Let's strum the heartbeats 6

603 23 15
                                    

­

Let's strum the heartbeats 6

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sinulyapan ni Yosef si Yuji, na ngayon ay nakatalikod sa kanya't bising-busy sa katitingin ng mga chocolates sa gawing kanan ng aisle. Nang sa tingin niya'y hindi siya mapapansin nito ay kinuha agad ng binata ang mamahaling box ng jellies na kanina lang ay inihagis ng singer sa kanyang dalang basket. Ibinalik niya ito sa shelves at saka naglakad papalayo. Kasalukuyan silang nasa supermarket, mga ilang minuto lang naman kasi ang layo nito mula sa kanyang apartment. Nandito sila para mamili ng gatas, longganisa at itlog nang sa gayon naman ay magkaroon ng disenteng almusal ang 'mahal na prinsipe' (insert Yuji's picture here ;P) Wala kasing magustuhan na pagkain ang hapon niyang bisita sa loob ng kanyang mini-refrigerator. Ipinagtataka naman ni Yosef kung anong problema ng singer sa kanyang food supplies, matatawag namang pagkain ang dalawang pack ng lucky me at isang buntong ng fruitella 'di ba?!

"Sis, sobrang gwapo naman ng lalaking iyon oh."

"Oo nga eh, so yummy! May lahi pa yata siya."

Dalawang naglalakad na kadalagahan ang napansin ng photographer na nagbubulungan habang pasimpleng tinitignan si Yuji. Sa totoo lang ay tama naman sila, simula pa ng lumabas si Yosef kasama ang singer sa kanyang bahay ay agaw-pansin na talaga ang huli sa mga tao. Panay ang linga ng mga nakakasalubong o nadadaanan nila sa hapon na waring namamangha. Hindi naman masisisi ng binata kung ganoon ang reaksyon nila sa kanyang kasama dahil iba talaga ang angking kapogian ni Yuji, wala itong kahalintulad. Kaso lang hindi maiwasan ni Yosef na mapaismid, hindi niya kasi gusto yung pasulyap na ginagawa ng ibang nilalang sa singer. Parang naiinis siya, hindi naman niya mapagtanto kung ano ang dahilan.

"Why are you acting right now as if you're in a bed mood?" Ang naitanong sa kanya ni Yuji sabay mala-basketball na nagshoot muli ng panibagong bilihin sa kanyang basket. This time, isang box ng cherries ang napagtripan ni Yuji. Nang tinignan ni Yosef ang presyo, muntik nang lumuwa ang kanyang mapupungay na mata. Php 187.36 ?! Aba'y marami nang mabibiling nissin ramen noodles dun ah!

Teka wait. Sabi ba niya ay Bed? As in Higaan. Kama. Fluffy soft bed? Naalala niya ang nakakabaliw na pangyayari kaninang umaga lang. Tinimpi ng binata na huwag mamula at magkaroon ng massive nosebleed sa gitna ng shop. Huminga siya ng malalim. Tama, kalma lang Yosef, keep calm and stay cool.

"It's bad, not bed.. and no, I'm not in a bad mood." Napansin ba ni Yuji ang pagsimangot niya kanina?

"But you look like you are one." Ang tugon naman ng hapon sa kanya habang nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa ng hiniram niyang pantalon courtesy of Yosef's wardrobe.

"No I'm not. Also please, stop throwing random things into the basket." Kaagad ibinalik ng photographer ang kahon sa pinagmulan nitong shelf, sinusubukan niyang alisin sa utak kung gaano kamahal ang nasabing produkto.. at kung gaano kabagay ang damit niya kay Yuji. Bakit nga ba ganun? Kapag siya ang nagsusuot eh medyo maluwag na sa kanya samantalang hapit na hapit itong nakayakap sa katawan ng Singer na animo'y costume-tailored lang ito para sa kanya. Ano nang nagaganap sa mundo ngayon?!

"Why?"

"Because I don't have enough money for unnecessary things, okay? I'm just a poor fellow. Very poor so only the basic needs will do." Base sa kalendaryo, dalawang linggo pa ang kanyang aantayin bago niya matanggap ang kanyang kabuuang bayad mula sa huling photoshoot na ginawa niya. Sigurado siya na butas ang kalalabasan ng kanyang pitaka kung ipagpapatuloy pa ni Yuji ang paghagis ng samu't-saring bagay sa kanyang mumunting basket. Oh no, ayaw niyang mangutang sa kanyang bestfriend. Tiyak na may kasamang sermon ang aabutin niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the Rockstar's WHAT?! (BoyxBoy/Yaoi) #SLOW-TURTLE UPDATE xDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon