7 hours ago.

45 1 0
                                    

Kanina, pagbabang pagbaba namin, sinalubong agad kami ng mga lalaking naka-itim. I recognized some of them, isa sila sa mga kumuha kanina kay Michael.

"saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Billy.

Kanina pa rin kami tanong ng tanong pero pare-parehas lang yung sagot na natatanggap namin mula sa kanila.

"malalaman nyo pag nakarating na tayo." Yan na naman yung sagot nila.

Bakit nga ba ganito rito? Nasa third-floor na kami at patuloy pa rin ang pag akyat. Wala namang makikita rito bukod sa mga sira-sirang gamit at abandonadong mga kwarto.  

Kagaya na rin ng sinabi ko, lahat ng bagay rito sira na at hindi na mapapakinabangan pero nakapagtataka talaga na ayos pa at gumagana ang elevator, pero mas nakakapagtakang sira na yung elevator shaft mula sa secong floor.

Alam kong gumagana yun dahil dun isinakay yung mga bata kasama ni Mr. Guillermo. Hindi rin kami pinagamit nun at naghagdan lang pero nung makita ko yung elevator shaft sa second floor, parehas kaming nagtaka ni Billy. Nakabukas iyon at may mga bakal na nakaharang mismo sa loob ng shaft. Meaning, hindi na pwedeng daanan ng elevator yun. Dahil dun, nagdeduce na rin kami ni Billy na pababa yung elevator.

Di kaya may underground facility sa baba?

Nasa forth-floor na kami at paakyat na sa fifth nung biglang nag iba yung ingay sa radyo ng lalaking naka itim sa harap namin.

Mukang sya ang leader ng mga lalaking naka-itim rin na nakapalibot sa amin, at mukang ina-isolate nila kami sa mga bata. Pero bakit? 

Pasama na talagang pasama ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

Lalong naging kakaiba yung ingay sa kabilang linya nung radyo.

parang. . .

"alpha two, come in. Anong nangyayari? Over." Nag aalalang tanong nung lalaki sa unahan. "alpha two!" Sigaw pa nya. "hindi ko maintndihan!"

Patuloy pa rin yung kakaibang ingay sa kabilang linya.

Bakit sila...

nag iingay ng ganyan? Para talagang...

"anong naririnig mo?" Tanong ni Billy sa akin. Napatingin rin naman yung mga nakaitim.

"sigawan. Maraming taong sumisigaw sa sakit." Sagot ko.

"anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nung pinuno nila.

Hindi ko rin alam kung pano pero matindi rin ang pandinig ko. Kaya kong masabi yung nangyayari gamit lang ang pandinig ko.

"anong nangyayari?!" Sigaw nung nakaitim.

Kung kanina walang emosyong makikita sa muka nya at maging sa mga salita at galaw nya, ngayon kabaliktaran na ang nangyayari. Punong-puno ng emosyon ang muka, salita at ang bawat galaw nya. Sobra siguro ang pag aalala nya at para iyon sa mga tauhan nya sa kabilang linya.

"yung sigaw, parang may nananakit sa kanila. hirap na hirap na rin sila." Tumigil ako at lumapit sa lalaking naka-itim. Kinuha ko sa kanya yung radyo at itinapat ito sa tenga ko.

Pinakikinggan ko ng mabuti yung ingay nila ng biglang may sumigaw.

Ano yun?

Hindi tama ito!

Nabitawan ko yung radyo dahilan para mahulog ito.

Yung narinig ko...

"yung mga bata! YUNG MGA BATA! TUMAKAS NA KAYO!"

Few HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon