One Shot

82 1 0
                                    

Have you ever felt betrayed by someone you love? Yung binigay mo lahat ng pagmamahal at halos walang natira para sa sarili mo tapos ang tigas ng mukha niya para lumapit sa'yo at mag sorry. Heto ka naman, dahil nga sa mahal mo siya, magpapatawad at magpapadala sa mga matatamis na salita. Magpapabola sa mga pangako kuno niya na magbabago na siya at hindi na talaga uulit...

Nakakanis diba? Gasgas na nga talaga yung mga lines na "sana pwedeng maturuan ang puso na magmahal na lang ng iba" at "kung alam lang ng puso ko ang salitang paglimot." Well, frankly speaking ang ating emotion ay controlled pa rin ng ating utak. The hypothalamus sends signals to our senses for us to tell that we feel something. Normal na reaction na rin na parang tinadyakan at hindi ka makahinga ng ayos pag nakakaramdam ng selos or matinding emotion.

Dadating ka na lang sa point na mapapagod ka na lang at magiging manhid ka na lang. Mas gugustuhin mong wag na lang makaramdam. Kasi pag wala ka nang nararamdaman, kaya mo nang makangiti ulit. Kaya mo nang tumayo at sabihin sa sarili mo na hindi mo kailangan ng isang tao na hindi marunong magpahalaga. Sabihin na natin na humuhugot tayo mula sa ating mga pinagdaanan, pero totoo naman talaga na mahirap na mag invest ulit ng tiwala sa isang tao na hindi marunong magpahalaga sa nararamdaman at mararamdaman natin. Dito papasok yung salitang "dala na ko", "ayaw ko na", "tama na siguro, hindi lang talaga ako mapalad sa larangan ng pag-ibig."

Well, let me tell you this lalo na sa mga wala pang karanasan sa pag-ibig - true love waits. Para sa mga lalaki, ang babae na pinaghirapan nilang mapa oo nung nililigawan pa lang nila ang babae na iingatan nila. Yung tipong iisipin muna nilang mabuti kung anong magiging reaksyon nung babae bago sila kikilos. Sila yung mga sobrang sensitive sa feelings ng girlfriend or someone special na yun kasi nga nag effort sila at pinag hirapan nila ang ating matamis na oo.

On the other hand, meron din naman mga babae na saglit na panahon pa lang na kilala or kinikilala ang isang binata - bibigay agad. Yes, we are human. We have needs, but these needs can wait. It has its right time and right season. Hindi sapat na dahilan yung kaisipan na, "baka kasi ipagpalit ako", "baka iwanan niya ako kung hindi ko maiibigay ang mga pangangailangan niya." Hija, wag tayong pakatanga sa konsepto na maiiwanan tayong mag isa. Oo, normal sa isang babae na asamin at hanapin yung sense of security from the other person, pero we must also value ourselves first. Kung hindi makapaghintay ang boyfriend mo or manliligaw mo para sa tamang panahon, hayaan mo siya. Like what I have said earlier - true love waits. Kung hindi ka niya mahintay - nangangahulugan lang na hindi ka niya kayang irespeto at panindigan. Baka mamaya, pag nakuha na niya ang gusto niya sa'yo iwanan ka pa niya at ipagpalit sa iba. Ikaw pa ang maging flavor of the month or season. Hindi ka pagkain at lalong hindi mo dapat ibigay ang buong sarili mo sa isang lalaki without thinking ahead. We must learn the art of self-preservation.

Para sa'yo na naibigay na ang lahat lahat sa lalaking akala mo eh yung "the one" mo na. It's never too late to retreat and gather yourself back together. It takes time to heal. Hindi ibig sabihin na nakuha ka na niya eh pag aari ka na niya forever. Wag mong masyadong bigyan ng halaga ang pagkapunit ng hymen mo. Oo - hindi ka na nga pure. Maaring naiisip mo rin na wala nang mag seseryoso sa'yo kasi nga nakuha ka na ng iba. Let me tell you this - sa pag-ibig walang boundaries. Kapag tinamaan ka na ng love bug - kahit ano pang sama ng ugali ng tao na yan, kahit ano pa man yung pinagdaanan niya - matatanggap ka pa rin niya. Mamahalin ka pa rin niya. Yan ang unconditional love. You don't have to be someone else para lang mahalin at tanggapin ka niya. Lahat naman tayo may pagkakaiba pagdating sa maraming mga bagay. It's up to us kung papano natin ihahandle yung situation. Reminder na lang ulit that we must learn the art of self-preservation and keep in mind na true love waits.

Wag mong igaya ang love story mo sa mga Disney Princesses na may happily ever after. Kasi sa mundo ng reality ang kailangan mong iinvest ay tiwala at pag-ibig. Hangga't nabubuhay tayo may mga pagkakataon na susubukin tayo sa paraang hindi rin natin alam kung papano. Tipong hindi natin malalaman kung kaya pa ba natin mag survive sa kabila ng mga challenges. Pero, kung ang kasama mo ay yung tao na pinahahahalagahan ka na mas higit pa sa pagpapahalaga niya sa sarili niya - panghawakan mo lang ang tiwala at pag-ibig mo sa kanya. Hindi natin masasabi kung bakit kailangan natin maranasan ang ganitong mga klase ng pag subok. Only God knows why things has to happen. He is the only one who could tell us why we are tested. Tandaan - hindi naman tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan. These challenges are ought to make us a better person.

Para sa'yo na iniwanan ng lalaking akala mo eh makakasama mo forever na nag iwan din sa'yo ng remembrance na habang buhay mong palalakihin, mamahalin at aalagaan. Ayaw kong sabihin sa'yo na walang forever. Pero wag kang mawalan ng pag-asa na wala nang ibang darating sa buhay mo para tulungan kang maging ganap na maligaya. That child is God's blessing to you. Kung inaalala mo na ayaw mong lumaki yung bata na walang kinikilalang ama, sana inisip mo rin muna yan bago ka tumihaya at nagpagalaw sa tatay niya. Well - it's too late to play the blame game. Nandiyan na kasi yan eh. Again, hindi yan ibibigay sa'yo kung hindi mo kaya. Hindi na uso ngayon yung mga salitang, "Buntis ako. Ikaw ang ama. Panagutan mo ako." Hindi naman sa sinasabi ko na lahat ng lalaki eh takot sa commitment or takot sa pananagutan pero sa ngayon kasi - ganon talaga. Uso yata. Pwede rin naman na epidemia siya na tila nakakahawa yata. Ayokong maging bitter tayo sa mga lalaki na walang paninindigan at walang balls para harapin ang mga ganitong situations. It's just that gusto kong makita mo ang kagandahan ng buhay sa kabila ng pagsubok. Ate - kaya mong palakihin ang anak mo ng ikaw lang mag isa. Oo, dadating yung panahon na magtatanong siya sa'yo kung bakit hindi niyo kasama ang daddy niya - it's up to you kung anong sasabihin mo sa anak mo. Pero tandaan - Honesty is the best Policy. Cliché as it may seem pero may mga bagay na kailangan natin sabihin sa kanila. Hindi tama na siraan natin sa bata ang tatay nila kasi possibleng may dahilan rin naman ang lalaking yun kung bakit siya umalis. Pwedeng sabihin natin sa bata na may tamang panahon para maunawaan niya ang situation.

Ang haba na pala ng litany ko dito. Sana may sense mga pinagsasabi ko. Anyway, pwede naman kayong mag comment at mag vote kung sakaling may violent reaction kayo, suggestion or kahit ano pa yan... salamat sa pag basa... God bless you!

#HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon