Dedicated to: Vicissiveour
ADELAIDE'S POV
"Hello ako nga pala si Adelaide Meldieve, 13 years old, gustong ko ang mystery at ang mag-adventure!" masayang pagpapakilala ko sa aking mga kaklase.
Isa akong batang mahilig gumala kahit saan at mahilig akong mag-solve ng mga mystery.
Bagong lipat kami dito sa may liblib na lugar sa may Cabanatuan na kung saan ang likod ng aming nilipatang bahay ay may pastulan ng mga tupa at manok. Mayroon ding abandonadong bahay sa likod ng pastulan.
Habang ako ay naliligo at pinanghihilod ang aking malinis na panty ay bigla na lamang namatay ang ilaw kasabay ng malakas kong sigaw.
"Mama!" sigaw ko habang nagmamadaling magtapis ng tuwalya at nagtatakbo patungong kwarto.
Ang nilipatang bahay namin ay may tindahan sa harap na pagmamay-ari namin, nakahiwalay ang palikuran kung saan matatagpuan ito sa likod ng bahay.
"Susme kang bata ka, aba'y bakit ka naman lumabas ng banyong nakatupis lamang ng tuwalya?" salubong na tanong sa akin ng aking lola habang ako nagtatakbo papuntang kwarto.
"Eh kasi naman lola bigla na lang pong namatay ang ilaw sa banyo," natatakot kong kwento dito.
"Baka naman napundi lang ang ilaw apo," paliwanag pa nito, pero hindi talaga ako naniniwalang napundi lamang ito sapagkat kapapalit lamang ni itay ng bagong bumbilya nito.
"Sige na nga lola papasok na ako sa kwarto nilalamig na ako eh," paalam ko kay lola at agad nagtungo sa aking maliit na silid, na kung saan kama at kabinet lamang ang magkakasya. Ang kama ko ay nasa may kaliwang bintana, ang kabinet ko naman ay nasa tabi nito.
Mayaring magbihis ay agad kong tinungo ang duluhan kung nasaan ang pastulan dahil gusto ko talagang makakita ng tupa.
"Ang creepy naman dito," kinikilabutan kong wika sa sarili habang naglalakad sa mapunong daan.
Mga ilang minuto ang inabot ko bago marating ang pastulan ng mga hayop pero laking gulat ko nang walang makitang mga hayop pero dinig ko ang kanilang mga huni. Sinubukang kong kusutin at sampalin ang sarili para magising kung sakaling nananaginip lamang ako, subalit ganoon pa rin walang mga hayop pero mas lalong lumakas ang huni ng mga ito.
Kasabay ng pagiingay ng mga huni ng hayop ay ang paglitaw ng isang babaeng sa palagay ko ay nasa edad 25, nakaputing damit na halos matakpan na ng mga maiitim at pulang mantsa, may maputing-maputing mukha na may itim sa buong mata na animo may black-eye, may ginintuang buhok na nakalugay at ang higit sa lahat ay ang nakakatakot nitong tingin na animong nais na akong patayin.
"Sino ang nilalang ang nangahas na pasukin ang aking teritoryo!"
"Mama!"
-----------
Naalala ko naman ulit ang napanaginipan ko kagabi, pagkayari ko kasing magbihis ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Jusko muntik na akong hindi ulit makatulog kagabi, nakakatakot iyong mukha nang babae, pero ang napansin ko sa kanyang mga mata ay purong sakit, ano kaya ang nangyari sa kaniya?
Nais ko sanang alamin ngunit nang subukan kong puntahan ang lugar na iyon ay pinagbawalan naman ako ng landlady ng bahay na nilipatan namin, at ang sabi pa niya ay delikado daw ang lugar na iyon.
Mas lalo tuloy akong nakuryoso kung anong bagay at pangyayari ang naghihintay sa akin sa lugar na iyon.
Dahil sa labis kong kuryosidad sa buhay ay agad kong inihanda ang aking backpack at nilagyan ito ng flashlight, ballpen at notebook, tali, pagkain, tubig, at higit sa lahat ang aking da best na magnifying glass.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryOne shot stories in different genres. If you have story you don't want other to know you can say it to me and I'll make my best to share your story.