Let's strum the heartbeats 1

3.6K 36 15
                                    

Let's strum the heartbeats 1

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

CLICK!

 ¸. ♬' ¯' ♬ ¸ ¸. ♩  

Massugu ni Kakedasu Hare Wataru Aozora ga Mabushii (Rushing out straight ahead, the clear blue sky so bright)

Oikaze ni Aorare Atarashii Tabi ga Hajimaru (Stirred up by a tailwind, a new journey is starting now)

itsuka mata Aeru you Furikaerazu ni Asu e Mukau yo (So that we can meet again - Head for the dawn without looking back)

Good luck my way Shinjiru Michi e (Good luck my way, to the path we trust)

 ¸. ♬' ¯' ♬ ¸ ¸. ♩  

  

'Hmm... maganda ang kuhang ito. Sa tingin ko naman magugustuhan ito ni Rhianne, mahilig sa heart-shaped clouds yun eh.'

Matamang sinusuri ni Yosef ang nakunan niyang litrato sa kanyang digicam habang nakikinig sa iPOD niya. Kailangan niya kasi masigurong sakto lang ang mga ito bago niya simulan ang pag-eedit at pagprint. Ang mga larawan pa namang ito ang gagawin niyang greeting card sa kanyang pamilya't mga kaibigan, bagong taon eh :D.

Nang matiyak niyang okay na ang lahat ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad sa gitna ng malawak na garden grounds. Presko ang hangin dito at malinis ang paligid kaya sinasamantala na ni Yosef ang sandaling ito, bahay at opisina lang kasi palagi ang kanyang destinasyon kapag weekdays. Napahinto siya sa kanyang pagmumuni nang mapansin ang mga bata na masiglang naglalaro sa di-kalayuan na playground. Kitang-kita sa kanilang mga nakakasilaw na ngiti ang nadarama nilang saya, waring wala sila kaalam-alam sa mga problemang bumabalot sa araw-araw. Iniangat ni Yosef ang dalang camera para mapreserba ang eksenang iyon sa loob ng lens, kaso napatigil siya sa kanyang akmang pagpindot.

Sa bandang gilid ng kanyang screen ay may magkasintahang tahimik din na nagmamasid sa mga naghaharutang-bata. Dahan-dahang binabalot ng lalaki ang kanyang bisig sa balikat nung babae habang ang huli ay sumandal naman sa matatag na tindig ng kanyang minamahal. Kitang-kita sa kanilang mga kilos kung gaano kabigat ang nararamdaman nila sa isa't-isa.

Tumalima ng lakad si Yosef palayo sa playground. Akala mo hinahabol lang nang aso dahil sa bilis ng mga hakbang niya, palayo sa estrangherong magsing-irog na nagpapaalaala lang sa mga bagay na imposible niyang maranasan. Nilakasan na lang niya ang sounds na dumadagundong mula sa kanyang earphone, sa palagay naman niya ay makakahanap pa siya ng mas magandang tanawin at eksena kung sisipagan lang niyang maghanap.

 ¸. ♬' ¯' ♬ ¸ ¸. ♩  

I'm the Rockstar's WHAT?! (BoyxBoy/Yaoi) #SLOW-TURTLE UPDATE xDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon