Entry: August 28, 2018
Dumating ka sa mga oras na pagpapahalaga ang pinananabikan ko, at aaminin ko, yung kagaya mo ang tipo ng babaeng ipinagdarasal ko, yung walang arte, masayahin at higit sa lahat matalino... pero masakit isipin na dumating ka sa parehong oras na kahit nasasaktan ako ay may nagmamay-ari na ng puso ko, masakit na kahit gustong gusto kita ay ayokong gawing rebound girl ka dahil masyado kang mahalaga, yan ang totoo, walang halong bola, masakit na kahit gusto kong ligawan ka ay nakatali ako sa pangako sa kanya... t*ng ina sayang, napakasarap siguro na mahalin ka! Pero sa kabila ng sakit ng panghihinayang ay ang saya, yung saya na kahit kailan lang kita nakilala ay di maalis ang ngiti mong nanunuot at nakatatak sa aking kamalayan, yung ngiti mo na sa panahon ng kalungkutan ay pinaghuhugutan ko ng ligaya.
Gayun pa man ay salamat, salamat at nakilala kita, salamat sa paglalagay mo ng ngiti sa nananangis kong mga labi, salamat at nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ka, na kahit ang sakit sakit sakit na ng nararamdaman kong prublema, ay nawawala ang sakit na nadaramama sa tuwing ngingiti ka, dahil sa tuwing makikita ko ang ngiti mo, gusto kong malaman mo na halos tumitigil ang mundo ko, gusto kong malaman mo na bumibilis ang tibok ng puso ko habang bumabagal naman ang oras sa paligod ko.
Sayang! Kung napaaga ka lang sana ay di ako magdadalawang isip na ligawan ka, kung napaaga ka lang sana ay kamay mo ang hawak ko at di ang sa kanya, kung napaaga ka lang sana.
Kaya sana ay iyong ipagpasensya, kung ang pag-ibig mo ang madalas kong pinapantasya, di ko lang talaga maiwasan na mahulog sayo, dahil kahit kailan lang tayo nagkakilala, naramdaman ko ang kawalan mo ng pagtatangi noong tignan mo ang nanliliit kong kalakasan sa kabila ng naghuhumiyaw kong kahinaan, naramdaman kong gusto kita dahil sa totoo lang, holy crap! all in one ka na, ikaw yung tipo ng babaeng ang sarap ipakilala sa tropa, ikaw yung babaeng di ako magdadalawang isip na ipang porma, pero sana'y di mo isipin na sinasabi ko lang ito para madala ka sa kama, dahil tinitiyak ko sayo na kung may pagkakataon ay pagsisimbahin kita na naka suot ng trahe de boda, totoo yan, walang halong bola.
Gusto kong malaman mo na tuwing makikita kita ay naguumapaw ako sa ligaya, oo alam kong kasalanan 'tong nararamdaman ko. Pero nararamdaman ko pa rin dahil sa kasalukuyan ay nilalamon ako ng kahinaan ng pagiging tao, di ako santo at di rin kasing linis ng iniisip ng marami sa inyo ang pagkatao ko, gustuhin ko man na sana ikaw nalang ay natatakot akong magpursige para sayo, dahil na rin ayokong isipin mo na ako'y nagsisiguro, dahil hindi, hindi ko gustong isipin mo na parang naglilipat bahay lang ako, hindi ko gustong isipin mo na ikaw ang reserba ko, kaya sa ngayon sana maging magkaibigan tayo dahil wala akong ibang gusto kundi ang mapalapit sayo.
YOU ARE READING
Daily Poetry
PoetryJust a collection of my daily emotional struggles translated into poetry