*15: A sign
Mizel's POV
"UWAAAAAA! Malapit na prom!! 3 weeks nalang! Ano kaya mga handa?" ---ako
*boink*
"Aray naman" sabay hawak sa ulo ko
"Ano ka ba pinsan dapat ang pino-problema mo eh yung susuutin mo!" sabi ni Pin pin sa akin
"Eh. Madali nang makahanap ng damit, nu ba"
"Hay, kami na maghahanap ng damit mo, shopping tayo bukas" sabi ni Tin tin
"Eh bat nyo ba pino-problema yung damit ko, yung sa inyo nalang yung problemahin nyo" sabi ko sabay kagat doon sa monde na sobrang lambot
"Pasalamat ka nga at meron kang mga fairygod cousins ha at take note, magaganda pa"
"Alis na ako, lakas ng hangin -_-' " biro ko sa kanila
"Ito naman... so game ha, punta tayo sa mall."
"Doon tayo sa GD" yaya ni Pin pin
"GD? Diba ka-grupo yon ni TOP?" sabi ko
"T*nga! Botique yon na sobrang sikat, maraming mga gowns doon na sobrang gaganda." sabi ni Tin tin
"Oo nga, at take note, ang may ari non at nagde-design ng mga damit don ay isang high school lang" dagdag ni Pin pin
"Talaga?"
"So game tayo bukas ha"
"Okay" tipid na sagot ko nalang
MALL
"Wyane! Samahan mo akong bumili ng ice cream sa DQ" sabi ko at hinila ko sya pero may humila sa bagpack ko
"Ano ka ba! Kakarating lang natin dito ice cream agad" sabi ni Tin tin
"Eh antagal ko na kayang di nakakpunta sa mall at nakakakain ng ice cream" sabi ko naman
"Aist. Tara na nga" at hinila na nila ako sa isang botique
Guiverra's Dress
Sosyalen naman ng mga damit dito
"Tara hanap na tayo" sabi nila sa akin
Malaki yung botique, parang bawasan mo lang ng konti yung botique ng forever 21. Diba ang laki? Tapos by section. Sa isang part puro cocktail dress then sa isa naman ball dress then sa isa naman pang dinner dress. Basta maraming uring dress. Then may iisang section don na puro suit para sa mga lalaki.
"Ay nako. Sorry po" narinig kong sabi ni Pin pin doon sa nakabungguan nya.
"Red?" napatingin naman ako sa nakabungguan ni Pin pin na tumawag sa akin.
"Oh Terence?" medyo nawala na pala galit ko sa kanya kasi wala rin namang mangyayari kung may galit ako sa kanya diba? At tyaka, paki ko ba kay Wyane. De joke xD
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Terence
"Umm...tumitingin ako ng dress para sa prom" sabi ko
"Ah ganon ba..." napahimas sya sa batok nya na para bang may gusto pang sabihin
Ang cute tignan.hihihi
Magsasalita na sana sya nang batiin ako ni Honey
"Hello Ate Red!"
"Hi!!"
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong nya
"Ito namimili ng damit para sa prom, ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko
BINABASA MO ANG
*Be Ready My Butler*
Teen Fiction//TAGALOG// Red Gael Garcia but her true name is Mizel Faith Agustin. She must hide her true name, and she don't know why. She's a daughter of a Mafia lord but she doesn't know that her father have that power. Because of her father's position, her l...