Let's strum the heartbeats 5

619 17 13
                                    

Let's strum the heartbeats 5

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Tinignan ni Yosef ang oras sa kanyang relo. 12:43am. Nandito siya at ang grupo nina Yuji sa Republiq Bar, sa loob ng Resorts World Manila. Sa totoo lang ay matagal-tagal na din siyang hindi nakaka-gimmick kasama ang mga kaibigan niya dahil nga sa busy sila pareho sa kani-kanilang buhay kaya kung titignan, medyo nangangapa uli siya sa kanyang paligid. Para kasi siyang nalulula sa dami ng tao ngayon.

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

Right, right turn off the lights

We gonna lose our minds tonight

What's the dealeo?

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

Dahilan sa hindi niya muna trip makipag-gitgitan sa karamihan kaya naka-upo lamang siya sa isang tabi, umiinom ng San Mig Lights, at pinapanuod ang isang partikular na binata na kasalukuyang niyuyugyog ang katawan na parang kiti-kiti lang kung maka-headbang sa gitna ng mga sumasayaw na kabataan. Ang bawat pulso ng tugtugin ay sabay na sumisilakbo sa laser at disco lights. Ang ilang segundong kisap-liwanag nito’y nagbibigay ng kakaibang presensiya sa humaharurot na katawan ng singer.

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

I love when it's all too much

5 a.m., turn the radio up

Where's the rock and roll?

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

“He looks breathtaking, doesn’t he?”

Muntik nang maisaboy ni Yosef ang iniinom niyang beer nang biglaan na lang may bumulong sa kanyang tenga. Nang tinignan ng photographer kung sino ang damuhong nang-gulat sa kanya, isang humahagikgik sa tawa na Tetsuya ang bumulaga sa kanyang gilid. Hindi niya na pala namalayan na kanina pa ito sa tabi niya. Hay naku, lutang na naman sa ere ang kanyang utak. Ang epekto nga naman ng kakapanuod kay Yuji.

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

So raise your glass if you are wrong

In all the right ways

All my underdogs, we will never, never be

Anything but loud and nitty gritty, dirty little freaks

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

“Hmm.. his head banging was too deep for the beats, his legs are too wide apart, and he doesn’t have a sense of rhythm. Overall, he looks like a duck in a red carpet.”

Sa pangalawang pagkakataon ay umalingawngaw na naman ang halakhak ni Tetsu sa gitna ng kaingayan. “Yet you still couldn’t tear your eyes off of him.”

¸. ' ¯' ¸ ¸.  

Slam, slam, oh hot damn

What part of party don't you understand?

Wish you'd just freak out

¸. ' ¯' ¸ ¸.

I'm the Rockstar's WHAT?! (BoyxBoy/Yaoi) #SLOW-TURTLE UPDATE xDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon