"Dilly, ikaw na nga muna ang pumunta sa meeting kay Sir Trosere oh, emergency lang kasi sa bahay," aligagang pakiusap sa akin ni Daile, ang kasamahan ko sa trabaho.
"Sige ako na, puntahan mo na ang dapat mong puntahan," nakangiti kong wika saka kinuha ang mga gamit na gagamitin para sa meeting.
"Salamat ng marami Dilly, libre na lang kita pagbalik ko," agad naman itong nagpaalam sa akin, napagalaman kong sinugod pala sa ospital ang limang taon na anak niyang babae.
Agad kong inayos ang suot kong corporate attire. Nagtratrabaho ako sa MoonJade Inc. Corporation bilang isang Marketing head. Si Daile ay isa ring marketing head na tulad ko, baguhan lamang kami kaya naman hindi pwede ang papetik-petik kung hindi ligwak ang trabaho mo.
Inayos ko naman ang mga gagamitin pati na mga papeles at inilagay ito sa isang attachie case na pinaglalagyan ko ng mga ganitong kaimportanteng bagay para hindi mawala. Naipagpaalam na rin ni Daile na ako muna ang pansamantalang papalit sa proyekto ni Daile dahil nga emergency. Pumayag naman si Big Boss dahil kahit baguhan ay madali pa rin niya akong pinagkatiwalaan.
"Oh Ma'am saan punta?" bati sa akin ni Mang Kaloy ang security guard ng kompanya.
"Nakisuyo si Daile, Manong, isinugod sa ospital ang anak," saad ko.
"Ganoon po ba itatawag ko na po kayo ng taxi," wika na nito bago ako sinamahan sa labas at hinintay na makasakay sa sasakyan.
"Salamat po!"
Nang makasakay ay agad kong sinabi ang destinasyon ko sa driver.
Inilabas ko ang compact mirror ko para maglagay ng bahagyang lipstick para naman magkabuhay ang mukha ko. Hindi talaga ako fan ng make-up tamang pulbos at lipstick lamang ang lagi kong ina- apply sa mukha ko dahil maputi naman na ako.
"Narito na po tayo," wika ni manong driver. Agad ko namang isinilid sa aking mini backpack ang lipstick at compact mirror ko. Hindi ko gusto ang mga shoulder bag at mas gusto ko ang backpack dahil marami itong nadadala.
"Heto ho ang bayad keep the change po," nakangiting wika ko sa driver bago bumaba.
Tiningala ko ang napakalaking gusali sa aking harapan, ang Moortage Inc. Corporation. Agad kong binati ang guard na bantay pati ang mga receptionist.
Bawat empleyadong madaraanan ko ay binibigyan ko ng ngiti na buong puso naman nilang sinusuklian. Mabilis kong narating ang elevator kaya mabilis akong pumasok dito. I press 30th button where Mr. Trosere office is located.
"Good afternoon Mr. Trosere," maligayang bati ko sa isang lalaking may makisig na tindig na ngayon ay nakatalungko at nilalaro-laro ang mapupulang mga labi habang nakatingin sa akin. Mukhang nasabihan na siya na nandirito ako. Ang chismis nga naman may pakpak katatapak mo palang sa tiles ng kumpanya niya naabisuhan na agad siyang naoarito ako.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
KurzgeschichtenOne shot stories in different genres. If you have story you don't want other to know you can say it to me and I'll make my best to share your story.