Entry September 3, 2018
Minsang hinanap mo sakin yung dating ako, minsan hinanap mo yung lalaking unang nakilala mo, yung lalaking minsang ikaw ay humanga sa talino, yung lalaking minsang tiningala at tinangi mo pagkat ang sarili niya ay kanyang nirerespeto, pero tila yata't nakalimutan mo na ang pumatay sa lalaking hinahanap mo ay walang iba kundi ang pagbabago ng iyong pakikitungo. Makikita mong Muli ang taong hinahanap mo sa oras na makalaya ako sa tanikala ng kasumpasumpang pang ako na binitawan ko.
Mahirap pala yung ganito na di ko na kilala yung sarili ko... Alam mo ba yung pakiramdam nito? Yung halos kumikilos nalang ng naaayon sa dikta mo sa mga pagkakataon convenient sayo? Paisa lang ha puno na kasi ako... Gusto ko lang kasing malaman mo na putang inamo punong puno na ko sa lahat ng pagpapahirap mo! Gustong gusto ko na magising sa bangungot na to! Yung magising sa isang araw na wala ka na sa buhay ko o di kaya kung maaari yung wala ka na sa mundo.
Isang umaga magising ako na gusto ko ng natapos ang relasyon na to... Eto na yung araw na iyon sabi ko sa sarili ko. Pinilit kong kumawala sa parusa ng pagkamakasari at one sided na relasyon na to... Sagad na! husto na hindi ko na kaya. Ako naman sarili ko naman ang pagtutuunan ko ng pagpapahalaga na ni minsan ay di ko nakuha. Siguro sapat na ang pitong taong pagdurusa at labis na pagpaparusa, dahil malayo pa ang Huwebes Santo para magpinitensya.
Eto na... Pinilit Kong ipunin sa mga oras na ito lahat ng natitirang respeto sa sarili ko. Pinilit Kong pulutin lahat ng piraso ng dignidad na sistematikong tinanggal, nawala, kinuha at nilamon ng katangahang dulot ng kasinungalingang relasyon na ang intensyon ay gawin akong manikang walang isip, nakatali sa leeg at sunodsunuran sa kapritso ng banidad na pumapalibot sa kaartehang dulot ng huwad na tayog na mula sa kakitiran ng pananaw sa salaping sinasamba.
Sinikap kong kausapin ka at ayusin kung ano man ang meron tayo subalit sa kanila ng talinong dating hinangaan mo ay di ko magawan abutin yang tayog ng kapalaluang dulot ng salapi sayo... Hindi pera ang nagpapaikot sa mundo... At noong napagtanto ko lahat ng ito tila may malamig na tubig na bumuhos sa akin... Magandang umaga!!!! ... Ang sama ng panaginip ko... Pero ayos lang gising naman na ako, sa araw na ito tapos na ang parusang dinaranas ko... Magandang umaga!
YOU ARE READING
Daily Poetry
PoetryJust a collection of my daily emotional struggles translated into poetry