Chapter 03

5 1 1
                                    

Pumasok ako sa gate nila at nakita ko na binuhat siya ng isang lalaki. Mukhang siya yung kuya na sinasabi nung batang yun. Pero ang mas ikinagulat ko ng makita ang buong mukha niya.

Siya na naman!?

Siya yung nakabungguan ko sa hallway ah!. Pero may napansin ako, fresh siya ngayun ah!. Di katulad dati nung una kaming nagkita parang nilampaso sya sa sahig nun eh.

"Ikaw na naman?!."Sabay na sambit namin sa isa't-isa. At pinanlisikan niya pako ng mata dahil sa pagkakasabay namin pero inirapan ko lang siya. "Gaya-gaya ka rin e no". Ani nya.

'Psh, as if naman noh!'

Tumikhim siya at umayos ng tayo at inayos ang pagkakakarga sa kapatid niya. " Bakit nandito ka? Stalker kano?".

Aba! Etchuserong frog din ang isang to. "Hindi no, at bakit naman kita susundan?". Tinaasan ko sya ng kilay.

"Nandito ako para sa mama mo, Hindi para sayo!". At bigla na lang kumawala ang kapatid niya at tumakbo sakin at lumapit sa binti ko at tumingala sakin na parang nagmamaka-awa.

"Ano namang kailangan mo sa mama ko?" Tanong niya.

"Kung tawagin mo na lang kaya!?" Sarkastikong tugon sa kanya.

"Oo na, bantayan mo yung kapatid ko ah, wag mong aawayin". At dinuro-duro niya pa ako at binantaan.
Aba kala mo naman papatol ako sa mga bata, mga isip-bata lang ang gumagawa nun. Pumasok na sya sa loob ng bahay nila para tawgin Ang mama niya.

Napatingin na lang ako sa kapatid niya ng mas lalong humigpit ang pagkaka-kapit nito sa akin, at nagulat na lamang ako ng makita kong natutibig ang gilid ng kanyang mata at namumula ang kanyang ilong.

Luhh sandali, umiiyak sya kyaa, Anong gagawin ko, di koto inaway ah.

Agad-agad akong lumuhod upang mapantayan sya at hinawakan ko Ang kanyang pisngi at marahan na hinaplos.

"Bakit baby, may masakit ba sayu?" Masyo kong tanong sa kanya.

"Isusumbong mo ba ako kay mama, dahil nabato kita ng bola?" Nakayuko sya at pinaglalaruan Ang kanyang kamay, para syang maamong tuta na naghihingi ng pagkain sa amo niya. Kinarga ko sya at pinaupo sa bangko na kina-uupuan
niya kanina.

"Syempre hindi noh, may iba pa akong rason kaya pumunta ako rito. Atsaka sadya man yun o hindi, wala na akong pakialam dun."Parang nabuhayan sya ng malamang hindi ko sya isusumbong sa mama nya. Pinunasan nya ang mga nangingilid na luha nya at ngumiti.

"Hehe hindi nyo naman pala ako isusumbong kinabahan tuloy ako. So, ate pag-bin lolato kita ngayon, ok lang sayo? Hindi ka magagalit?" Ipinilig niya ang kanyang ulo at nagiintay sa sagot ko. Napasapo na lang ako sa noo. Hays magkapatid nga talga sila ang sarap nilang kutusan.

Hmm huminahon ka Denise bata yan, wag na wag mo yang papatulan.

"Syempre magagalit kasi bad yun, huwag kang manakit ng ibang tao kasi masama yun."

Yumuko ulit sya at humingi ng tawad.
"Sorry ate, hindi ko naman talga sadya yun eh sadyang bobo lang talaga yung kalaro ko, ibato ba naman sa mukha ko kaya ginantihan ko kaso paling eh kaya ikaw yung natamaan, Hehehe". At akward siyang tumawa.

Sabihin niyo nga sakin, Bata ba talaga tong kausap ko? Kung makipag-usap sakin kala mo magkasing-edad lang kami eh.

Atsaka bat ba ang tagal namang magtawag yung lalaking yun.

-------------------

Nakarating na ako ng bahay, ibinigay ko na kaagad Ang bayad ni Ate Silvia kay mama.

Pumasok na ako sa kwarto at naglinis doon, wala naman kasi akong gagawin kundi ang maglinis lang Ng maglinis.

Nilinis ko na rin ang bookshelf ko, kinuha ko Ang mga natapos ko ng basahin at inilagay sa kahon dahil ipamimigay ko na lang yan at yung mgahindi ko pa tapos at hindi pa nababasa ay itinabi ko lang doon sa shelf.

--------------------

Araw na naman ng lunes at isa lang ang ibig-sabihin lang nun ay pasukan na naman. Nandito pa lang ako sa loob ng kwarto ko pero parang pagod na pagod na ako. Pumapasok lang ata ako kasi mandatory eh. Pero kaylangan kong pumasok para matulad ang mga pangarap ko. (Padayon Archi Student!!)

Nag-paalam na ako kay mudra at lumabas ng bahay. Oo nga pala madadaanan ko ang bahay nila Ate Silvia.

Malapit na ako sa may kanto Ngay nakita akong pamilyar na mukha, huminto ako para tingnan kung ano ang ginagawa nya don, pero nagkibit-balikat na lang ako dahil nagsasarado lang naman siya ng gate. Nagsimula na akong maglakad at binilisan ko pa dahil 7 minutes na lang ay time na at ayaw ko ring makasabay ang isang yun.

Palagi kong chine-check ang orasan ko, 4 minutes na lang ang natitirang time. Teka ba't parang ang bilis Ng oras?.

Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong kumalabog, napatingin ako sa aking kaliwa at dahan-dahan akong pumunta roon.

Napatakip ako ng madatnan kong may nagsusuntukan sa may maliit na iskinita.

Anim laban sa Isa, at pinagtutulungan pa nila ito. Shems akala ko sa wattpad lang merong ganitomg eksena.

Oh my Anong gagawin ko? Tulungan koba o manghihingi ako ng tulong?.

Denise:Ay bobo talaga ni inay. (Author:Sensya na sabog lang si inay).

Iwinawagayway ko na Ang aking mga kamay at naglakad na ako ng paback-and-forth dahil hindi ako mapakali.

Napabaling ako ng may isang natumba na kalaban, in fairness mukhang malakas naman siya. Kailangan ko pa ba syang tulungan?.

Maya-maya lang ay mukhang nasagot nko na ang katanungan ko, biglang nawalan ng ekspresyon ang mukha ko ng makita ko kung sino yung pinagtutulungan (-_-) .

Sawa na ba talaga syang mabuhay?
Imbes na tulungan ko siya ay pinanood ko na lang ang eksena, sayang wala akong dalang pop corn, movie marathon sana to.

Aba malaks rin ang isang to eh, 3 minutes pa lang ang nakakalipas pero heto sya at nakikipag bugbugan, aba matindi rin ih.

Napatakip ako ng bibig ng pukpokin ng tubo Ang kanyang likod at tadyak-tadyakan. Huyy sandali foul yun ah!!.

Ngayun kailangan ko na talaga syang tulungan, pero paano ko siya tutulungan? Ni Hindi naman ako marunong makipagbakbakan. Hayyss pahamak talaga ih!.

Ting! Parang may lumitaw na bombilya sa gilid ng ulo ko at nagkaroon ng idea.

May naalala akong scene sa isang kdrama na katulad nito. Nilanas ko ang selpon ko at pinatunog ang 'Police car horn ringtone', pinalakasan ko pa ang volume para rinig talaga nila.

Tiningnanko kung effective ba yung ginawa ko, pero tama ako gumana nga!.

Saglit silang natigilan ng arinig nila ang sounds at ilang sandali pa ay kanya-kanya na silang takbo ang iba pa ay nadadapa.

Natawa na lang ako at napailing. Maya-maya ay sumilaw ang mapang-asar na ngisi sa aking labi, hayyss feeling ko ang lakas lakas kona.

(Author: Wala ka namang ginawa ih.)
Denise: Shut up author panira ka ih!!

The Extra- Protagonist (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon