Sabrina's POV
June 23, 2015
Birthday ko pala ngayon. Haay ang ganda ng gising ko at dahil special day ko ito at monday ngayon ay maagap akong gumising . Hahaha kasi tuwing birthday ko may surprise sakin sila mommy pero bakit ganun hindi nila ako ginising? Eh tuwing birthday ko naman lagi nila akong ginigising at sila pa nga ang nagpapaalala sakin na birthday ko. TwT Huhuhu.
Maliligo na nga lang muna ako bago bumaba.
After 1 hour...
Bumaba na ako at dumiretso sa sala para kumain ng breakfast at nadatnan ko si kuya na palabas na ng pintuan at paalis na.
"Goodmorning kuya! ^______^v" ang agad kong bungad sakanya
"Goodmorning too. Mauuna na nga pala ako pag pasok, kailangan ko kasi agad dumiretso sa SC Office dahil pinaghahandaan namin ang darating na Mr. and Ms. UN kailangan na namin maayos ang lahat! We're running out of time. So kay manong ka nalang muna magpahatid. Is that okay with you?"
"Ah ganun ba kuya sige okay lang, kay manong nalang ako magpapahatid.." at binigyan ko si kuya ng pilit na ngiti
"Okay bye." At nagkiss si kuya sa noo ko at umalis na
Bumalik na ako sa table at kumain.
Maya maya pa ay bumaba na si mom at dad na nagmamadali
"Goodmorning mom Goodmorning dad. Sabay na po tayo kumain ng breakfast! :)"
"I'm sorry baby pero kailangan na namin mauna ng daddy mo kasi madaming ginagawa sa studio natin. kailangan namin ng dad mo na bumili ng bagong cameras mas upgraded camera kailangan natin makipagsabayan sa ibang studio's dahil kung hindi namin gagawin yung ng dad mo baka maisara na natin ng tuluyan ang studio.."
"I understand mom.." binigyan ko sila mommy ng ngiti
"Okay bye sweetheart!" Binigyan ako ni mommy ng hug at nagbeso at si daddy naman kiniss ako sa noo at agad din naman napawi ang mga ngiti ko sa labi ng makaalis na sila..
I'm all alone in this house..
Kaya umalis nalang din ako at hindi na tinapos ang breakfast ko dahil nawalan na ako ng ganang kumain..
"Manong, tara na po.." habang nasa byahe hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Bakit ganon hindi manlang nila mommy naalala ang birthday ko? Hindi manlang nila ako naalala kahit manlang batiin.. :'(
Nang makarating ako sa school ay wala ako sa sarili para akong nasa kawalan. Lumalakad ako sa hallway at parang wala akong naririnig.
Lumipas ang ilang subject at wala pa din ako sa sarili ko kahit na kinantahan na ako sa classroom pagkapasok ko palang at binati ng kung sino sino pang mga kaibigan ko pati ng mga teachers ko
Nang tumunog ang bell agad akong dumiretso sa Canteen. At ang nakakapag taka lang ay bakit ang dilim ng loob ng canteen at parang walang katao tao sa loob? Sarado? Anong nangyare dito? Hays sa labas nalang nga ako ng campus kakain
Paalis na ako ng biglang bumukas ang pinto sa canteen dumiretso ako papasok at agad na bumukas lahat ng ilaw at..
"Happy Birthday Sabrina!!" Kasabay ng pagsabog ng confetti ang sigaw ng mga studyante, kaibigan ko at iba pang tao na nasa loob ng canteen.
At lumabas naman sa gitna ng mga taong nandoon si daddy, mommy at si kuya na siyang may dala ng cake..
Napaiyak na ako sa saya dahil akala ko talaga nakalimutan na nila mom ang birthday ko but I'm wrong.. :)
"Ano bang iniiyak iyak mo dyan? Hahaha. Sabi ko na nga ba at iiyak ka eh dahil akala mo siguro na nakalimutan na namin ang birthday mo noh? Hahaha!" Pinahid ko ang luha ko at hinampas ko si kuya sa balikat pero mahina lang. "Mag wish kana at mauubos na yung kandila, gagamitin pa ulit yan sa birthday mo next year eh." At dahil sa lakas ng tama ni kuya ngayon nagtawanan ang lahat sa banat niya. Hahaha
"Mom, dad at kuya diba po may mga gagawin po kayo na importante?"
"Wala na yun anak sa totoo lang tapos na talaga namin ng dad mo intindihin ang mga camera at iba pang problema sa studio natin." Ngumiti si mom sakin at tumingin siya kay dad sandali at ganon din si dad kay mom at agad na ibinalik ang tingin nila sakin
"Ah, sige po mommy." Ngumiti ako kay mom at kay dad at lumipat ang tingin ko kay kuya.
"Eh ikaw kuya akala ko ba kailangan niyo po intindihin ang Mr and Ms UN dahil malapit na?"
"Syempre malapit na namin matapos yun kailangan nalang namin makausap ang mga contestant na sasali. Ako pa ba diba? Sa gwapo kong to. Suportahan mo 'ko ipaglalaban ko ang kapogihan ko!" Sabay kindat ni kuya Hahaha at muli kaming nagtawanan sira na yata ang ulo ni kuya Hahaha
"Ah, ocake pancake kuya! ^V^ Hahaha Osige ba tutulungan kita kuya, tutulungan kitang talunin yan sinasabi mong Gwapo mong pagmumukha at tutulungan din kita na madiscover mo na hindi ka gwapo! Wag assuming kuya! :P" BWAHAHAHAHA :D
"Sige lang kala mo naman kung sino kang maganda haaa? -_____- pasalamat ka panget at birthday mo." Hahaha Sagot ni kuya
"Btw. Mommy daddy and kuya Thank you for this surprise. Thank you for surprising me every year in my birthday. Thank you for loving me and for everything.." at nag Group hug kami
"And also thank you to my friends, and to all of you guys."
"Kainan na!!" Sigaw ni kuya Hahaha binasag ang katahimikan kahit kailan talaga panira ng momentum. Hahahaha
This is my best birthday kahit lagi naman best ang birthday ko every year. Hahaha . I'm thankful and blessed that I have a family not just a family but a happy and complete family.. :)
------
Lagi na akong puyat kawawa na ang katawan ko naaawa na ako sa sarili ko. Hahaha
@balai Gumaca. Sarap mag swimming kahit hindi naman marunonng. Hahaha Happy birthday tito.
Anyway, Highway, Pathway! Vote comment ^^ at kung gusto mo magpadedicate sige lang, comment ka :)
-Cha
BINABASA MO ANG
Kuya, nagdodota ka nanaman?
Fiksi RemajaThis story is not just all about dota players. naisipan ko lang magsulat ng story na meron kinalaman sa dota players kasi naman na-inspired ako sa mga kaklase at mga kaibigan ko na naglalaro nito at dahil din kay MJ na makulit sabi niya gumawa daw a...