TDW a Queen's Cry

3.4K 95 15
                                    

Chapter 9

[[Sabrina's POV]]

Nandito ako ngayon sa likod ng bahay kasi dito ako napadpad sa kakalad umupo ako sa bench. Ewan ko ba kung bakit ako umiiyak ngayon eh kahit magisa lang ako nakikipagaway at nakikipagtrashtalk hindi ako nasasaktan at kung anu anu pero ngayon iba ang nararamdaman ko.

Siguro dahil to kay clifford, dahil sa sinabi niya.

Naging malapit kami sa isa't isa pero hindi ko alam na ganun pala ang tingin nya sakin. Kahit madalas kaming magaaway ni clifford at lagi ko siyang sinusungitan ayaw ko siyang mawala pero ngayon.

*punas sa luha*

Napatawa nalang ako ng mahina, all this time akala ko iba siya, akala ko alam na niya na hindi ako ganung tao na kahit ganito ako gumalaw at umarte alam nya pa rin na hindi ako ganung tao pero lahat ng yun ay akala lang.

I'm hiding myself, tinatago ko ang totoo kong ugali at pagkatao dahil sa nangyare noon.

Siguro hindi nya lang na papansin na nagalala ako sakanya na kahit sinasaktan ko siya , kahit nasampal ko siya gumagawa ako ng paraan para mawala lang yung sakit at makapagsorry.

Napatawa nalang ulit ako.

"Pinapakita mo nanaman na mahina ka sabrina"

Tapos pinunasan ko yung luha ko at tumingin sa langit. Nararamdaman ko nanaman ulit tong feeling na ' nagiisa lang ako ' na walang wala talaga akong makakampihan , masasabihan ng mga problema at mga sakit na nararamdaman ko. I don't have a shoulder to cry on.

Tapos nararamdaman ko nalang may tumabi sakin kaya napatingin ako.

"Alam mo kasi ihja, hindi masama ilabas ang mga sakit na kinkimkim mo. Alam mo bang Nakakamatay yan dahil hindi mo nilalabas ang sakit na nararamdaman mo sa puso mo."

Sabi nung sister na hindi naman masyadong matanda pero hindi naman masyadong bata mga 30+ or 40+ lang siya.

"Go away."

Sabi ko tapos ngumiti siya at hinawakan nya ang likod ng ulo ko sabay tulak papunta sa braso nya I don't know but napaiyak nalang ako.

"Ssshhh ilabas mo lang yan"

Sabi niya kaya napayakap ako ng mahigpit sakanya, gusto ko lang may magcomfort sakin kahit kaisa lang kahit paranasin lang nang dyos sakin na kahit ganito ako, na kahit ganun ang pinapakita ko sakanila may tao pa ring handang tanggapin ako ng buo at handang makinig sa mga problema at sakit na nararamdamn ko.

"Bakit ganun sister? Bakit ganito ang dyos sakin? Mabait naman ako noon ah, nirerespeto at minamahal ko naman ang kapwa tao ko at pamilya ko pero bakit ganito? Bakit pinaparanas nya sakin na wala akong masasandalan pag nasasaktan ako? Na walang taong may gusto kumaibigan sakin dahil sa ugali na pinapakita ko?"

Andami kong tanung tungkol sa buhay ko, tapos tinap lang ni sister yung likod ko at senyas yun na ' ikwento mo lang dahil makikinig ako ' kaya napapikit ako.

The dispossessed Woman[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon