He on the window
By Clumsynot**********
Sa tuwing oras na ng hating gabi palaging nakabukas ang aking bintana, hindi lamang upang lumanghap ng sariwang hangin at pagmasdan ang liwanag na hatid ng buwan at mga bituin. Bintana'y nakabukas, naghihintay para sa kaniyang muling pagdating. Hindi alintana ang lamig na hatid ng gabi at mga insektong malayang pumapasok sa aking silid.
Sa paniniwalang ano mang oras sa tuwing ako'y himbing na natutulog siya ay papasok upang ako'y pagmasdan, bantayan, tabihan at iparamdam muli ang init ng isang yakap na puno ng pagmamahal. Ang mga bintana ang siyang nagsisilbing tulay sa pagitan ng aming pagmamahalan. Isang instrumento na tunay na kay inam.
Sa pagpikit ng mga mata, anino niyang papasok sa aking munting silid ang huling tanaw ng mga matang puno ng kapaguran.
Malamyos niyang yakap na tila ako ay hinehele at pinagagaan ang mga problemang hanggang sa pagtulog ay dala-dala, at ang boses nitong kay lamig subalit ang lambing ay naroon pa din habang ang aking buhok ay patuloy na hinihimas na tila ako'y isang batang nais patulugin kaniyang ina.
Ang matatamis niyang 'I love you' ay sapat na upang maramdaman ko ang labis niyang pagsinta sa akin. Sapat ng kahit hindi ko man siya makita ng may kaliwanagan, basta ramdam ko ang presensiya niya alam kong ako ay nasa ligtas na lugar sa mga bisig niya.
Sa tuwing ako ay pipikit hindi ko alam kung lahat ba ng pinagsamahan naming dalawa ay may katotohanan o isa lamang panaginip. Lahat ng negatibo ideya ay aking pilit na isinantabi, pilit na pinaniniwalaang siya ay ang lalaking nagparamdam sa akin kung gaano kasarap ang pagmamahal, at kung gaano kasaya sa piling niya.
Sa lugar kung saan ang imahinasyon ay reyalidad at sa lugar kung saan nabuo at sumibol ang pagmamahalang hindi ko inaasahan. Sa isang lugar na lahat ng nais mo ay maisasakatuparan, sa lugar kung saan ang panaginip mo ay makatotohanan. Sa lugar na libre lang ang mangarap. Sa isang panaginip.
Bagama't dilim ang una kong nakikita sa pagpikit ng mga mata, subalit habang ginigupo ng antok, unti-unti ay nasisilayang muli ang lugar kung saan puno ng liwanag at mainit na pakiramdam, tama lamang para mabawasan ang lamig na hatid ng hangin na dumadaloy sa nakabukas kong bintana tungo sa aking sistema.
Ngunit sa tuwing gigising, walang bakas na siya ay nagbantay sa akin, ang tanging pinaghuhugutan ng paniniwala ay ang mga nakasaradong bintana. Hindi ko makumpirma kung siya nga ba ay totoo o isang imahinasyon lamang.
Kayat nangangamba kung ako'y patuloy pa nga bang maniniwala na siya ay makatotohanan at darating upang ako'y samahan sa mga nais kong puntahan, akoy iligtas sa tuwing akoy nasa kapahamakan at alalayan sa mga hakbang na nais kung makamtan. Tulad ng isang kasintahan sa reyalidad.
Ang kagustuhang siya'y nasa aking pagtulog hanggang sa paggising, 'yong tipong wala ng gugulo sa akin tuwing gabi sa kakaisip kong tama pa bang ipagpatuloy ang paniniwalang siya ay totoo at hindi gawa-gawa lamang ng nalulumbay kong imahinasyon. Nais kong malaman kung ikaw ba ay totoo o kathang isip lamang ng malikot kong isipan. Nais kong malaman ang katotohanan ngunit sa kabilang banda ay natatakot na ako ay masaktan.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Historia CortaOne shot stories in different genres. If you have story you don't want other to know you can say it to me and I'll make my best to share your story.