[18] Stay away from her

752 12 0
                                    

Mizel's POV

"Red!" tawag sa akin nung isa kong kaklase

"Bakit?" tanong ko.

"Pinapabigay na naman sayo" then sabay abot ng red rose

Isang linggo na rin ang nakalipas ng matapos ang prom. Isang linggo ko na rin hindi kinakausap at pinapansin si Terence. Medyo masama pa ang loob ko sa kanya. Isang linggo na rin syang humihingi ng apology pero sabi ko wag nya muna akong kausapin pero ang kulit eh.

"Sayo nalang" sabi ko

"Red!" tawag sa akin ni Dane

"Oh! Bat parang ang saya mo?" tanong ko

"Wala lang" sabi nya nang may ngiti sa labi. Napansin kong may pasa sya sa labi nya. Hinawakan ko yun, napa-aray naman sya.

"Anong nangyari dyan?" tanong ko

"Ahh..Wala, nasuntok lang~" napatakip sya ng bibig

"Ha? Eh sino naman ang taong gagawa nan?" tanong ko. Napakamot sya sa ulo nya.

"Geez~ Di pa pala nya alam"

"May sinasabi ka?" tanong ko

"Ah wala...ummm by the way gusto pala kitang imbitahin sa bahay namin" sabi nya

"Huh? Bakit? anong meron?" tanong ko

"Eh birthday ko na kasi next week, may party sa amin. Syempre friend kita kaya gusto ko nandon ka. Then syempre kasama ang QUEENS, kung gusto mo sama mo si Wyane" sabi nya

"Eh? Birthday mo na? Hala wala pa akong regalo sayo" sabi ko

"Ano ka ba! Okay lang noh" sabi nya

"Hi pinsan!!" biglang bumulaga sa harapan ko ang kambal kong pinsan

"Ano ba kayo! Sumusulpot nalang kayo ng basta basta e" sabi ko "Kitang may kausap ako"

Napatingin naman sila kay Dane "HI!" bati nila. Nginitian naman sila ni Dane.

"Nga pala, si Pin pin at Tin tin.  Ang kambal kong pinsan....Si Dane nga pala, kaibigan ko"

"Hi! I hope maging magkaibigan tayo" sabi ni Dane

"Oo naman" sagot nilang dalawa

"Gusto nyong pumunta sa party ko?" tanong ni Dane. Nakow, inimbita pa ang dalawa =____=

"Party? We love party!" sabay nilang sabi. 

"Good! So next week ha. Sa sunday. I hope makarating kayo" sabi ni Dane sa amin.

"Syempre naman" sabi ko

Maya maya ay nag-bell na at nagsimula na ang klase. GOSH! Malapit na pala ang final exam. 

HOME

"Wyane!" tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya.

Then binato ko sya ng unan. Eh wala magawa eh. At tyaka, sarap kayang pagtripan nito.

"Hay...nakasinghot na naman ng katol" sabi nya

"Anong sabi mo!" sigaw ko sa kanya

"Umamin ka, ilang katol ang tinira mo?" sabi nya sa akin habang walang kareaksyon reaksyon sa mukha nya.

"Bastos ka ah!" sabay bato ko sa kanya ng teddy bear kong si Sandeul. Sinambot nya naman iyon at tinignan.

"Ang pangit naman nito" sabi nya

"Ang sama mo talaga kahit kailan" tumayo ako sa sofa ng kwarto ko at aakmang kukunin si Sandeul. "Akin na nga yan" pero tinaas nya iyon.

Tumalon talon ako para maabot si Sandeul pero masyado syang matangkad.

*Be Ready My Butler*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon