CHAPTER THIRTEEN

3 2 0
                                    

AZA'S POV

Papasok na ako ng office ko

"Good morning, Ms. Aza"

"Good morning, Tri---" Napatigil ako. Ano to? Ba't ang daming bulaklak?

"Ay ma'am. Eto yung note galing kay Sir Raine"

Good morning, my baby!

Surprise again!! I hope you like it.

Love,

Your Raine

My Raine? Ano ba to. Kinuha ko nalang ang phone ko to take a picture ng buong office.

*Photo sent to Raine"

"Thank you sa flowers pero ginawa mo nanamang flowershop ang office ko"

"Welcome baby! Hahahaha. Ayaw mo ba non next career mo na ang pagiging may ari ng flower shops?"

"Mr. Gonzales tigilan mo ko. Bye na"

"Okay soon to be Mrs. Gonzales. Bye"

Napangiti ako habang nabasa yung message niya. Gusto ko naman talaga si Raine eh kaso ayaw ko nong relationship na minamadali. Kailangan muna naming kilalanin ang isa't isa.

*Photo sent to my friends"

"Someone turned my office into a flower shop, again."

"Ay iba din talaga ang manok ko." Lianne replied

"Sis pinaparanas na sayo ang feeling pag-naging Mrs. Gonzales kana" dagdag pa ni Sofia

"Mrs. Gonzales?"

"Pa-echos ka pa talaga sis. Alam naman naming gusto mo na talaga siya. Duhh"

"Ingay mo Lianne" reply ko pa

"Grabe talaga ang pa flowers niya girl" Sabi pa ni Sofia

"Ikaw ba naman magmay ari ng malalaking flower farms sa Baguio at Tagaytay. Galing talaga ng manok ko."

Raine's family is the owner ng halos lahat ng malalaking flowers farms. Sila ang supplier sa halos lahat ng flowershops. Sila din ang may ari ng The Grand Events, isa sa pinakamalaking event stylist sa bansa and across asia actually. I'm also starting to like him na because he's nice and pag andiyan siya I feel safe and comfortable.

RAINE'S POV

Sinurprise ko nanaman ulit ng pang malakasang pa flower arrangements si Aza. Ang cute kasi lagi ng nagiging reaction ya. Alam mo yung naiinis na sya kasi ayaw niya ng magarbo pero ang cute talaga ng mukha niya pag-pikon. Aza is beautiful, kind, matalino, mabait at simple lang. Araw araw na nililigawan ko siya araw araw din akong mas nahuhulog pa sa kanya.

"Baby?"

"Yes?"

"I-inom sana kami nina Ross, okay lang ba?"

"Sure sure."

"Sige. Ingat ka. Update mo ko kung naka-uwi kaa na ha?"

"Yes po. Wag magpakalasing ha?"

"Yes boss ❤️"

Matapos magpa-alam ay nag-ayos na din naman ako kasi maya maya ay magkikita kita na kaming barkada. Makalipas ang ilang oras ay nagkita narin kami sa bar sa wakas.

"Oy pre sa wakas nagkita din tayo" Ross

"Oo nga. Busy na kasi eh" dagdag ko pa

"Sinabi mo pa. Balita ko pinuno mo nanaman yung office ni Aza ng bulaklak ha?"

StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon