6 hours ago

35 0 0
                                    

"ayos ka na ba?" Tanong ko kay Dante pagkarating namin sa grupo.

"oo. salamat." Sagot nya at ngumiti.

Ngumiti na rin ako.

"kailangan na nating makaalis dito. Baka paglumala pa hindi na tayo makatakas. Kailangan nating makalabas dito kaagad." Sabi ni Billy.

"tama ka. Mag-gagabi na rin, mas delikado pag dumilim na." Si Conrad naman ang nagsalita.

Kailangan talaga naming makatakas dito. Wala kaming aasahang magliligtas sa amin, dahil kahit lahat kami may cellphone, hindi naman abot ng cell site angd ganito kaliblib na lugar. Walang signal.

Tumahimik kami at nagisip ng plano. Hindi namin alam kng ano ba yung mga yun. Nasa corridor kami ng third floor at kasalukuyang nasa first floor yung mga yun. Nakalock yung 'gate' sa hagdan ng first floor.

Teka, gate?

Napatingin ako sa kaliwang bahagi nung hagdan papuntang fourth floor.

"yun!" Sigaw ko sabay turo sa 'gate' ng hagdan. "mukang may gate tulad nyan ang lahat ng floors dito."

Napatingin naman silang lahat sa tinuro ko.

"posible ngang lahat ng palapag dito may ganyan. Napansin kong may ganyan din sa second floor." Sabi ni Dante.

"kaso, anong magiging gamit nyan?" Tanong ni Miguel.

Tama sya. Hindi namin alam kung anong pwedeng maging benefit ng mga yan sa amin. Pagsinara namin lahat ng gate, hindi nga kami mapapahamak sa mga kung ano man yun, hindi rin naman kami makakatakas dto dahil masasarhan na lahat ng pwede naming malabasan.

Napatahimik na naman kaming lahat. Nag iisip kung anong pwedeng gawin.

napatahimik kaming lahat, nagiisip. Napatingin ako sa relo ko.

6:03 na.

Madyo maliwanag pa pero unti-unti ng nagdidilim yung paligid.

Sa katahimikan naming lahat, mga kuliglig mula sa labas ng abandonadong building na lang ang naririnig.

Few HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon