Entry: September 7, 2018
Sa isang trahedyang ikaw bilang lalake ang biktima, kalimutan mo na!
Isang umaga ay nagising ako mula sa kasumpasumpang bangungot na dulot ng isang taong minsan ay naging bahagi sa mga pangarap ko. Isang umaga nagising ako na unti-unti ay bumabalik ang dating respeto sa sarili na maraming taong itinago sa pinakasulok ng kadilimang walang katapusan. Isang umaga nagising ako ng magaan ang kalooban... Pero... Bakit parang may mali?
Ang masiglang umaga tila yata't di man lang dumaan sa tanghaling tapat sa pakiwari ko'y minuto lang ang lumipas tapos ang dilim ng gabi bigla biglang kumagat... Bakit ganun? Sasandali palang akong sumasaya ninanakaw na agad nila!
Sa pagkakataong ito nagsama sama sila... Ayon sa isa sa gitna ng talakayan nila: "wala akong pinapanigan sa kanila pero itong tarantadong lalaki ang may mali talaga" sige nga putangina ka... Walang pinapanigan? Saan banda? Kayo na walang alam na dali daling nakipagkaisa at humusga, sumira at nagsalita laban sa taong ni hindi ninyo kilala! Sigurado ka ba? Walang pinapanigan? Ipaintindi mo nga sa akin kung pano? Pasensya ka na dahil di ko talaga makita!
At yung isa sumawsaw pa sa totoo lang hija hindi kita kilala ni minsan ay di pa kita nakita at nakatitiyak naman ako na ganun ka din pero paano at saan mo naku kuha ang mga salita mong "ang kapal ng mukha niya" at yung sinabi mong "mga kasinungalingan" ko alam mo ba ang buong kwento? O nagtahi tahi ka ng bersyon na bagay sa teleserye sa isip mo? Sigurado ka ba sa pinagsasasabi mo? Sa pangalan mong "rapbeh" tila yata't ma's di katiwatiwala ang pagkatao mo
Mga damdamin na bumabalot... Poot, galit at pagkabugnot sa panahong ito na pinaghaharian ng mga salot... Mapagdikta, mapanghusga mga masasakit na salita mula sa mga bibig ng mga nagkampihang babaeng ignorante sa katotohanang nangyari sa pagitan ng dalawang tao... Mga ignorante sa katotohanang tinanggihang pakinggan sa takot na ang imahe nilang ubod ng linis at dalisay ay mamantsahan ng kamangmangan.
Hanggang saan.. Hanggang kailan pa ba pagtitiisan ang parusang pinilit wakasan? Di na natapos ang laban pagod na ko gusto ko nalang ng katahimikan... Sabihin na nating tama kayo at mali ako natapos lang to matahimik lang kayo... Pero tinitiyak ko isang araw sa kabila ng mga buwan o taon ako naman... Hindi ito pagbabanta kundi pagtatama isang araw ako naman sa pagkakataong iyon ay pasensyahan... Hinding hindi ko kayo makakalimutan.
Pero bakit nga ba ganito? Isang tao lang ang pinutulan ko ng karapatan sakin subalit anim na taong di ko man lang kilala at ni minsan ay di ko pa nakita ang kalaban ko? Kahit ang mga taong inakala Kong nasa panig ko na nagsalita sa di-umano'y pagkakamali ko ay tumatangging pakinggan ang panig ako sa tuwing sasagot ako sa mga akusasyong ibinabato kulang nalang ay busalan ang bibig ng lalakeng ito upang di maipayag ang bersyon ng kwento na sa tuwing magsasalita ay tatalikuran at lalayasan o sasabihing "hindi mo pwedeng ikwento yan!"
Isang teorya! Lalake ako! At mga babae sila... Pero di ako makuntentosa sa kadahilanang walang lohika... E ano nga ba? Ewan ko basta bahala na! Ang alam ko lang magisa ako at isang katiyakang mas mainam to! Walang kasalo sarili ko ang gulo!
Sabihin na ninyo ang gusto ninyo "yung mas ok mas maayos" bahala kayo! isa lang ang alam ko! Bilog ang mundo may araw din kayo! At sa mga oras na iyon magisa ako sana magkakaibigan pa din kayo! Hindi ako ang nagsimula nito kayo ang nagpumilit sumali sa gulong ito kaya naman kasali na kayo hanggang ma tapos ito.
YOU ARE READING
Daily Poetry
PoetryJust a collection of my daily emotional struggles translated into poetry