sa kumare ko." At lumabas na sya ng kwarto nya at ako naman ay bumalik sa gawain ko.Actually hindi naman Ganon kalakihan ang bahay namin. Mayroong dalawang palapag Ang bahay namin yung sa baba sementado ang pader pero doon sa pangalawang palapag ay kahoy lamang, hindi naman kasi kami ganoon kayaman, kumbaga may kaya lang.
May dalawang kwarto ang bahay namin. Isa kila mama at papa, tas saminni kuya. Kaso ako nalang ang mag-isa doon dahil patay na sya dulot ng sakit sa puso, ganoon rin si mama mag-isa na lang siya sa kwarto niya dahil namatay si papa Ng papunta na siya dala-dala ang pera pampaopera kay kuya pero ninakaw iyon at pinag-sasaksak si papa at ng araw na rin iyon ay binawian si kuya kasi kailangan na nyang operahan siya kaso wala na kaming pambayad pam-paopera at nadagdagan pa nun ng malaman niyang nasaksak si papa ng dahil sa kanya.
OUCH DOUBLE KILL!
Dalawang lalaking mahalaga sa buhay mo kinuha na ni lord.
Pagkatapos na pagkatapos kong maglinis ng buong bahay ay pumasok na ko sa kwarto at pabagsak na huminga sa kama ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo at tumitig sa kisame.
At naalala ko ang pendant, kinuha ko iyon sa bulsa ko at pinagmasdan iyon, inisip ko kung kanino ba ito nanggaling. Aha! Natatandaan ko na sa batang lalaking nagligtas sakin noon ang nagbigay nito sakin. Nasaan na kaya yung batang yun?.
Napaigtad ako ng may ma-alala. Yung selpon ko nga pala!.
Pumunta ako sa kwarto ni mama, mabuti nalang ay hindi naka-lock ang pintuan niya. Pumasok ako roon at iginala ang mata sa boung kwarto. Iniisip ko kung saan niya ba pwedeng ilagay iyon. Maya-maya ay inumpisahan ko na ang paghahanap. Sinimulan ko sa mga drawer niya pero wala roon. Wala din sa ilalim ng unan, foam at kama ay wala rin. Binuksan ko ang pintuan ng cr ni mama, pero napaisip ako. Bakit naman ilalagay dito ni mama Yung selpon ko?
Napailing nalang ako at lumabas ng cr ni mama, at pinagpayuloy ang paghahanap, maya-maya ay may nahagip ang aking mata at tila biglang nag-ningning ang mga mata ko. Hay! My precious baby nakita na rin kita!. Dali-dali kong kinuha iyon at ang susi ng aking kwarto para hindi mabuksan ni Mother earth ang pintuan ng kwarto ko WHAHAHAHA.
Pumasok ako sa kwarto at ni-lock iyon. Pagbukas ko ng selpon, mas mabilis pa sa alas-kwatro ng mapawi ang ngiti ko. Hindi maari ito!.
Bakit sa dinami-dami ng apps na pwedeng burahin sa cellphone ko, bakit wattpad pa.
Ouch, pighati, lumbay, lungkot, dalamhati, paninibugho, sakit, unhappy, depressed lahat yan ay naghahalo-halo sa pakiramdam ko. Napatulala na lang ako. Mas masakit pa kesa sa break up.
Napatulala na lang ako, nandito ako ngayon sa sala hinihintay si mama. Para akong pinag-bagsakan Ng langit at lupa. Sinubukan ko naman na i-download ulit pero ang palaging lumalabas 'failed to load'.
Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at iniluwa niya ang my gorgeous mudra.
May dala-dala siyang apat na paperbag.' At san niya naman galing yan?'. Ang laki-laki pa ng ngiti niya. Napansin niya ata na wala ako sa mood kaya ibinaba niya ang mga dala niya at bumaling sakin. "Anak ok kalang?" Tanong niya habang ina-arrange yung mga pinamili niya.
Hano daw? Anu yun? Di ko alam yun ah! Nakakain ba yun?.
"Hindi, Hindi ako ok". Pabulong kong sagot. Pero mukhang hindi niya naman narinig dahil tuloy tuloy lang siya sa ginagawa niya.
Sino bang magiging ok dun diba? Yun na lang ang nagpapasaya sakin at naging sandalan ko ng mamatay si papa at kuya. Naiinggit nga ako pag may nababsa akong sweet na magkapatid lalo na't overprotective na kuya.
Actually ganon naman talaga si kuya pero sa sobrang bait ayun tuloy kinuha ka agad ni papa God.
Hayyss tama na nga ang drama at kaoeyan.
Papasaok na nga lang sana ako sa kwarto ko ng tinawag ako ni mama.
"Bakit po?"."Singilin mo nga si Ate Silvia mo, 3,000 pesos yun kailangan ko yun pandagdag sa pangdebut mo". Hay dalawang buwan na lang pala birthday ko na. Ang gusto kasi ni mama ng bonggang handaan at nag-iipon na siya para roon.
"At sino naman si Ate Silvia?".
"Malamang yung nagutang sakin." Talaga naman, napakapilosopo naman ni mama.
"Alam ko naman yun ih!, I mean saan sya nakatira?"
"Ahhh, linawin mo kasi....." Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Pagdating mo sa may kanto tas tumawid ka at kumanan may Makita lang lumang gate na kulay green".Sandali doon nakatira yung batang babae na nambato ng bola sa ulo ko ng papasaok na ako sa eskwelahan ah!, I think mga nasa 4 years old pa lang yun. Hmmm lagot ka saking bata ka.
"O sige na, umalis kana". Utos sakin ni mama. Grabe naman Yun parang did na nya ako anak, pinapa-alis na nya ako.
Lumabas na ako ng bahay para puntahan yung bahay ni Ate Silvia, humanda ka saking bata ka isusumbong kita sa mama mo.
Medyo natagalan pako dahil may inaayos na kalsada dito samin at maraming dumadaan na mga sasakyan.
Nandito nako sa tapat ng gate nila. Katulad lang din ang bahay namin sa kanila pero wala itong palapag at puro kahoy lamang ang ding ding at maliit lamang, sa tingin ko ay isa lang ang kwarto nun.
Nakita ko sa labas yung bata naglalaro ng kanyang manika. Kumatok ako at narinig ko ang yapak nung bata at umawang ang gate nila pero nahirapan sya kaya tinulungan ko na sya ng pagbukas medyo makalawang na kasi.
Nang makita nya ako ay nanlaki ang kanyang mata at parang nakakita Ng multo. Palihim akong napangiti, akala ko nakalimutan na niya ako.
Surprise kiddo!
Ngumiti ako sa kanya ng matamis. "Nandyan ba yung mama mo?" Tanong ko sa kanya.
Pero imbis na sagutin niya ang aking tanong, ay kumaripas ng takbo at nagsisigaw. "Wahh! Kuyaaaa!!! Tulongg!!!"Sigaw nya. Grabe nakakatakot ba ko, sa mukhang to matatakot siya!? Ang ganda ganda ko kaya.
Pumasok ako sa gate nila at nakita ko na binuhat siya ng isang lalaki. Mukhang siya yung kuya na sinasabi nung batang yun. Pero ang mas ikinagulat ko ng makita ang buong mukha niya.
Siya na naman!?
BINABASA MO ANG
The Extra- Protagonist (On Going)
FantasyA high school girl, accidentally found herself to be a supporting role living in a wattpad world. Will she go along with the set-up plot or resist the fate to be herself? And how will the story change upon the appearance of a mysterious boy? ______...