Chapter 04

1 0 0
                                    

"Aww dahan dahan naman ang sakit kaya!" Daing ni Kent ng dampian ko ng bulak na may alcohol ang sugat niya.

Seriously? Ang galing nyang maghamon ng bakbakan pero pag nagkasugat aaray aray.

"Manahimik ka nga! Pasalamat ka tinulungan kita."

"Hindi ko naman kailangan ng tulo--- ARAY!!." Sigaw niya ng diinan ko Ang pag-dampi sa sugat niya.

Aba'y ang kapal talaga.Imbes na pasalamatan ako, mas inuuna pang pataasin ang pride niya.

Sya kay ang may kasalanan kung bakit hindi ako nakapasok sa unang klase ko.

Napatingin ako sa kanya ng bumuga siya ng hininga. Bahagya ko pang inilayo ang mukha ko at iwinagayway sa harap ko ang amoy ni kamatayan.

Ang baho ah!,Nag tooth brush ba tong isang to?

"O sige na nga...." Tinitigan ko ang mukha niya at hinintay Ang salitang gusto kong marinig. "Bilisan mo na diyan para makapasok kana, 8 minutes na lang magsisimula na yung susunod na klase." Sabi niya inagaw sakin ang bulak at mga gamot.

Kinuha ko ang bote ng alcohol at akmang ihahampas sa kanya, pero nasalag nya agad ito at inagaw sakin ang bote.

Akala ko pa naman mag papasalamat na sya, hindi naman pala. Aish Ang sarap talagang hambalusin ng lalaking to.

Pero mukhang mas mabuting umalis na rin ako dun, baka hindi na naman ako makapasok sa next class ko.

Umalis na ako roon at pumasok sa classroom. Mabuti na lang at wala pa ang teacher nang pumasok ako, pero hindi kopa naididikit yung pwet ko sa upuan ng bigla na lang pumasok Ang teacher namin kaya dali-daling nagsiayus ng upo ang mga kaklase ko.

"Good morning class, so for today's less---"Napahinto Ang teacher namin ng biglang bumukas Ang pintuan at iniluwa nun ay ang tukmol na pa ika-ika at dire-diretsong naglakad sa harapan na akala mo'y walang teacher na nagsasalita sa harapan.

Aba't nagpahuli pa talaga ang hindot na ito. Anu ka gold? Naka VIP? Bida bida ang peg.

Aba ang tapang mo lods, saludo ako sayo -_-.

Bahagyang ibinaba ng teacher namin ang kanyang salamin at tiningnan sya mula at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

Iniisip ata ni ma'am na ang lakas ng loob nyang pumasok ng walang ng parang walang nangyari at puro pasa at sugat pa ang buong mukha nya at pa ika-ika pa syang maglakad.

The teacher is too stunned to speak.

Pero ang ipinagtataka ko eh, ibinaba nya lamang ang kanyang bag sa kanyang upuan at nagpatuloy sa paglalakad, papunta sa may pinaka likurang bahagi ng classroom.

Napatingin ako kay ma'am ng may pagtataka, ngunit ng nakita ko Ang pagnigiwi nya at pag-iling ay maintindihan kona.

Binalikan ko ng tingin at nakita ko syang kumukuha ng dalawang pirasong makakapal na libro at ipinatong iyon sa kanyang mga braso para mag-squat.

Hindi nakatakas sakin ang mahina nyang pag-daing, at nakaramdam ako ng awa. Mag-squat na nga sya may pahabol pang detention slip pa sya mamaya.

Well Hindi naman ako ganun kasama kahit naman nakakainis sya palagi.

Napabaling na lang ako sa harapan ng umalingawngaw ang stick ni ma'am ng ipukpok nya ito sa desk ng kaklase ko, napahawak pa sa kanyang dibdib si Elijah sa pagkabigla.

"GIRLS FROM THE BACK!!!"Sigaw ni ma'am para maagaw ang atensyon mga certified marites pero ang aasim na mga kaklase. Napapikit na lang ulit si Elijah umalingawngaw ang sigaw ni ma'am dahil nakatayo mismo si ma'am sa harapan niya

Poor Elijah:(




--------------------

A/N: Pagpasensyahn nyo na ho, dahil maiksi lang Ang aking update dahil busy ako ngayun dahil nagseserve Po ako sa simbahan Lalo na't simabang gabi ho ngayun . So ayun lang advance Merry Christmas to all and

Don't forget to Vote and Comment 😉

Happy reading!! Lovelots mwuah>3

The Extra- Protagonist (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon