16 hours ago

163 2 4
                                    

[ author's note: wala talaga akong idea sa trabaho ng mga security agent kaya kung may mali sa ginawa ko. pacomment na lang para next time maitama hehe.. thanks! ]

Lalo lang lumalala ang mga nangyayari.  

Mas delikado na kami ngayon.  

Nagiging aggressive sila.  

Mas mahirap na silang puksain.  

Pero hindi naman talaga sila napapatay,  

hindi na lang sila makagalaw kaya hindi na sila harm para sa 'min. 

May bumababa galing sa rooftop. 

"Sa kabila!" Sigaw ko.

Nasara na lahat ng pwedeng isara pero yung emergency exit na galing sa rooftop walang pinto. Nakabukas pa rin. 

Tumakbo agad dun si agent Billy.

Napatingin naman ako sa kabilang side ng corridor.  

Nakalock na yung gate ng emergency exits dun.

May mga alambreng nakapulupot sa mga grills, pero dahil na rin sa mga balak na nakaharang sa gate ng emergency exit, nag-iwan ito ng malaking uwang.

Napatingin ako sa labas,

dadarating na! 

"Yung mga uwang!" Pagkasigaw ko, tumakbo na ako kaagad dun sa uwang, tinganggal ko yung mga bakal para masara yung gate pero huli na, napasok na nung bagay na yun yung ulo nya.

Hinawakan ko yung mga bakal na kanina nakaharang para yun yung kagating nya.

yun nga yung kagat-kagat nya pero...

Ang lakas nito!

malapit na sumuko katawan ko,  

hindi ko rin mabunot yung baril ko. Kainis!

"dapa, agent!" May sumigaw.

With my remaining strength, hinagis ko palabas yung bakal at dumapa. Pag angat ko ulit ng ulo, durog na yung bungo nun, nanginging pa yung katawan.

"Thanks, doc." Tapos nilahad nya yung kamay nya.  

Inabot ko naman to at tumayo na.

16 hours ago.

We are currently on our way to La Del Vega orphanage. Naghire kasi ng security escort yung isang sponsor nung orphange, field trip kasi. Kami ni agent Billy Santiago ang summoned agent to escort the children.

"Salamat sa pagdating, Agent Santiago at Agent Cansas." Bati sa amin ni Mr. Guillermo at nakipagkamay.

Kakaiba itong ampunan na to.  

Hindi madre yung head.

"Pano, maiwan ko muna kayo para matapos na yung mga kailan at ng maka alis na tayo." Pagpaalam nya sa amin

"ah, sige ho." Sagot naman ni Billy.

Isa akong security agent sa isang malaking security agency dito sa Pilipinas. Five years in the work at mula pa nung pinasok ko itong trabahong ito, partner ko sa Agent Billy Santiago. Hindi ko rin naman pinangarap na pasukin ang linyang ito, basta nagsimula na lang yun ng may mailigtas akong babae habang hino-holdap ito. Nagta-trabaho pala sya security agency na pinagta-trabahuhan ko ngayon.

Nagtrain ako at ng matapos, na-awardan pa ako ng pinaka magaling na shooter. Sabi rin ng mga trainers namin, fast-learner ako.

Si Agent Billy? Mas nauna sya sa akin ng dalawang taon sa industrya. Ganun din sya, magaling at nabansagang 'bullet' dahil hindi naman talagang mapagkakailang mabilis sya at magaling sa labanan. Proven ko na yan dahil nagkaroon na rin kami ng assignment na maraming bakbakan dahil may death threat at ambush na invovle.

Few HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon