03/29/15

3.1K 61 0
                                    

 "Wanting him is hard to forget, loving him is hard to regret, Losing him is hard to accept, even with all the hurt that I've felt, Letting go is the most painful yet."

TDW Chapter 29

 [[Sabrina's POV]]

        

"Natawagan mo naba yung Eraserheads Sab?"

"Hey Sab!"

"Sabby!! Hello???"

"Hoy Sabrina!"

"Ayy! Bakit ba? Oo natawagan ko na" me

"Tameme ka nanaman" Shai

"Lumilipad nanaman utak mo. Hayyy nako asan naba kasi si Clifford!!?" Mars

"Ok lang ako guys. Sige dun nalang muna ako sa may park" me

"Sige mag-ingat ka ah?" Mars

"Tsaka wag kang magpagabi masyado ha?" Shai

"Opo" me

Tumayo na ako at naglakad papunta sa park at umupo sa may swing. 2days nang lumipas siguro bukas pangatlong araw na hindi bumabalik si Clifford sa campus. Hindi ko alam kung saang lupalop siya pumunta, hindi ko alam kung bakit siya umalis nung umagang yun, hindi ko alam kung anung rason niya. Wala akong alam. Nasasaktan na ako. Araw araw akong nandito sa park. Tumitingin sa kalangitan. Humihiling na sana naman bumalik na siya.

Pinunasan ko yung mga luha na dumadaloy sa mukha ko. Dalawang araw na akong ganito na hinihintay siya.

"Uhm Queen? Panyo po"

Napatingin ako sa babae na nakangiti habang pinapakita niya panyo niya kaya kinuha ko yung sabay punas ng mukha ko.

"Anu. Salamat ha? Lalabhan ko nalang to"

"Wag na po"

Napatingin ako sa babae na umupo dun sa kabilang swing at nagsalita naman siya

"Hinihintay mo po si King?"

Tumahimik ako. Sasabihin ko ba?

"Ok lang po kung--"

"Oo eh. Hinihintay ko si King na bumalik"

Malungkot kung sabi sakanya at pinunasan naman yung luha na tumulo

"Hindi kasi ako pwedeng umalis dito sa school dahil wala akong idea kung saan ko siya mahahanap. Wala naman kasi siyang binanggit saakin kung saan siya pumunta"

Tumingin ako sa langit at pinunasan ulit yung luha

"Sorry ha. Ang oa ko grabe. Umalis lang yung tao--"

"Naranasan ko rin po yan. Oa man po sa paningin ng iba pero para saatin po masakit na masakit. Yung wala kang kaalam alam kung saan pumunta yung minamahal mo and worse dalawang araw nang nawala"

Napatingin ako sakanya na nakatingin dun sa mga studyante na nakikipaghabulan, nakikipaglaro.

"Pero sigurado naman ako may dahilan siya kung bakit siya umalis ng walang pasabi. Sige po alis na po ako"

Tumayo siya at nagbow sabay lakad palayo kaya naman ngumiti nalang ako. Siguro kailangan ko nalang siya hintayin.

Sunday na ngayon at hapon na. Nagkahiga ako ngayon sa kama ng biglang may pumasok. Hindi ko tinignan kung sino dahil alam kong sina Mars at Shai yan.

"Wag na wag mong papalabasin o parinigin si Sab na nandito na ang gagong yun!" Mars

"But Mars may karapatan naman siguro siyang malaman yun diba?" Sha

The dispossessed Woman[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon