ako

4 0 0
                                    

-kenneth angelo

Nakaupo lamang ako sa pinakadulong upuan dito sa St. Michaels Funeral Home. Nanonood sa pagdating at pag-alis ng mga taong dumalo. Mayroong mga mukhang nakilalat nakasama ko sa loob ng mahabang panahon. Mayroon din namang hindi ko kilala at nagpakilala bilang malayong kamag-anak.

Napansin ko, ganito pala karaming nakaaalala sa mga yumao na. Iyong mga kamag-anak mong nagmula sa kapatid pa ng lolo sa tuhod ay kanila ka nilang kinilala gayong wala ka na. Habang noong nabubuhay ka, ni hindi mo maramdaman sila. Pero ganoon naman kasi talaga. Nagkakaroon lamang ng malaking family reunion kapag mayroong namatay lalo na kapag nagmula ka sa mayamang pamilya.

Umupo sa tabi ko ang isa kong pinsan. Nakasuot siya ng mahaba at itim na leather dress na may hood kaya nagmistula na siyang si kamatayan. Kumusta pinsan? Balita ko malayo na ang narating mo, bati siya sa akin. Itinaas ko ang aking mga balikat saka mabilis ding ibinaba.

Habang tumatakbo ang kamay ng orasan ay padami nang padami ang nagsidalo sa lamay. Nagsimula na ring magbigay ng pagkain sina Manang Rina at ang mga kasamahan niya. Sandwich mo po, Kape po sa inyo, Ano pa po?

Nakikilala mo ako? tanong ko sa pinsan ko. Humarap siya sa akin nang may pagtataka sa mukha sabay nagtanong kung ayos lamang ba ako. Hindi na ako ang dating kakilala mo. Ibig kong sabihin, ako pa rin ang ako, pero kilala mo ba ako? O kinikilala mo lang ako bilang pinsan mo dahil iyon ang sabi ni tito sa yo?

Hindi kita maintindihan. Ano bang gusto mong sabihin?

Bago ko pa sagutin ang tanong niya, isang batang babae ang humiyaw sa galak. Nakaturo ang darili niya sa akin. Sa pagkakataong iyon, ang lahat ng tao ay nakatingin na sa akin. Mga mukha ng pagkilala ang aking nakita. Isang malawak na ngiti lamang ang ginawa ko. Nakagugulat man kung sabihin, pero ang dahilan kung bakit humiyaw ang bata ay dahil nakita niyang ako ang nasa loob ng kabaong.

Pangungulila at Pag-iisa; Mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon