Ako si Liro

325 6 4
                                    


Hi po!

Ako nga po pala si Liro, kasalukuyang nag aaral sa ikatlong baitang. Wala na akong mga magulang o kapamilya, nag iisa ako, araw-araw binubuhay ang aking sarili.

Nagtitinda ako ng mga yosi at iba't ibang klase ng kendi sa may terminal ng bus. Lunes hanggang Sabado po ay gumigising ako ng alas tres nang madaling araw at dumideretso sa pag titinda na walang laman ang tyan.

Suot ko ay malaking t-shirt na hanggang tuhod na butas butas at tsinelas na napulot ko sa basurahan nang isang araw upang humanap ng mapagkikitaan ng pera, inayos ko ang tsinelas at sinusuot ko rin ito sa paaralan.

Kadalasan po ay tumatanggap ako nang labahan na singko sa isang dosenang damit, napakahirap pong maglaba lalo na't walang laman ang tyan. Nang magkapera naman pumupunta po ako ng tindahan upang bumili ng lapis at papel at dalawang piso ng tinapay na paparisan ko ng tubig para sa aking agahan at tanghalian.

Nang palabas na po ako sa tindahan ay bigla po akong hinatak ng isang lalaki at pinalo ng kanyang sinturon at sinabing ninakawan ko siya. Kinulong po nila ako ng tatlong araw at salamat naman sa Diyos pinalabas nila ako.

Pumasok po ako sa paaralan nang binato ako ng isang kaklase ko ng isang malaking bato. Ang sakit po ng ulo ko, dumudugo po ito kaya umuwi muna ako sa aking bahay at pinunasan ang dugo. Nang hindi na ito masyadong dumudugo ay bumalik ako sa paaralan.

Nang uwian, pag uwi ko maraming tao ang nagtatakbuhan. Ang iba ay may dala-dalang gamit. Dali-dali akong tumakbo papunta sa aking bahay. Ang nadatnan ko po ay isang bahay na nag-aapoy.

Wala na akong bahay kaya sa tabi ng kalsada nalang po ako natutulog, pinagtatagpi na karton ang higaan. Sumasakit ang aking tyan at ulo sobra pa pong lamig. Naghanap ako ng tira-tirang pagkain, salamat naman po at nakahanap ako, naibsan ang sakit ng ulo ko.

Nanglilimos po ako ngunit walang pumapansin sa akin. Ang iba po ay tinutulak ako dahil ang dumi-dumi ko at ang baho ko raw po. Ayaw po  siguro nilang madumihan.

'Yun lang po, Magandang Buhay po sa inyo.

- Liro Swerte

Dagli (Ako si Liro) Where stories live. Discover now