Let's strum the heartbeats 3
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"Here's the timetable for tomorrow Yosef-kun. If you have any queries or suggestions then please, don't hesitate to call me. I'll just be inside, got to fix some things for their upcoming photoshoot. Oh, about that.. didn't you mention before that you're a photographer?"
"Yes I am, a freelancer."
"Hmm.. that's better, you might also give me some additional pointers there ne?"
Tumango si Yosef.
"Sugoi! (Great!), Well then I'll just leave you for a while. Dewa mata! (See you later!)"
"Okay."
Kasalukuyan ngayon nasa living room suite ni Ms. Hiyori si Yosef, kumportableng nakaupo habang nagtsa-tsaa at kumakain ng Onigiri (rice balls). Ang totoo, noong makabalik na sila sa pansamantalang tinutuluyan ng grupo - ang Sofitel, ay mas gusto ni Yosef na sa lobby na lang maghintay.. pero dahil malakas ang convincing powers ni Hiyori-san (napagtanto niyang iyon ang hidden talent ng P.A.) at pati na rin ni Yuji (sadya talagang makulit ang singer) kaya napapayag na siya nito. Tutal, mas magiging maayos kung sa mismong place nila sila magdidiskusyon kaysa sa isang pampublikong lugar. Akala naman niya ay sasabay sa kanila ang singer papasok sa hotel room, kaso huminto ito at sinabing pupuntahan lang niya saglit ang ibang members. Babalik din naman daw siya mamaya.
Isinasa-utak ni Yosef ang mga activities na gagawin ng banda bukas, mukhang okay naman ito. Magsisimula ang photoshoot dito sa hotel ng mga 8am at posibleng matapos ito ng bandang hapon. Ang natitirang oras naman ay gugugulin sa pagsha-shopping at makita kung paano ang night life gimmicks sa syudad. Nakapamasyal naman na kasi ang buong staff at crew sa mga sikat na landmarks kaya parang iyon na lang ang habol nila. Napansin ni Yosef na walang masyadong gagawin pagdating ng weekdays, ang tanging nakasulat lang doon ay 'back-up days'. Habang tinitignan ng photographer ang listahan ay di niya maiwasang mapa-isip, mga ilang araw na lang ang matitira ay aalis na ang grupo. Medyo malungkot si Yosef.. pero mabilisan din naman niyang iniling ang ulo. Imbes na magpakalugmok siya ay dapat sulitin na niya ito't ipakita ang gilas niya para naman magkaroon man lang siya ng 'lasting impression' sa kanila. Tinanguan ni Yosef ang sarili bilang pagsang-ayon sa kanyang desisyon, Oo yun lang ang pakay niya at wala nang iba.. Peksman!
Nasa kalagitnaan ng pagnamnam si Yosef sa kanyang iniinom ng tsaa ng biglang bumukas ang pintuan sa entrance. Maya-maya lang ay umalingawngaw na ang marahang pag- 'Click!' hudyat ng pagsara nito.
"Hm, it seems that you're enjoying yourself there." Ang bungad ng malalim na boses ni Yuji bago ito makarating sa sala ng suite at umupo sa sofa, kaharap ni Yosef.
"Ah yes, the tea here is so soothing. The onigiri was pretty good too."
"That was expected, especially that it came from my skillful hands."
"EH!? You made this?" Ang namanghang tanong ni Yosef. Hindi siya makapaniwala na kaya ni Yuji na maghanda ng ganung kasarap na pagkain.
"Ofcourse, I'm not just a talented gorgeous when it comes on stage. I'm also a pro at kitchen" Ang pagmamayabang ng singer habang nilalagyan din niya ng nasabing tsaa ang kanyang tasa. Pagkainom niya ng kunti rito ay inilapag na din niya ito sa lamesa, sabay kampanteng sumandal sa kanyang kinauupuan habang tinitignan si Yosef.
"Are you feeling well now, Yosef?"
Natigilan si Yosef sa pagsamba sa kanyang nilalamon, nakaramdam na naman kasi siya ng kakaibang kilabot sa katawan. Hindi pa rin ito sanay na tinatawag siya ng singer sa kanyang pangalan, parang napaka-intimate kasi pakinggan.. lalo na't ngayon ngayon lang sila nagkita.
BINABASA MO ANG
I'm the Rockstar's WHAT?! (BoyxBoy/Yaoi) #SLOW-TURTLE UPDATE xD
Teen FictionSi Yosef na yata ang pinaka-maswerteng nilalang sa balat ng Solar System. Bakit? Na-meet-in-full-flesh lang naman niya ang isa sa sikat na singer ng Japan, si Yuji Ichizuke, na isa rin sa hinahangaan niya (mahilig siya sa JRock mga 'dre eh :D). Syem...