CHAPTER TEN: RAINE AND AZA

6 2 0
                                    


RAINE'S POV

Tinitignan ko ang phone ko habang nag-iisip. Ilang araw na rin since last kami nag-usap ah. Kamusta na kaya siya? I saw her last time pero nahiya na akong lumapit.

Message ko kaya siya? habang hinahawakan ko phone ko ay biglang nag-notify na nagpost siya sa IG

@azacatherine posted a photo

Damn! She looks so perfect.

Wala naman sigurong masama if i message ko siya diba? Oo naman Raine. Go lang. HAHAHAHA

Ano ba Raine? Kaya mo pa ba? Lalim naman masyado ng iniisip ko e gusto ko lang naman siyang maka-usap. Naisip kong wala naman mawawala if kakausapin ko siya. Mabait naman ako ah pogi pa. Hahahahahaha

*Ting*

"Mag-mall kami ngayon ni Sofia, baka lang gusto mong sumama?"

"Mag-third wheel nanaman ba 'ko sa inyo?"

"Siguro? Kasi favorite ka naming Third Wheel eh" aba hayoopppppppp

"Ganon ba? Pag-ako talaga Ross nagka-jowa humanda ka sakin"

"Kapal mo. Di ka nga maka-message lang kay Aza, magka-jowa pa kaya"

I sighed. Gusto ko na talaga magpalit ng kaibigan. Meron ba kayong available diyan?

"Ano na? Sasama ka ba?"

"Oo na. May magagawa pa ba 'ko?"

"Sige. Kita tayo sa SM 3:00 PM"

Kahit naman magreklamo pa ko sa pagiging third wheel ko sa mag-jowang to nag-eenjoy naman ako kasama sila. Sana naman isama nila si Aza no para kilig naman maramdaman ko hindi puro inggit. Pagtingin ko sa phone ko ay 2:00 PM na pala. Humiga ako ng sandali at nag-ayos na din. Matapos ko mag-ayos ay nag-drive na din ako papuntang mall.

"Love birds andito na ko sa mall. San na po kayo?"

"Nasa parking na kami. Wait lang Raine. Si Sofia to"

"Okay Sof. Andito lang ako sa may harap ng Olivia's. Dito ko nalang kayo antayin at gutom nako"

"oki"

Ako na nagdesisyon kung saan kami kakain at ang importante lang naman sa dalawang to ay makapag-date. Kakatapos ko lang magcheck ng mga mails ko at napalingon ako sa entrance ng resto. Tama ba nakikita ko? Kasama si Aza dito? She's wearing a knee level royal blue dress. Alam mo yung sobrang simple niya lang pero sobrang ganda talaga.

"Isara mo yang bagang mo" bulong ni Ross at tumawa lang siya ng nilingon ko "Napaghahalata-an ka"

"Hi Raine!"

"Hi Aza!"

"Oh sinama ko na si Aza para hindi ka na magreklamo na Third Wheel ka kasi dalawa na kayo" Pang-asar na sabi ni Sofia. Sana sinabi niyo man lang para nakapag-handa ako ng maayos.

"Dalawa na tayong third wheel Raine." She smiled. Ang ganda niya talaga promise.

"Ah eh oo nga" parang tanga naman ng sagot ko

"Order na tayo?" Tanong ni Ross

"Sige" Sofia added

"Isang Alfredo Pasta, Isang Aglio Olio" tumigil si Ross at nag-isip "Oh kayo ano gusto niyo?"

"Pasta Bolognese no cheese topping" Sabay na sabi namin ni Aza

"Dapat talaga sabay?" pabirong sabi ni Ross at nagtinginan kami Aza at napangiti nalang.

"Pareho kayo ng gusto ni Aza, Raine." Ngumingiti pa ng pabiro si Sofia habang nagsasalita.

Tapos na kaming kumain ng maisip ng mag-jowa na manood ng movie eh kaso gusto nila horror. Halata ko rin sa mukha ni Aza na parang kinabahan siya kaya habang naglalakad lumapit ako sa kanya

"Takot ka sa horror no?" nakangiti akong bumulong sa kanya

"Huh? Anong sinasabi mo?" gulat niyang tanong

"Halata kaya" ngumingisi pa ako "Wag ka mag-alala. Akong bahala sayo"

"Thanks Raine" sabay hawak sa braso ko

Para akong natigilan. Parang hindi ko ma explain.

"Hoy ba't ka namumula Ulan?"

"Huh?" gulat ko sa tawag ni Ross "wala. Halika ka na"

Kinikilig ba 'ko? Hindi ko din naman kasi alam.

Nakapasok na kami ng sinehan syempre magkatabi kami ni Aza ngayon. Tinitignan ko siya kasi halata talagang takot siya

"Alam mo baka sa pagpikit mo ay makatulog ka nalang diyan buong movie" pabiro kong sabi sa kanya na totoo naman. Kakasimula palang kaya naka pikit na siya

"Tsss" tinignan ako ng masama "Bahala ka basta wag kang aalis dito kasi baka may makatabi akong multo"

Tumawa ako ng mahina habang tinitignan siya "Ang cute mo pala pagtakot"

Nanonood lang kami hanggang sa tumatagal yung movie ay mas nakakatakot pa. Naramdaman ko ng takot na talaga si Aza kaya hinawakan ko kamay niya sabay bulong

"Hawakan ko na kamay mo para pag nandiyan na yung zombies may kasama kang tumakbo"

"Hoy ikaw hindi ka nakakatulong" pikon na siguro to. Hahahahaha.

Hanggang sa natapos ang movie ay hindi na ko bumitaw sa pagkahawak at ganon din siya.

AZA'S POV

Kanina pako nakahawak sa kamay ni Raine. Nahalata niya siguro na natakot talaga ako kasi ba naman sino ba nagsabi na horror dapat yung movie.

Huminga ako ng malalim paglabas namin ng sinehan at napalingon sakin si Raine "Okay kalang ba?" He was still holding my hand. I can feel all the butterflies

"Huh? Oo naman" I smiled.

"Sure ka ba?"

"Oo nga. Kulit mo naman." Kukunin ko na dapat ang kamay ko ng mas hinigpitan niya pa ang hawak

"Wag mo kasing kunin. Alam mo hawak ko na to" Sabi niya pa habang nakangiti "Hindi ko na to bibitawan pa"

Hindi bitawan? Baliw ba? Hahahahaha. Kinikilig ako pero bawal ipakita.

"Ba't parang namula ka?" Tawa pang sabi ni Raine

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Wala. Pero seryoso ako sayo Az" tinignan niya ko sa mata "Ngayon lang ako nagkaganto. Hindi ko alam kung paano ba pero sana pumayag kang ligawan kita"

"Ah ano kasi" nahiya ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko

"Hindi mo naman kailangan sagutin ako agad. Paghihirapan ko naman ang OO mo. Bigyan mo lang ako ng chance"

I just smiled at him 

StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon