kuya, nagdodota ka nanaman?

61 0 0
                                    

kasagsagan ng gabing malakas ang buhos ng ulan at malakas na hangin.. ay ipinanganak ang isang batang babae..

"Aaaaaaah! A-aaaaah! hindi ko na kaya! Aa-aaaaah!

"Sige pa Elisa! nakikita ko na ang ulo ng bata!"

"Aaa-aaaaaaah!"

"Isa pa! malapit na!"

"Aa-aaaaaaah!"

"uwaaaaah uwaaaah!"

"Babae ang anak mo elisa!" masayang sambit ng matanda at itinabi ang bata sa kanyang ina masaya si elisa dahil bakas sa mukha nito na kahit nanghihina at pagod sa panganganak ay nakangiti pa din ito at bago nawalan ng malay ay hinalikan niya ang anak.

"Nay mary.."

ilang sandali pa ng muling magkamalay si elisa ay napansin ng matanda na namumutla si elisa, marahil ay dahil ito sa dami ng dugong nawala sa katawan niya sa panganganak sa sangol. Hindi naman ito madala sa hospital dahil napakalakas ng buhos ng ulan at napakalakas ng hangin na halos nagtutumbahan na ang mga puno sa lakas ng hangin.

"May malay ka na pala elisa! sandali lamang at may kukunin ako sa kusina may ginawa ako na inumin para sa'yo upang gumaan ang pakiramdam mo." Dumiretso ang matanda sa kusina upang kunin ang inumin na ipapainom niya kay elisa. Ng makabalik ito ay dumiretso agad ito sa kinaroroonan ni elisa at inalalayan itong iangat ang ulo upang makainom.

"Nay mary.." muling tugon ni elisa sa matanda

"Ano 'yon elisa?" Tanong ng matanda kay elisa.

"Natatandaan niyo pa po ba nung sanggol pa lamang ako ng iwanan ako ng aking ina sa inyo?" Natigilan ang matanda at naalala ang nangyari noon

~ Flashback ~

Si mary ay medyo matanda na, maaga siyang nabyuda noon. namatay ang asawa niya pagkakasal pa lamang nila dahil sa sakit nito sa baga na Lung cancer na malala na at hindi agad naagapan, at sa kasamaang palad ay nakunan pa si mary sa una niyang baby, simula noon ay hindi na siya muling nag asawa. Labis ang lungkot at pangungulila noon ni mary dahil pakiramdam niya ay pinagkaitan siya ng tadhana na maging masaya ngunit ang lungkot at pangungulila niya sa pag iisa ay napalitan ng kasiyahan ng isang araw ay may isang babae ang pumunta sa bahay ni mary na may dalang sangol humihingi ng maiinom ang babae kaya ito'y pinatuloy ni mary sa bahay niya. Pagbalik ni mary sa sala dala ang isang basong tubig, wala na ang babae at tanging ang sanggol nalamang ang naabutan niyang nakahiga sa sofa kasama ang isang sulat.

Binuhat ni mary ang sanggol at tsaka binasa ang sulat

Ang pangalan po niya ay Elisa Dela torre. Sana po ay alagaan niyong mabuti ang anak ko, huwag niyo po siyang pababayaan. Mahalin niyo po siya ng buong puso. Sa inyo ko po pinagkakatiwala ang anak ko dahil alam ko po na may mabuti kayong kalooban at alam ko din na magiging mabuti kayo sakanya. Balang araw ay maiintindihan niya din ako kung bakit kailangan ko itong gawin.. paglaki niya pakisabi po na mahal na mahal ko siya..
Marisa Dela torre

~ End of Flashback ~

"Nay mary, maraming salamat po sa lahat ng tulong niyo sa akin at sa pagpapa anak niyo sa akin. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo. Alam ko po na hindi sapat ang mga salita upang mapasalamatan kayo sa lahat lahat ng tulong niyo po sa akin. Sa pagpapalaki po sa akin at pagmamahal simula ng iwan ako ng magulang ko ay kayo na ang nagsilbing gabay ko sa pagtahak ng landas ko. Utang ko po sa inyo ang buhay ko."

"Wala yon' elisa, Hindi mo kailangang magpasalamat, dahil sa katunayan nga ay ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil napakabuti mong bata at hindi mo ako kailanman binigyan ng sakit ng ulo at ng dahil sa iyo ay nagkaroon din ako ng anak.."

"Nay mary kayo na po ang bahala sa anak ko sana ay mahalin niyo din po siya tulad ng pagmamahal niyo sa'kin at tulad din po ng pag aalaga na ipinaramdam niyo."

"Ano ba yang mga sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni mary kay elisa

"Nay, salamat po.." Hindi na kinaya ng katawan ni elisa hanggang sa dahan dahan ng pumikit ang kanyang mga mata habang lumuluha

"Elisa! Gumising ka, Elisa!" Pilit na ginigising ni mary si elisa ngunit hindi na ito muling nagising. Hindi na napigilan ni mary ang pag iyak. Dahil muli nanaman siyang nawalan ng anak.

--------
Hi! Hellow! A Mother's Love Hehez
:)
- Cha

Kuya, nagdodota ka nanaman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon