Beginning

31 0 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas at dahil matanda na si mary at nanghihina na ay napagdesisyunan niya na dalhin ang sanggol sa isang mayamang pamilya upang ipaampon, agad namang may pamilya na kumuha sa sanggol

Ang pamilya ng mga Castillo. Kinuha agad ng Pamilya ang sanggol dahil gusto nilang magkaanak ng babae ngunit hindi na maaaring magkaanak ang asawa ni Edward na si Stella.

"Kayo na po ang bahala sa apo ko. Sana ay mahalin niyo sya at alagaan na parang isang tunay na anak." At umalis na si mary na umiiyak . Gustuhin man niya na siya ang mag alaga sa sanggol dahil sakanya ito ipinagkatiwala ay hindi na maaari dahil matanda na siya at nanghihina na

Masayang pumasok ang mag asawa sa kanilang bahay habang buhat ang sanggol. Dumiretso ang mag asawa sa kwarto ng kanilang anak na lalaki na si Mark Jay kumatok ang mag asawa at agad naman silang pinagbuksan nito

"Mom, dad is that a baby?" Tanong ni mark jay sa magulang

"Yes, this is a baby. Do you want to hold her?" Tanong ni stella sa kanyang anak

Dumiretso si stella sa kama at sumunod si Edward at ang anak na si mark jay. Inihiga ni stella ang sanggol sa kama at masaya silang nakipaglaro dito

"Mark Jay anak, anong gusto mong ipangalan natin sakanya?" Tanong ni stella sa anak na si mark jay

"Sabrina! Sabrina! mommy sabrina nalang po ang name niya!" Masayang sabi ng batang si mark jay sa ina

"Sige anak if that's what you want. Her name will be Sabrina Castillo." Sabi ni stella sa kanyang anak

"Anak kuya ka na, proprotektahan mo ang kapatid mo ha kapag malaki na kayo kapag may mang aaway sakanya at sa mga bad guys and treat her like a princess, okay?" Sabi ni Edward kay mark jay

"Yes daddy, I will protect her." Masayang sagot ni mark jay sa ama

Ilang linggo pa ay inayos na ng mag asawa ang binyag ng sanggol at ang Birth certificate nito at hindi naman sila nahirapan kaya naging tunay na anak na nila si Sabrina

Ilang taon na din ang lumipas. Sa parehong paaralan pinag aral ng mag asawa ang kanilang mga anak

Lumipas pa ang mga taon at kasulukuyan na silang nasa Hayskul

"Sabrina bilisan mo na malalate na tayo! Iiwanan na kita pag hindi ka pa bumaba!" Tawag ni mark jay sa kapatid habang humihigop ng kape

"Sandali lang kuya! Bakit ba nagmamadali ka ang agap pa kaya! 6:20 palang naman eh!" Inis na sagot ni Sabrina sa kapatid

"Maagap? Eh mamaya aabutin nanaman tayo ng traffic tapos anong oras nanaman tayo makakarating sa school? Kaya bilisan mo na! Sabrina mauna na 'ko pahatid ka nalang kay manong!" Inis na sigaw ni mark jay at lumabas na ng bahay dumiretso na siya sa sasakyan niya

"Excited ka lagi kuya!" maya maya pa ay bumaba na si Sabrina humigop ng kape at kumuha ng tinapay at tumakbo na din palabas kasunod ng kanyang kuya

"Kuyaaaaa! Wait!!" Sigaw ni Sabrina habang tumatakbo sa likod ng palabas na sasakyan ng kanyang kuya na dahilan upang ihinto ng kapatid niya ang kotse

"Diba sabi ko pahatid ka nalang kay manong? Hayst! Bilis Sabrina! Exam namin ngayon!" Kunot noong sambit ni mark jay at sumakay na ng backseat si Sabrina na naghahabol pa ng hininga

"Ako din naman po kuya may exam! Same school po kaya tayo remember?" Sagot niya sa kapatid ng makarecover na sa paghinga

"Tsss." hindi nalang nagsalita pa si mark jay at mas pinili na tumahimik nalang

Nang makarating sa Eskwelahan ay agad na ipi-nark ni mark jay ang kotse. Naunang bumaba si sabrina at hinintay ang kuya niya upang ihatid siya nito sa kanyang classroom

Naglalakad na ang magkapatid sa hallway ng masalubong nila ang crush ni sabrina at nginitian siya nito na siya naman ikina-statwa at kinapula ng pisngi ni sabrina sa hallway

Napalingon naman si mark jay sakanyang likuran ng mapansin na wala na siyang kasabay paglalakad

"Sabrina! Ano bang ginagawa mo dyan? Magpapahatid ka pa ba?" Kunot noong sigaw ni mark jay sa kapatid

"Opo kuya!" Sabay takbo ni sabrina papunta sa kapatid at nagpatuloy na silang lumakad papunta sa classroom ni sabrina

"Oh bakit namumula yang pisngi mo sabrina? Nilalagnat ka ba?" Tanong ni mark jay sa kapatid sabay hinipo ang leeg at noo nito

"Oh wala ka namang sakit!"

"Ku-kuyaaa Waaaah!! Siya si Cidreck luke Fernandez ! Ang ultimate crush ko!! Kyaaaah!" Pasigaw sigaw na sabi ni sabrina sa kapatid habang naglalakad

"Kuya diba classmate mo siya? Barkada mo din siya dba? Kuya ikwento mo naman ako sa kanya pretty please!" Nagpretty eyes pa ito sa kapatid samantalang si mark jay naman ay nagtakip ng tenga niya at pumikit dahil sa naririndi na siya sa kapatid .

"Ayoko." Tanging sabi nito sa kapatid

"Bakit naman kuya!" Pagmamaktol nito sa kapatid. "Ano bang mali sakanya?" Kunot noo nitong tanong sa kapatid at nagcross arms pa

"Try to observe him. You don't know him that much.." Tanging nasabi nito sa kapatid

----
Woah. Sarap mag outing mga bibi . Hihiz :"> mainggit kayo! Jk lg! XD :Dv

-Cha

Kuya, nagdodota ka nanaman?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon