Chapter 11: My first

41 2 0
                                    

-- Chapter 11: My first --

** AKI's POV **

Nandito na kami ni Althea sa park.

Nandito kami sa ilalim na puno..

may nadaanan kami kanina na

nagtitinda ng picnic mat.

bumili ako..

kahit hindi naman kami nandito para mag-picnic.

sa totoo lang.

kinakabahan ako..

baka kasi..

hindi ko magustuhan yung sagot sa mga tanong ko..

kanina pa...

kanina pa tahimik si Althea...

kanina pa siya walang imik.

nakapikit lang siya.

gusto kong isipin na tulog siya

pero alam kong hindi.

at alam kong kailangan namin pag-usapan to.

kasi kahit wala kaming relasyon..

alam ko sa sarili ko na

may nararamdaman na kami para sa isa't isa.

hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun.

alam kong nararamdaman din niya to.

kakausapin ko na si Althea

alam ko naman na gising siya e.

umayos ako ng upo..

"Al---" --Me

"6 years old." --Althea ko

"huh?" --Me

"6 years old ako nung una ko siyang makilala" --Althea ko

na-gets ko na.

sinisimulan na pala niya ang kwento..

tungkol sa kanilang dalawa.

hindi na lang ako nagsalita.

makikinig na lang muna ako sa kanya.

"Bagong lipat lang kami nun. Dati kasi nakatira lang kami sa bahay ng mga Lola ko."

"Pero dahil gusto ni Mama na bumukod na kami, binili ni Papa yung bahay na tinitiran namin ngayon"

"Kung itatanong mo kung nasan ang Papa ko.. Saka na lang natin yun pag-usapan"

nakapikit pa din si Althea ko.

pero halata ko na ayaw niyang pag-usapan ang Papa niya.

kaya sabi ko na lng sa kanya ay 'OK'

nagpatuloy siya.

"Wala akong kaibigan nun. Sa bahay kasi nila Lola madaming bawal. Dapat mahinhin ka, bawal lumabas kung makikipaglaro ka lang."

"Ang tanging libangan ko nuon ay Ballet at Piano Lessons. Naiingit ako sa ibang bata na malayang nakakapaglaro"

"Takot ako sa tao. hirap akong makipagkaibigan dahil hindi ako sanay dun."

"Pero nung lumipat na kami ng bahay, nagbago lahat."

"Yung bata kasi sa tapat ng bahay namin, napaka kulit niya. Palagi niya ako pinupuntahan samin. Wala kasi siyang kapatid nun. 8yrs old na siya nun."

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon