Gising , Pikit.

5 2 1
                                    

" Mark gising! Ikakasal na daw si Sheila, ano hahayaan mo nalang bang ganun nalang? Akala ko ba mahal mo, ba't di mo siya ipaglaban? Ano, hahayaan mo nalang na maagaw siya sayo ng iba? "

" Mahal. Mahal na Mahal, kung sa mahal lang din ang pag uusapan. Pero hindi naman siya papayag makasal sa iba kung ako ang mahal niya hindi ba? "

" Pero hindi mo man lamang ba susubukan? Kahit sa huling pagkakataon? Ayoko namang pilitin ka pero mas ayokong habang buhay mong pagsisihang wala kang ginawa nung mga panahong may magagawa ka pa. "

" ...
... Tanga. Ang tanga ko, Tama ka. "

" Tanga talaga! Kaya bumangon kana diyan at baka di tayo umabot. Bilis! "

Dalawang buwan. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung maghiwalay kami ni shiela na Girlfriend ko ng tatlong taon. Magkababata kami ni shiela. Classmate ko siya mula elementary hanggang high school pero sa kabilang bayan siya kumuha ng kursong Tacher. Samantalang ako naman ay nanatili sa aming lugar at nag aral bilang Engineer subalit hindi natapos sapagkat mas piniling ipursigi ang photography. Sa madaling salita, di ako nakapagtapos ng College samantalang si Sheila naman ay gumraduate ng may mataas na pagkilala sa kanyang Graduation.

Muli kaming nagkita pagkatapos ng kanyang graduation. Sa isang outing kasama ang aming mga kaklase sa high school kung saan ang ilan ay nakapagtapos na rin kagaya ni Sheila. Kagaya ng tipikal na outing ng tropa, may asaran, inuman at syempre may malalasing sa tropa. Sa pagkakatanda ko ay yun lamang ang isang bagay kung saan parehas kami ni shiela. Ang di pag inom ng alak. At marahil yun ding ang dahilan at umpisa kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Simple kasi siya, di mahilig maglagay ng mga arte sa mukha ngunit di naman maikakaila na ang simpleng ngiti lamanag niya ay solb na kumbaga.

Simula nga nung araw na iyon ay dumalas ang aming pag uusap hanggang sa nagkamabutihan nga kami at nauwi sa pagsagot niya ng matamis na "OO" sa akin. Labis ang saya ko ng mga oras na iyon na tila pati oras ay gusto kong pahintuin wag lang matapos ang mga araw na kasama ko si Sheila. Subalit kabaliktaran ang nangyari. Lalong bumilis ang oras at napakadaling lumipas ang tatlong taon. Ganun din kabilis magbago ang lahat. Ugali, Hitsura,desisyon, pati Feelings. Hindi ko alam kung sa amin lang o sa lahat ng Mag-Jowa na tila ba kay hirap intindihin ang bawat isa at tila lahat ng bagay maliit man o Malaki ay pag aawayan sa di malamang dahilan. Nakakasawa. Nakakapagod. Hanggang sa umabot kami sa puntong hindi na naming kinaya lahat. Parehas kaming napagod. Parehas kaming sumuko.

Ang bilis ng oras, Ni hindi ko namalayang dalawang buwan na pala ang nagdaan at walang kaming ginawa. Parehas naming hinayaan ang isa't isang maghilom sa lahat ng sakit. Parehas kaming nakampante na ang lahat ay kusang babalik sa dati. Sa dating saya, sa dating pagsasama, sa dating kami. Pero hindi. Hindi pala dapat ganon, hindi pala dapat hinahayaang sarilihin ang sakit dahil kung mahal niyo ang isa't isa dapat ay dalawa kayong lumaban. Dapat sabay niyong harapin lahat ng pagsubok na darating upang sirain ang lahat sa inyo. Dapat nandoon kayong pareho kapag mas humirap lumaban kasi una sa lahat sa inyo yan, Kayo yan. Hinaharap niyo yang ipinaglalaban ninyo. Higit sa lahat mahal niyo ang isa't isa, diba dapat pag nagkaroon ng problema, Mas mahalin niyo ang isa't isa? Hindi niyo dapat hinahayaang manaig ang sakit at poot na nararamdaman upang wasakin ang ipinaglaban at binuo niyo ng ilang taon. Huwag niyong hayaang sa iba niyo hanapin yung kaligayahang dapat ibinibigay niyo sa isa't isa.

" Bilisan mo! Nasa baba na yung taxi, Tara na! "

" Kumusta ang hitsura ko, Pogi parin ba? "

" Gago, walang silbi yang kagwapuhan mo kung mawawala si Sheila sa iyo. Baka wala nang babaeng pumatol sayo pag di tayo nakaabot. "

" Kuya, sa Bayan po. Sa may simbahan, pakibilis po at may kailangan kaming habulin at baka tumandang binata 'tong kasama ko "

9:04 AM. Dalawampu't anim na minuto bago ang kasal. Heto na naman akong nagnanais na pahintuin ang oras upang makuha ang aking gusto. Parang pamilyar ang pakiramdam. Parang nung umpisa. Parang nung unang narinig ko ang oo mula sayo. At Huli, natapos ang kung ano mang meron tayo. Ganun din ba ulit? Mananalangin ba ulit akong tumigil ang oras samantalang sa huli ay masasaktan lang din ako? Ah, Bahala na. basta para sayo, susugal ako.

Tumigil ang sasakyan sa may Stoplight. Kinse minutos ang nagdaan pagkatapos ng alas nuwebe ng umaga ang bumungad pagtingin ko sa orasan. Kinakabahan ako habang nakatingin sa kulay pulang ilaw sa gitna ng daan.

Hinihintay ang hudyat na pwede nang magpatuloy upang habulin ang aking nakaraan, kasalukayan at sana ay akin ding hinaharap. Berde. Eksakto sa pagkakatanaw ko ang pag iiba ng kulay sa gitna ng daan. Sabay, Sabay sa pag abante ng aming sinasakyan. Sabay sa nakakarinding busina ng isang Truck na patungo kung saan kami naroon. Sa mga sandaling iyon, wala akong nagawa kundi ang pumikit. Sa aking pagpikit ay ikaw ang tanging nakikita ko. Ang simple mong mukha kung saan nakapinta ang matamis mong ngiti. Napakaliwang. Unti unting nababalot ng liwanag mula sa iyong ngiti. "Mahal na Mahal Kita", ang mga katagang lumabas sa aking bibig.

MARKWhere stories live. Discover now