[11.1] Overnight....there?!

1K 20 4
                                    

*11.1: Overnight...there?!

Mizel's POV

"Good morning class!" masayang bati ni Sir Mercado sa amin. Bumati naman kami.

Yeah, nakakapanibago. Napakisamahan kasi ni Sir Mercado tong klaseng toh, I mean nakasabay sya sa amin, wait....sa kanila pala. Mabait ako noh.

Sir Mercado is a new teacher and our new adviser. Sumuko na kasi talaga yung adviser namin.

"So, ang papagusapan natin ngayon ay ang inyong project for this quarter" sabi ni Sir at nagsimula nang magreklamo ng mga kaklase ko.

(oo, di talaga ako umiik sa classroom)

"Pero syempre kilala ko kayo,so tutulungan ko kayo. Medyo mahirap toh so required na mag-overnight kayo dito bukas dahil gagawin na natin ito. And asahan nyong mage-enjoy kayo dahil ako ang teacher nyo." then tumawa si Sir "kung ayaw nyo talaga, well hindi ako katulad ng ibang teacher na ipapasa kayo kahit di naman kayo gumawa. Sisiguraduhin ko na uulit kayo sa pagiging 3rd year" dagdag ni Sir habang nakangiti

"OMO! Sasama talaga ako noh, andyan si Sir eh"

"Oo nga, mahaba haba ang time natin para makasama sya"

"KYAAA!! Ang gwapo nya talaga"

"Gapangin ko kaya sya bukas ng gabi.hihihi"

Hay..mga kaklase kong malalandi -_____-

RECESS

"Hi Insan!!!" bati sa akin nung mga pinsan ko

Sa kasamaang palad, nakapag-transfer na rin sila dito sa LA =_______=

"Hi rin sayo Wyane" sabay nilang sabi. Di sila pinansin. (masanay na kayo)

"Tara sa table" yaya nila sa amin

"No thanks. Doon nalang kami sa tambaya~" hinila na nila ako -_____-

"Ayan oh Miz~ I mean Red. Ito yung favorite mong cupcake. Gawa ko yan" sabi ni Pin-pin habang hawak ang isang cupcake

"Yeah, tumulong ako sa paggawa nan ha. Full effort." sabi naman ni Tin-tin

"Di nyo naman balak patayin ako" sabi ko

"Huh?"

Tinuro ko yung icing na sobrang dami.

Andami naman talaga eh. At chocolate pa. Gusto ata nila akong magkaroon ng diabetes.

*Be Ready My Butler*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon