Kaibigan, KaIbigan

3 1 0
                                    

" Gumising kana, Ayokong nakikita kang ganyan dahil nahihirapan din ako kapag nakikita kitang nasasaktan. "

" Gusto kitang gamutin, gusto kong paghilumin ang mga sugat sa iyong katawan subalit higit sa lahat gusto kong pawiin ang lumbay at alisin ang mga galos sa iyong puso. "

" Subalit alam kong hindi ako. Wala sa akin ang tanging gamot sa mga hinanakit mo. Gayunpaman, wala akong ibang hangad kundi ang gumaling ka hindi lamang sa pisikal ngunit maging sa emosyonal na sakit na nararamdaman mo. "

" ... At kung sakaling magising ka at hindi ako ang hanapin mo sa oras na idilat mong muli ang iyong mga mata, Ayos lang. Magiging masaya ako. Ganoon naman talaga dapat hindi ba? Nais nating makita yung ngiti sa mga taong mahal natin kahit hindi tayo ang rason ng mga ngiting ito. Ganoon naman talaga ang taong nagmamahal hindi ba? Handang mag sakripisyo, ialay ang sarili upang maging maayos at masaya ang isang tao. "

" Kaya pakiusap Mark, Gumising kana. "

Bumalik ako sa aking kamalayan habang hawak ni Patricia ang aking mga kamay. Nakahiga ako sa isang kama habang sa aking tabi ay ang mga makina na tila ba naka konekta sa aking katawan. Sinubukan kong gumalaw subalit masyadong mahina ang aking katawan upang bumangon man lamang sa pagkakahiga. Nagmadali si Patricia upang tulungan ako at kasabay 'non ang pagbungad ng mga luhang pilit niyang itinatagong sa akin. Hindi na ako nagtanong kung bakit siya umiiyak nang magsalita siya at kausapin akong muli.

" Wala ka nang ibang ginawa kundi paiyakin ako. "

Patuloy padin siya sa pagpupunas ng kaniyang mga luha subalit mas nagpapatukoy ang pagpatak ng mga ito mula sa knyang mga mata, umaagos sa kanyang maamong mukha.

" Huwag mo na ulit gagawin iyon ha? Tinatakot mo ako, akala ko kung ano na ang nangyari sayo, akala ko hindi ka na lumaban, akala ko mawawala kana sa akin. "

Hindi na ako umimik habang patuloy parin siya sa pag iyak. Nakayakap siya sa akin na tila ba napakatagal na panahon kaming hindi nagkita.

Matagal na panahon na din simula nang makilala ko si Patricia. Walong taon ako 'non nang lumipat ang kanyang pamilya sa aming lugar. Galing silang probinsya noon at nagpasyang manirahan kung saan malapit sa trabaho ng kaniyang tatay, si tito Erny. Siya ay nagtatrabaho bilang isang Supervisor sa isang pabrika na itinayo malapit sa amin na hanggang ngayon ay patuloy parin sa pag-ooperate.

Magkasing edad kami ni Pat kung kayat mabilis naming napalagayan ng loob ang isa't-isa. Naaalala ko pa nga noon, nahihiya pa siyang makipag usap sa amin sapagkat bago pa lamang sila noon sa aming lugar subalit mas nahihiya ang aming mga kababatang lalake na kausapin siya sapagkat nagagandahan sila kay Pat. Paglipas ng isang buwan ay tuluyan nang nakikihalubilo si Pat sa amin. Parehas kami ng pinapasukang paaralan kung kayat sa lahat ng mga kabataan sa amin ay sa akin siya mas napalapit. Magakatabi rin ang aming mga bahay kaya't hindi talaga maiiwasang halos hindi kami mapaghiwalay ni Pat. Sa lahat ng bagay at magkasama kami, sa kalokohan, mga kasiyahan, pista sa baryo, pista ng poong nazareno pati rin nga sa mga pista na gawa-gawa lamang namin upang makatakas sa mga magulang kahit ang totoong rason lamang naman ay upang makapamasyal kaming dalawa.

Ilang taon na rin kaming magka kilala, ilang taon na rin kaming magkasama. Ilang tao na rin ang nagdaan sa buhay ng bawat isa, subalit heto parin kami - magkasamang dinadamayan ang isa't-isa sa mga problema at kasiyahang patuloy na nagdaraan.

Klaro sa aking pandinig ang lahat ng mga sinabi ni Pat habang tila wala akong malay. Dinig ko ang bawat salitang sinasambit ng mga Labi niya habang umaagos ang luha sa kanyang mukha. Subalit wala sa aking isipan ang sabihin ito sa kanya. Ayokong malaman niya na alam kong nagkaka gusto siya sa akin. Higit sa lahat ng tao ay siya yung pinaka ayaw kong masaktan. Natatakot akong mawala siya sa akin kung kayat wala akong ibang pinagsabihan kundi ang aking sarili sa mga narinig ko mula kay Pat.
Mas gugustuhin kong manatili kami sa ganito. Walang magbabago, walang malilito, walang masasaktan. Mananatiling handang dumamay sa isa't-isa. Mananatiling handang gumabay at umalalay. Mananatiling maging balikat na handang sandalan ng bawat isa. Mananatiling taga pinta ng mga ngiti at taga sulat ng mga maliligayang alaala sa buhay ng bawat isa. Ganoon naman talaga hindi ba? Bakit mo gugustuhing sirain ang isang magandang obra para lamang sa isang bigay na hindi tiyak, walang kasiguraduhan? Hindi ba't kahibangan iyon? O di nga kaya'y kaduwagan?

" Ahh. Basta ganito nalang muna, Bahala na. "

" Ano yon? May sinasabi kaba? May kailangan ka ba? "

" Ah wala, tubig. Pahingi ng tubig, Pat ".

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 12, 2021 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

MARKOnde histórias criam vida. Descubra agora